Chapter 21

3.1K 98 4
                                    

Avril chlea's pov

Tahimik lang akong naglalakad habang paika-ika sa daan. Hindi ko na alam kung nasan ako mula nang umalis ako don sa lugar kung saan muntik na akong mamatay.

Naiinis ako! Akala ko kasi totoo na yon eh! Na totoo yong pag-aalala na nakita ko kanina lang tapos ito?! Ito lang din pala ang mangyayari?! Arhg! Nakaka-bwesit.

Nagpalinga-linga ako sa lugar at don ko lang napagtantong, nasa tondo ako. Ewan ko kung pano ako nakapunta dito basta ang alam ko ay dito ako dinala ng mga paa ko.

Tinahak ko ang daan papunta sa bahay nila rico. Hindi ko alam kung tatanggapin ba ako don nila aling elby pero bahala na.

"Si eya ba yon?"

"Diba umalis na yan dito?"

"Bumalik si eya?"

"Tangina! Nandito na naman ang siga!"

Napayuko nalang ako nang marinig ang ilang bulungan galing sa mga nakakakilala sakin dito. Ano ba yan! Bakit buhay pa rin ang mga chismosang to?!

Hindi ko nalang pinansin at nagmadali sa paglalakad. Natatanaw ko na ang bahay nila rico.

"Eya!" May kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses na tumawag sakin at napangiti nalang nang makita si ariel. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakikita ko ang saya sa mukha nya habang kumakay sakin suot ang pang-babaeng damit.

'Mukhang may nagbago ah? Mukhang may umamin ah.'

Lumapit ako sa kanya at bahagyang nagulat nang makipagbeso-beso sya sakin na noon ay hindi naman nya ginagawa noon. Noon makikipag-apir lang yan at tatango.

Niyakap nya pa ako na parang miss na miss nya talaga ako. Nang makalas ang yakap ay tinignan ko sya mula ulo hanggang paa tsaka ngumiti.

"Ang ganda mo dyan sa outfit mo ariela!" Masayang sabi ko.

"Opkurs ateng! Umamin na si atey at nag-transform. Pakatotoo ng konti mga bakla!" Natawa ako sa sinabi nya.

"Ano namang ginawa sayo ng tatay mong siga?"

Umirap naman sya sa kawalan. "Ayon hindi matanggap, naglasing tapos muntik ng masagasaan kaya paggising galing sa aksidenti, nagulat si atey dahil tinanggap ang lola mo ng pudra nya! Ayon."

Napailing nalang ako. "Sabi ko sayo eh, maganda ang magpakatotoo."

"Okay nga, nakakahinga ng lalamunan pero yong mga ambisyosa nating kapitbahay, ayon, grabe kung makapag-usap, kala mo wala ako sa harap. Itong lola mo, hindi nalang pinapansin at okrey nalang. Lalo na yang si aling elby na nasobrahan sa pagiging matabil ang dila, dyosko!"

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon