Chapter 38

3K 89 3
                                    


Rhen's pov

"First rule!" Sigaw ko dito kina dominus na mukhang aso. "Walang kakain ng chocolate at candy sa bahay na to kundi ako!"

Tinignan naman ako ni dominus kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Akin lahat ng chocolate sa bahay na to!"

Tumango naman sya at hindi na nakipag-argumento pa. Ha! Kala nila ah!

"Second, wag na wag kayong pupunta sa kwarto ni eya. You're boys, she's a girl. I think that explain why." Sabi naman ni Brandon.

Kaagad akong tumango. "Oo nga! Isang kalapastangan ang pumapasok sa kwarto ng isang babae!" Pagsingit ko pa.

"Ginagalang namin si chlea kaya wala kaming balak na labagin yon." Sabi nong-----sino nga ulit yon? Ah! Si nikolou.

"Good." Sabi naman ni Brandon.

"Third, in this house, you're just a nobody so act like one. Don't order around." Si Drake naman ang nagsalita.

Tahimik namang tumango sila. Ang dali nilang kausap noh? Akala ko maangas eh! Uupakan ko talaga!

"This will be your room. Sakto naman dahil limang kama ang nandito sa guest room. Just choose which bed you want." Page-explain ni Brandon nang makapasok kami sa loob ng isa sa mga guest room. "At nandon ang banyo. It's three so just adjust."

Tumango naman yong mga ungas at manghang pinalibot ang tingin sa buong kwarto. Ignorante! Hmp!

"You do know the way down right?" Tanong naman ni Drake. Nang tumango yong lima ay sinabihan nyang aalis muna kami at bumaba lang sila kung gusto nila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makalabas kami sa guest room.

"Mini-bar." Simpleng sagot naman ni cloud.

Hayyy! Gusto ko ng kumain ng chocolate! Yong cake, ice cream, shake at marami pang iba!

Nang makapasok kami sa mini-bar ay kumuha ng alak si Drake at binuksan yon. Nagsimula na kaming uminom.

"What do you think? What happened to eya are all mafia's responsible?" Tanong ni Brandon.

Umiling ako. "Kung mafia yon ay sinaktan o pinatay na nila si eya." Sagot ko pa.

Tumango naman sila na mukhang sang-ayon sa sinabi ko. Talino ko kaya noh!

"Who did that to eya, they just want to scare us or eya. They might warning us." Seryoso namang sabi ni Louie.

Tama naman sya. Siguro tinatakot nya lang kami. Pwede din namang kaaway ni eya yon. Galit sa kanya kasi sarkastiko sya at mataray. Hehehe. Wag kayong maingay ah?

"I already sent one of those scumbags to Keller and he's trying to sing that bastard." Sabi ni cloud. Sya nga pala ang kumuha kay eya kanina mula don sa mga damuho. Syempre kailangang kumuha ng Isa sa mga gagong yon para pakantahin.

"Our main problem right now is eya, that five assholes, and the fight." Sabi naman ni Drake.

Napasimangot naman ako. Pwede naman sigurong dito nalang si eya at yong nanay nalang nya ang papuntahin dito. Hayy.....

"About the fight, we'll have our training every night." Sabi ni Brandon habang tinutungga ang alak. "About the five, do everything para hindi mapalapit ang mga yon kay eya. Kailangan din silang bantayan baka itakas nila si eya. Tss."

Napatango naman ako at tinaas ang kamay. "Bugbugin nalang natin sila ano?"

Umiling naman si Louie. "Hindi yan magandang idea rhen. Tayo ang mapapahamak sa tingin ni eya."

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon