Red hair

278 9 4
                                    

F e b r u a r y
📅

"Lumabas na ang lahat ng mga tao sa men's cr. Ikaw na lang ang naiwan. Kahit kailan talaga ang bagal mo. Gutom na kami." bungad sa kanya ng kaklase pagkabalik sa kanilang classroom.

"Bakit nasa akin ba ang mga lunchbox nyo?" tugon niya ng mapaupo saka kinuha na rin ang lunchbox para kumain na bago pa ang mga iritang salita ng kaklase ang makain. Lalaki ito pero ang ugali animo'y sobra pa sa babaeng may regla o ginang nasa menopausal stage. Inirapan lang siya nito.

"Anong ganap mo dyan?" tanong niya sa isa pang kaklase na kanina pa ito may ginagawa sa notebook. Nag-cr siya siya ito ang ginagawa pagkabalik ganun parin ang ginagawa nito. Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan ng isang 'to?

"Nag-iiship kung shino ang kawawang lalaki ang iha-hunting niya." bulol na paliwanag ng naunang kaklase dahil sa puno ng kanin ang bunganga nito. Halatang hindi na makapaghintay na kumain.

Ipinakita nito sa kanya ang notebook na puno ng mga pangalan mula freshman year hanggang sa senior. Nakasort by year at may contact number, address, number of girlfriends or boyfriends at sexuality. Napasaludo na lamang siya sa katigayaan nito sa pagsulat at pagtipon ng mga info.

"Ilang buwan na lang April na. Tatapos na ako sa year na 'to pero wala pa akong boyfriend. Gusto ko magka-love life this school year." napatingin siya sa kaklase. Kung usapang hitsura, gwapo naman ito. Maganda ang personality. Masiyahin at hindi bored ka usapan iyun nga lang may kaingayan.

"Sino ba dito ang type mo?" tanong niya para ang kaklase ay kiligin. Ipinatong nito ang dalawang siko sa desk. Kinulong ang mukha ng dalawang palad. "Ang dami kasi nakapasa sa standards ko. Ang hirap mamili pero hindi ako dyan sa may pulang buhok."

"Pulang buhok?" tumango ito. Kinuha sa kanya ang notebook. Pinakita ang info sa tinutukoy nitong lalaki. "Nasa last section. Repeater. Itinatapon ng mga naging previous schools. Ayoko ng ganun. Ang pangit ng record."

Kulang ang info nito. Walang cellphone number at unknown sa number ng girlfriends.

"At saka hindi siya in sa lalaki." dagdag pa nito.

No boyfriend. Straight.

"Hanap ka dyan. Malay mo makapaglove life kana rin basta wag lang yang pula ang buhok."

Ibinalik niya ang notebook pero sumaglit muna ang tingin niya sa pangalan nito. "Hindi. Wag na. Nandito ako para mag-aral hindi magka-boyfriend."

"Sus. Maniwala." sabay tugon ng dalawang lalaki. Parehong hindi kumbinsido.

"Oo nga. Ga-graduate ako na hindi nagka-boyfriend. Promise."

Nagkatinginan ang mga ito sabay sabing... "Pangako ay parating napapako. Magkaka-boyfriend ka at sisiguraduhin namin yun." nag-apiran sabay puminta ang nakakalokong ngiti at taas baba ng kilay.

Hindi na siya nagsalita pa. Hahaba pa ang usapan at nalalamig na ang kanyang baon.

✏✏✏

"Kim Namjoon?" tanong ng kanyang kaklase sa kanilang schoolmate. Pinuntahan nila ang classroom ng crush nito pero ang sabi lumabas.

"Si Jeon Jungkook. Nasaan siya?" sunod na tanong naman ng isa pa niyang kaklase. Ang Jeon Jungkook yata ang natipuhan nito maging boyfriend sa mga nailista. Sa pag-alala niya kanina sa pagbubuklad ng notebook nito ay maganda ang record. Walang any past relationship in both gender. Achiever sa extracurricular activities. "Absent daw. May lagnat." bagsak balikat nitong balita kaya bilang kaibigan binigyan niya ng sympathy. Tinapik ang balikat sabay baka present na ito bukas.

Sa singhap ng kasama pang kaklase ay doon siya napatingin sa hallway. "Papunta na si Joonie!" Kilala niya si Namjoon pero hindi ang kasama nito. Hindi katangkaran at pula ang buhok.

Pula ang buhok. Ito na ang lalaki na tinutukoy ng kaklase na magka-boyfriend siya pero wag lang ito dahil ito lang naman ang nag-iisang estudyanteng nagngahas na kulayan ang buhok.

Naalala niya ang sexuality nito.

Straight.

Magka-akbay ang dalawa at masayang nag-uusap. Ewan ba niya pero sandali siyang napatulala sa ngiti ng binata na may pulang buhok. Parang ang layo naman yata sa binigay na impormasyon ng kaklase. Mukha naman ito mabait.

Nagsabi dito si Namjoon na may kakausapin lang. Lumapit sa kinikilig na si Seokjin. "Pwede bang makuha ang cellphone number mo?" diretsahan ng kaklase sa crush.

"Please put your cellphone number here."

Nakalahad sa kanya ang cellphone ni Namjoon. Tumingin sa kanya si Seokjin. "Ah, Namjoon. Ako na lang ang magbibigay yung sa kanya basta kukunin mo din yung number ko ah?" bago magpalitan ang number ay binigyan siya ng tingin ni Jin. Tinging mag-uusap tayo mamaya.

Gusto niyang umalis. Umatras siya ng lakad. May nakabanggaan sa likuran.

Nakabanggaan niya ang lalaki na may pulang buhok.

Iba na ang aura nito. Blangko na ang mukha. Ang malalamig na mga mata tila lumulusot sa kanyang katawan.

Kanina lang maganda ang ngiti nito ngayon tila, kaya siya gawan ng masama kung tatagal pa siyang nakatitig dito.

"Bigyan mo naman ng silbi yang mata mo. Utang na loob lang."

Doon, nagmamadali siyang naglakad paalis matapos ang mabilisang pag-sorry. Ewan niya lang kung narinig nito dahil sa hina ng pagkasabi.

Sa lingid ng kalamaan niya, ngumiti ito nang makita siya na muntikan ng matisod sa pagmamadaling umalis.

"Ang cute niya talaga."

✏✏✏

"I thought straight ka?" tanong ni Namjoon sa kaibigan na busy sa pagcopy ng cellphone number ng binata na iyun. "Kasing straight ng ruler."

"Di mo alam? May ruler ding nabebend." ngiting sagot nito bago iniwaygay ang cellphone. Tinapik ang balikat ni Namjoon na inaabsorb pa ng utak ang naging sagot.

"Salamat dito. Libre ko na ang lunch mo bukas."

Hinalikan nito ang screen ng cellphone at malaki ang ngiti na umalis.

✏✏✏

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon