Banana milk

101 11 14
                                    


Today is really really really a bad day.
I hate you universe!

Napataas sa kanya ng kilay si Jin sa sinulat sa kanyang journal. Yamot ang kanyang pagmumukha pagkadating ng classroom at pansin kaagad iyun ni Jin matapos binati siya nito na hindi siya nakabati pabalik bagkus inunang inilabas ang journal at doon naglabas ng masamang timpla sa kakasimula palang ng kanyang bagong araw.

Bad trip siya sa sarili.

Bad trip din siya sa ikakarespond ng Mr. Write na iyun for sure ipagpupumilit nito na sinadya niya at technique niya iyun.

Ibinalik niya sa loob ng bag ang journal bago kunin ang kanyang notebook para doon ibuntong ang asar sa sarili. Magdo-doodle siya. "Stupid mistake. Stupid mistake. Stupid mistake." paulit-ulit niyang sambit at asar na pinunit ang papel tuloy napaatras ng bibig sa kanya si Jin na may sasabihin sana.

"Anong sasabihin mo? Siguruhin mo lang hindi ako mababadtrip din dyan."

Tumikhim muna si Jin. Nagplaster ng ngiti sa bibig nito at masayang nag-announce.

"Kami na ni Namjoon!"

Siya? Straight face.

"Isang linggo palang kayo nagpalitan ng cellphone number, kayo na agad? Hindi ka naman easy to get sa lagay na yan diba?" sarcasm niyang tugon para paluin siya ni Jin ng hawak nitong pamaypay sa ulo.

"First of all, lantad na sa buong universe na matagal na akong may gusto kay Namjoon. Bakit pa ba magpapahard to get kung nandyan na ang opportunity? Syempre grab ko na yun bago pa mawala." sermon sa kanya ni Jin . inilagay niya ang hinliliit sa tenga. Animo'y naglilinis ng nasagap nitong dumi. Nabanggit ba niya kapag nagsesermon o nagagalit si Jin ay parang nagra-rap ito dahil bukod sa mabilis magsalita, may high pitch pang kasama? At ito ngayon ang sina-suffer niya.

"Hwag mo akong itulad sayo na pahard to get sa kanyang Mr. Write."

"Hindi ko nga alam ang pangalan nun. Malay mo kidnapper o mandurukot o di kaya ex-convict? Excuse me for fuck's sake? Hindi ako nagpapahard to get. Gusto ko lang masiguro. Wala akong tiwala sa kanya. Kayabangan niya lang ang alam ko and I find him... creepy."

Umupo si Jin sa desk paharap sa kanya. "But... why ini-entertain mo parin siya? Hindi mo parin bina-block ang number niya sa cell mo? Wait, yung contacts mo... don't tell wala parin lamang yan?"

Naalala niya hanggang ngayon pa pala ay walang bagong contacts siyang nai-save liban lang sa phone number na "engot" ang pangalan. Nakalimutan niyang i-save ang number ng dalawang kaklase nag-message na sa kanya.

"See? Nakalimutan mo dahil naka-focus ka sa kanya. Nagcall center na naman kayo tapos sasabihin mo sa akin wala kang trust issue sa Mr. Write na yan? Paki-solve mo nga ang problem solving mo?"

Napapaisip parin siya. Napabuga ng hininga sa kanya si Jin. Natatagalan ito sa paggets niya sa sinabi.

"To make easier, simple and easy to understand. Let's say you have 1% trust on that Mr. Write of yours and the rest 99% is your fcking anxiety. Tama ba ako?"

Hindi siya kaagad makaimik. Medyo... may tinama ng kaunti si Jin sa nauna pero sa huli hindi 1, exact. 1.99 %.

"Ang anxiety na yan ang nagdadala sayo ng pagiging judgemental. Don't judge him dahil hindi ka naman abogado."

Piniling tumahimik na lamang. Kapag si Jin na ang nagtapos ng usapan tapos na din ang laban.

Dumating ang lunch time at dahil gustong i-celebrate ni Jin ang relationship nito kay Namjoon ay inilibre silang dalawa ng kaklase sa canteen. Ito ang unang beses na kakain siya sa canteen. Dati sa canteen kumakain ang dalawang kaklase pero nang mapansin ng mga ito nagbabaon siya ng lunchbox ay nagbaon na rin ang mga ito para samahan siya.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon