Jelly Bean pt.3 : Sunshine

128 11 0
                                    

"Long time no sea."

May pagka-peke na ngiti ni Taehyung. Hinila siya sa braso ng lalaki para yakapin siya na awkward niyang tinapik sa likod for bromance dahil alam niya ang makalaser ngayon na tingin ni Jungkook.

"Ito ba yung boyfriend mo?"
Turo kay Jk na ngumiti naman si Jungkook sa awareness ng lalaki sa kanya.

"Aigoo, inosente pa siya para sayo Titi. Let me pinch his cheek. Hindi ka naman seloso diba?" sabi nito na pinanggigilan kanina pa ang pisngi ni Jungkook bago pa kumuha ng approval kay Tae. "Pwede pa-arbor muna siya sa akin in one minute?"

Napapahawak si Jungkook sa pareho niyang pisngi sa pagkurot ng lalaking ito naging harmless naman sa kanya.

"Nagtransfer kana? Allowed ba? Two months na lang end of the school year na." tanong ni Taehyung sa bagong dating sabay pag-offer ng upuan nito which is upuan sana ni Jimin kung hindi sana nag-walkout.

"Next school year dito na ako. Ang dance club namin nakaadvance sa regional, magko-compete kami malapit lang dito. Bakit miss mo na ako, Titi? Ako kasi namiss ko ang pagiging timang mo. Nakakamiss din pala. Akalain mo nga naman." sabay akbay kay Taehyung.

"Gago. Magseselos ang boyfriend ko. Di ko ugali ang lumandi ng harap-harapan. Hindi iyun totoong cheating. Saka na lang kapag nakatalikod na si Jk."

Yung mukha ni Jungkook hindi mapinta ni Leonardo da Vinci. Hindi niya mapoint out kung ano ang magiging aktwal reaction niya kay Taehyung sa pagiging intellectual nito.

"Paano ka nakapasok?"

"Syempre sa gate." sabat ni Jin sa boyfriend.

"Jin, bawal ang outsider. Paano ka nakapasok? Sumuot kaba sa sirang pader dyan sa likod?"

"Ah hindi." nakangiti nitong sagot kay Namjoon at dahil gentleman ang ating sexy brain, ngumiti siya pabalik sa lalaki para pabalik-balik din ang tingin ni Jin sa dalawa na may mutual understanding na sa dimples.

Napaikot siya ng mata at bumanta ng tingin kay Namjoon.

"Nakipagjack en poy ako sa guard. Natalo ko siya. Hahahahaha! Kaya ako nakapasok."

Nakitawa si Namjoon. Iba ang dating na iyun para kay Jin. Kapag humirit siya ng joke sa boyfriend either straight face lang ito o naka-i'm done look sa kanya pero heto wala namang joke pero nakitawa.

Nagpaplano na siya sa utak niya. May kalalagyan si Namjoon ngunit sa ngayon kailangan niyang maging kalmado di katulad kay Jimin nakapublic ang pagseselos kay Yoongi.

"Bakit nandito ang pagmumukha mo? Kaya pala masama ang hangin kanina. Nakitangay ka."

Walang pamwelcome na bungad ni Yoongi nang magpunta sa mesa. Si Jimin agad ang unang sumulpot sa isip niya nang makita ang unexpected na existence ni Hoseok. Ayaw niyang mag-isip bata ito kay Hoseok. Gusto niya sa kanya lang magpapacute si Jimin. Magpapabeautiful eyes ito at magpout ng lips. Sa kanya lang. Kaya,

Kailangan niyang ilayo si Jimin kay Hoseok at dapat may Plan B hanggang Z.

"Yoongi my bro na-miss kita!" mala-sunshine na ngiti ni Hoseok. Tumayo at niyakap si Yoongi.

Si Yoongi, unbothered.

"Magkilala kayo?" sabay-sabay na tanong ng apat na lalaki.

"Ah Oo." sagot ni Hoseok na ngayon nakaakbay kay Yoongi na pilit inaalis ni Yoongi ang braso nito. "Nagpunta si Yoongs sa Gwangju nung wedding anniversary ng parents ko. Sinama siya ni Tita Bom."

"Wag kang maki-Yoongs. Karibal kita kay Jimin."

"Ayyy, big deal talaga sayo ang feelings ko kay Jimin. Pwede naman tayo maging friends kahit may crush ako sa kanya saka bestfriend hyung niya naman ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon