Love In Trap

92 10 2
                                    

"Di ko parin maabot!"

Buong nakastrength out na ang kamay ni Jimin ngunit hindi parin niya naabot ang sahig.

"Subukan mo ulit."

Napakagat ng labi si Jimin nang mapansin na niya ang simulang pagnginig ng boses ni Yoongi. "Su-Subukan mo ulit, Jimin."

Pinunasan niya ang luha saka sinubukan ulit abutin ang naroong sahig. "Di ko talaga maabot, Yoongi."

"Ga-Gaano paba kalayo ang kamay mo sa sahig?"

"Kamay ko na lang."

Napapikit si Yoongi. Mahirap ang kanyang sitwasyon. Sa pagpasan niya kay Jimin ay walang pinagkaiba sa pagkarga niya ng sariling bigat. Aaminin niya, masakit na rin ang kanyang balikat pero kakayanin niya ito para mailabas lamang si Jimin sa pinagtrap-an nito.

"Ano ba, umaabot ka naman!" frustrate ng salita ni Jimin. Kung tatagal pa siya sa pag-abot, ay mababawasan din ang tyansa na maiahon niya si Yoongi. Kaya ganun na lang ang frustration niya ngayon. Sinisisi niya rin ang sarili kung bakit naging tanga siya kanina.

At kung kayang ibalik ang oras, ibabalik niya ito sa eksenang inutusan siya ng adviser.

"Utang na loob, umabot kana kasi!"

"Isampa mo na ang paa mo sa balikat ko."

Sa narinig kay Yoongi, natigilan siya.

"Yoong—"

"Wag ng matigas ang ulo, Jimin."

Inis niyang pinunasan ang panibagong luha. "Pero—"

"Sun-Sundin mo ako dahil hyung mo ako!"

Bumaon pa ang ngipin niya sa bibig para pigilan ang sarili na hwag mapahagulgol. Alam niya kasi, hindi nakakatulong ang pag-iyak niya sa sitwasyon nila.

"Lulusong ulit ako. Pagkatapos mong alisin ang pagkasintas ng sapatos mo, isampa mo kaagad ang paa mo sa balikat ko, maaabot mo na yan. Jimin?"

Walang nakuhang sagot si Yoongi, ang hikbi lamang nito. Ngumiti siya.

"Magiging MVP player pa ako kaya wag kang umiyak dyan."

Itinapon ni Jimin ang pares ng sapatos  paibabaw para ang medyas na lamang ang maiwan sa kanyang paa. Sa pagbigay ng senyales sa pagtawag ng pangalan ni Yoongi ay inalalayan siya nito na makasampa ang dalawang paa sa balikat nito, naabot na niya ang sahig.

"Abot ko na!"

Relief napangiti si Yoongi.

Mas malamig ang haharapin ni Jimin sa labas. Sa lakas ng hangin sa labas ay halos nagpipito na ito sa kanyang pandinig. Ipinatong niya ang isang braso para angatin ang sarili, ang gagawin na lamang niya alisin ang isang paa sa balikat ni Yoongi at isampa sa sahig. Wala naman siyang problema doon dahil flexible naman ang katawan niya dahil hindi naman talaga iyun ang higit niyang poproblemahin.

May naririnig siyang paggalaw ng kahoy. Ang lumang cabinet nasa kanyang tapat, tila bumibigay na ang tali nito. Sa lakas ng hangin ay napapagalaw ito sa kinatungtungan sa kadahilanang hindi nakastable ang ayos nito.

At anumang sandali, babagsak ito sa kanila—sa kanya. Inilingon niya si Yoongi sa ibaba ngunit bago pa naman bumababa ang kanyang tingin nang natigilan siya.

"Gumilid ka, hyung! Yoongi hyung, gumilid ka!"

May takot sa sigaw ni Jimin para hindi ikagalaw kaagad ni Yoongi. May higit paba silang poproblemahin ngayon?

"Ba-Bakit? A-Anong nangyayari?"

Nagulat na lamang siya nang ibinagsak ni Jimin ang sarili pabalik ng tubig at mabilis siyang niyakap. Sisinghalan niya sana ito sa katangahang ginawa nang mapatingin siya sa itaas, kung tama ang naririnig niya, ingay iyun ng bakal na kumikiskis sa sementadong sahig. Nanlaki ang kanyang mata nang bumungad sa kanya ang dalawang paa bakal ng dating gamit na pangsingle na mesa na iyun.

Akmang pagpapalitan sila ng posisyon nang hinigpitan ni Jimin ang yakap nito sa kanya. Ayaw nitong pagpalitan.

"Jimin!"

"Ayoko, hyung!" naiiyak nitong sabi sabay iling. "I'm sorry..." ang luhang iyon sa gilid ng kanyang mata ay kusang bumagsak. Sa pagkakaintinding mas pinili siya nito kaysa iligtas ang sarili.

"Bakit ang tanga-tanga mo, ah?" naitanong na lang niya na hindi niya napansin umiiyak na pala siya. "Puta! Minsan naman, kailangan mo rin maging selfish, Jimin!"

"Hindi kaya maging selfish, hyung." napaangat ito ng mukha sa kanya. Ngumiti ito kahit naiiyak. "Gaara ko..." malambing nitong sabi. "Halikan mo ako ulit, please?"

"Manigas ka dahil matigas ang ulo mo! Hindi ka nakikinig sa hyung mo! Manigas ka dyan Park Jimin! Galit ako sayo! Napuputa ako sayo kaya hindi kita hahalikan! Hindi!" naiiyak niyang pagtanggi at sigaw. Siyang kukunin niya ang pagkakataon para magpalitan sila ni Jimin dahil ang gamit na lamesa na iyun ay binabalanse na lamang ang sarili nito, kung babagsak o mananatiling sa ganoong posisyon—ay siya namang mas inunang kinuha na pagkakataon na Jimin para ito mismo ang humalik sa kanya.

Their kiss should be taste sweet like Hershey's chocolate, sweet taste as like Jimin's first kiss and for Yoongi for the first touch of his on this plump lips but their tears giving them a bitter taste.

Both of them hate this taste.

Ang dalawang kamay ni Jimin ay dahan dahan niyakap ang kanyang leeg. Ayaw niyang pumikit. Ayaw niyang humalik pabalik. Mas gugustuhin niya ang tiyak na kaligtasan nilang dalawa—ni Jimin kaya nga lang tinutulak ni Jimin ang sarili nito sa kanya.

Aiming this bitter kiss goes in deeper.

"Ji-Jimin..." tawag niya dito sa pagitan ng kanilang halikan. Napatigil ito sa paghalik sa kanya. Hinahabol ang paghinga sa tapat ng kanyang bibig. "Mas pagsisihan ko ang sarili ko kung hindi kita babalikan, Yoongi."

Nagtaas sa kanya si Jimin ng mukha. Tumitig sa kanyang mga mata. "Mas gugustuhin ko ma-trap dito kasama ka. Kayakap ka at yung mahahalikan pa kita. Mas nakakatakot pala yung wala akong magawa para sayo kaysa makakita ako ng white lady at mag-isang matrap dito. Hyung..." pumatak ang luha nito sa mata salungat sa nakikita niyang ngiti sa bibig ni Jimin.

"Di na ako takot, hyung."

"Yah..." naluluhang salita ni Yoongi. "How dare you to say that? Ikaw ang pinakaclumsy nakilala ko at sigurado ako ikaw rin ang pinakamatatakutin na kilala ko kaya paano mong nasasabi na hindi kana takot ah? How dare you to lie in front of your hyung, yah Park Jimin?!"

Nanginginig na kinagat ni Yoongi ang bibig. Gusto niyang maging matatag sa harap ni Jimin pero paano kung ang luha niya ay ngumingilid na sa pisngi niya, hindi na niya kayang pigilan?

"I love you, Yoongi."

Hindi siya galit. Hindi niya kayang magalit kay Jimin. Nagagalit siya dahil nagagalit siya sa kanilang sitwasyon. Sa alam niya hanggang sa ngayon, mahina parin siya. Dala-dala niya parin dito sa Busan ang kahinaan niya mula Daegu.

Siya parin ang dating Min Yoongi.

Nakatingin lamang sa kanya si Jimin nang magmental break-down siya sa harapan nito.

"I... I-ay... ay..." nanginginig niyang salita sa nanginginig niyang bibig. "A-ay... love..." napasinghap dahil nasu-suffocate na siya sa sarili niyang hininga. "I love you too, Ji-Jimin..."

Pagsisihan niya ang pagbreak down niya kay Jimin ngayon ngunit hindi ito ang tamang oras para pag-isipan kung kailan siya magsisisi. Ang mahalaga na sabi niya ang dapat sabihin. Iyun ang hindi niya pagsisihan kailanman.

Naramdaman niya ang muling paglapat ng labi ni Jimin sa kanya. Doon na lamang siya napapikit at humalik pabalik.

May they hate this bitter kiss but it's bitterness is much better than saying goodbye through words.

Mas inilapit pa ni Jimin ang sarili niya kay Yoongi na siyang humigpit pa ang pagyakap ng braso nito sa kanyang baywang. Pareho din nilang batid ang pagtaas pa ng tubig, abot na ang taas nito sa dibdib nila na siyang tataas pa sa kadahilanang lupa ang naaapakan nila sa ilalim.

Inangat ni Yoongi si Jimin na hindi pinuputol ang paghalik niya dito. Pinasampa niya ang nakamedyas nitong paa sa ibabaw ng kanyang paa. "Hyu-hyung...?" mahinang tawag ni Jimin sa kanya. "N-Neh?"

"Tayo na, please?

✏✏✏

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon