Peace offering

122 11 1
                                    

"Dinelete niya ang lahat ng contacts mo?" tanong sa kanya ni Seokjin matapos nasabi kung ano ang totoong nangyari sa paghahanap niya ng cellphone kahapon sa tahimik na library na noon ay nakaupo sa kanyang desk.

Samantala siya, nakatukod ang kanang siko sa desk. Nakapangalumbaba habang ang free hand nagdo-doodle sa likurang papel ng notebook. Madalas siyang nagdo-doodle kapag nababagot o hinihintay ang pagpasok ng subject teacher.

Natatamad siyang tumango habang hindi tumitigil sa ginagawa.

"At sa kanya nanggaling 'to?" dagdag tanong ng isa pang kaklase nakaharap sa kanya. Hawak nito ang red sticky note. "I know several different languages, which do you want to tell you tomorrow? Your Mr. Write. How sweet~ Nakakakilig siya~ "

"Tcch." iritado niyang saad sa nakitang ka-sweetan ng kaklase sa pick up line. "Hwag mo na ngang inuulit-ulit ang pagbasa dyan. Masasaulo ko pa yan kaysa sa periodic table!" marahas niyang inagaw ang sticky note. Inipit sa unahang page ng notebook. Hindi na kasi madikit ito. Saka niya lang iipit sa journal mamaya sa rason na ayaw niyang maistorbo ang pagdo-doodle.

"Kitam. Sabi sayo eh, magkakalovelife ka!" masayang naground of applause ang masayahing kaibigan na in-agreehan all the way ni Seokjin bago binuksan ang pink nitong pamaypay. Pinapaypayan ang sarili.

Imbis na siya dapat ang maging masaya at least ngayon nagko-commute na siya sa ibang tao o kiligin ay ang dalawa pang ito ang excited sa lovelife as if naman may nakakakilig sa pick up line na sa kanya ay hindi umepekto.

Saan banda ang sweet? Ang kilig?

Nagtanong lang naman ito kung anong language ng hello ang gusto nitong i-greet sa kanya kinabukasan. Nasaan ang sweet at kilig dun? Baka nagmamayabang kamo sa multilingual skills.

Kayabangan ng pick up line niya.

"Anong pangalan niya at section? Hahanapin ko siya dito sa master list of records ko."

Napahinto ang ball point ng ballpen. Bakit ba sa tuwing naririnig ang ginawang master list of records ng kaklase ay sumasaglit sa isipan niya ang imahe ng lalaking pula ang buhok.

Ang malalamig pero nakaka-hypnotized na mga mata nito.

Ang kyut nitong ilong.

At ang labi nito na tila kasing tamis ng cherry. Kasing lambot ng cotton na medyas na suot niya ngayon at ang malarosas nitong kulay.

May first kiss na kaya ito?

Teka. Bakit parang lumalayo na siya doon? At bakit ito na ang naiisip niya?

Iwaksi!

"Hindi ko alam." sagot niya sa kaklase saka humikab. "Kung nasa masterlist mo man siya o wala, wala parin akong paki sa existences niya."

Nagsalita si Jin. "Alam mo kung patuloy magiging ganyan ka, matu-turn off yun sayo. Nawalan ka ng lovelife."

"I don't need lovelife, okay?" sabat niya. "Nabuhay ako ng walang ganun."

"Pero mamatay ka ng hindi magkakaroon nun? Hindi ma-e-experience ang um-inlove? Siya, mamatay kana. Boring ng life mo." umalis ito sa pagkakaupo sa kanyang desk. Bumalik sa proper seat which is magkatabi lang sila.

"Oo mamamatay ako pero ikaw ang mamamatay para sa akin." kahit hindi niya balingan ng tingin, for sure naka-irap na ito sa kanya.

Dumagdag pa sa nararamdamang iritasyon ang pagkanta ng kaharap. Tinutukso siya

"Ikaw nga ba si Mr. Write? Ikaw nga ba ang pick up line of my life?"

Nawalan ng tinta ang ballpen. Kumuha siya ng pang-extra sa loob ng bag nang mahagip ng tingin ang dumaang lalaki sa kanilang classroom.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon