Math Equation

87 11 0
                                    


"Hindi ako sasabay sa inyo. Doon ako sa classroom ni Jungkook ngayon mag-la-lunch." napangiti si Taehyung at kumayaw nang nakatayo na si Jungkook sa doorframe.

"Sa canteen naman ako kasama si Namjoon. Looks like may sariling plano tayo—oh Jimin?"

Baling sa kanya ni Jin nang tahimik lang siya sa upuan hawak ang lunchbox.

"Actually sabay rin kami nagla-lunch ni Gaara—I mean ni Yoongi ngayon. Bye!"

Napasunod na lamang ng tingin sina Jin at Taehyung sa nagmamadaling paglabas niya ng classroom. Animo'y may hinahabol na flight.

"Aahhh, yun pala ang hindi niya maipakali kanina. May sariling plano din."

Tumayo na si Jin sa upuan. Ayaw ng patulan ang ngiting asar sa kanya ni Taehyung. Hindi naman sa ayaw niya matalo siya sa pustahan. Sa katunayan nga, gusto niyang magcross dressing kaya nga lang nag-alala siya baka yayain siya ni Namjoon na magtanan pagkatapos nun. Alam naman na magaling si Namjoon mangsira ng mga kung anu-ano baka pati future niya maaksidenteng masira rin ni Namjoon 

Walang tao.

Tahimik ang buong library.

Ang ingay ng sapatos niya ang naririnig ni Jimin habang palapit siya sa pinakadulong shelf, may naririnig siyang ingay ng marker sa white board habang papalit siya doon.

Si Yoongi, may sinusulat sa maliit na white board, napalingon sa kanyang direksyon nang mapansin na ang kanyang presensya.

"You just came on time."

Ngiting lumapit sa kanya si Yoongi. Natatawang ginulo ang kanyang buhok.

"Ano ba ang sinusulat mo?" lumingon ito sa pinagsulatan habang siya inaayos ang nagulo niyang buhok.

"Math equation?"

Kasi iyun ang nakikita niya.

"Yeah." ngiting sagot nito.

Hahanap na sana siya ng pagpupwestuhan nang hinila siya ni Yoongi palabas ng shelf.

"Bawal ang pagkain sa library. Ikaw na rin nagsabi niyan."

"Saan tayo kakain?"

Hila-hila siya hanggang sa makarating sila parkingan ng mga bike. Sa basket ng kanyang bike may nakita siya doong paper bag.

Ang inihandang lunch pack ni Yoongi.

"Malayo paba?" di niya matiis na tanong sa panibagong munting biyahe nila.

"Dyan lang."

"Kanina pa yung dyan lang."

"Kaunti na lang." napanguso na lamang siya sa sagot nito. Humigpit ang pagkahawak ng kamay sa hawakan nang bilisan nito ang pagpedal.

"Sandali!"

Na maya't maya lamang napangiti na lamang siya imbis matakot sa disgrasya naabutin nila sa mabilis nitong pagpedal hanggang sa makarating na sila.

"Hindi ba nakakatakot ito?"

"Ako na nagsasabi, hindi ka mahuhulog dyan." pagre-assurance sa kanya ni Yoongi naunang tumawid na sa hanging bridge.

"Gumagalaw! Natatakot ako!"

Nagpakawala ito ng buntunghininga saka siya binalikan.

"Sakay na."

Mariin siya napapikit habang nakapiggy back kay Yoongi. Ayaw niyang may makita siya na di niya magustuhan sa ibaba. Nakahawak ang isang kamay niya sa gumagalaw na hanging bridge. Di parin maialis ang takot niya kahit pa ingat na ingat ang bawat tawid ni Yoongi.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon