The Truth Got Told

71 10 4
                                    

"How's the kimchi soup noodles?"

"Walang pinagkaiba ang lasa sa luto ko."

Napaismid ang ginang sa diretsahang sagot ng binata na ngayon ay kumakain ng inihanda niyang kimchi soup noodles. Sabihin na natin inihanda niya talaga para kay Yoongi iyun bilang pasasalamat niya.

Nandito sila ngayon sa maliit na garden sa loob parin ng ospital. Nakaupo sa bench. Siya sa ayos na typical na babae kapag nasa public place, crossing her legs and back in straight habang si Yoongi buong nakaupo sa bench, nakacriss-cross ang dalawang binti at hawak ng isang kamay ang plastik na mangkok kung saan sa kanyang gilid nakatayo ang kanyang IV stand.

"Akala ko ba may pag-uusapan tayo? Bakit heto ngayon, pinapakain mo ako?"

"Para kung may masabi ka mang masama sa akin, mabubulunan ka."

Walang tugon nanggaling kay Yoongi. Tahimik lang ito kumakain. Pinapatay ang oras niya sa pagkain ng noodles. Ang totoo nyan gutom na talaga siya. May rasyon naman kaninang alas-sais, iyun nga lang allergic siya sa dahon ng sibuyas na siyang meron sa pang-agahan na lugaw.

"Kung nilagyan mo lang sana ng dahon ng sibuyas, bawing-bawi kana."

Sumaglit ulit ang sandaling katahimikan sa kanila nang naunang nagsalita ang ginang.

"May isang tanong ako. Oo at hindi lang tanging isasagot mo sa akin, may gusto kaba kay Jimin?"

Ibinaba ni Yoongi ang hawak na mangkok. Napatitig sa namuo niyang repleksyon sa sabaw ng noodles. "Mahal ko siya." sabay subo ng noodles. Bahagyang napataas ng kilay ang ginang sa naging resulta ng kanyang yes or no question. Sunod, narinig niya ang ingay ng paghigop ng sabaw ni Yoongi.

"Ano ang handang isuko mo para sa kanya?"

"Sabi mo isang tanong lang?" nagkatinginan sila. Napabuga ng hininga si Yoongi. Suko siya sa diretsong tingin ng ginang. "Wala akong meron kaya wala akong isusuko sa kanya."

Napatingin ulit siya sa ginang nang mahina itong natawa. Yung tawang pilit. Yung walang ka-sincere, yung gusto siyang inisin. "Idol mo si Sakuragi. Sinabi sa akin ni Jimin na gusto mo maging MVP."

"Yan ang naging pangarap ko nang mapunta dito sa Busan pero hindi yan naging pangarap ko nasa Daegu ako. Simply, hindi ang pagiging MVP ang naging childhood dream ko."

May ngiti na sumungaw sa bibig ni Yoongi. "O baka naisabi ko lang iyun dahil wala akong naisip na sagot nung nagtanong siya sa kulay ng buhok ko. Lumayas ako sa amin, it can be count as rebellion." nagpatuloy ulit siya sa pagsubo ng noodles gamit ang dalawang chopsticks. "Ang nagrereldeng tao ay walang pangarap sa buhay, only could think seeking for a freedom pero naging pangarap ko na rin iyon dahil kay Jimin kaya wala akong handang isuko sa kanya except... my body?"

Natawa siya sa huling sinabi. Sa sariling kalokohan. Ngunit hindi natawa ang ginang.

Nakatingin lamang sa kanya ang ginang gamit ang walang emosyon nitong mukha kaya naman dahan-dahan siya lumihis ng mukha palayo. Dahan-dahan napapikit at pinangaralan ang sarili sa isang sulok.

He pretend to be the rudest cat in the city but actually he's a scared kitten living in dark alley, knees chilling in front of a hyena.

"Gago ka Yoongi baka isipin niya tuloy, marupok ka."

"May sinabi ka?"

Humarap siya sa ginang gamit ang poker face na mukha. "Akin na yun."

"Paano ba yan?" napataas siya ng tingin sa ginang nakatingin sa harap, nakakrus ang dalawang kamay. "Mukhang mas bumagsak kapa ngayon. Hindi ko pwedeng ibigay ang anak ko sa lalaking walang pangarap. Ano na lamang ang magiging future niya kapag nagkataon? Palakain naman si Jimin ng kalabasa kahit noong bata pa siya bakit tila nanlabo bigla ang tingin niya sayo?"

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon