Little Revenge

84 9 0
                                    

"1,000 won. Within one week lang magkakabati na sila Yoongi at Jimin."

"1,200 won. More than one week."

Heto na naman ang dalawa, nagpupustahan. Matapos ang eksenang iyun, ito ang naging sunod na scenario ng dalawang Kim na ito since pareho sila walang napala sa naunang deal at sadya lang mataas ang fighting spirit ni Tae na one week lang ang kakailanganin para magkabati ang mag-cool off na magboyfriend.

Nasa canteen sila ni Jin para bumili ng pangrecess. Sila na rin ang bumili para kay Jimin dahil natatamad itong bumaba.

"Si Yoongi may kausap ngayon na babae sa labas ng school gate. Ang laki nga ng shade. Nakapang-disguise look pero heto talaga, mukha daw noona. Siguro ang noona na iyun ang third party nila ni Jimin."

Sabay lumaki ang tenga ng dalawang ito. Syempre basta't tsismis ang lakas umandar ng kanilang radar.

"Two timer si Yoongi?"

"Ex niya daw. First love. First heartbreak."

Mabilis umalis ang dalawang babae na iyun na piniling magtsimis sa pintuan ng school canteen nang makita sila Jin at Taehyung sa kanilang harapan na may bitbit na burger at pepsi.

"Paki ko? Yayaman ba ako dyan? Hindi diba? Kaya bakit ako magkakaroon ng paki?"

Sabay nagkatinginan ang dalawang Kim sa walang paki na tugon ni Jimin sa pagtsismis nila sa binata.

"Wala ka talagang gagawin? As in wala?"

Sa tanong sa kanya ni Taehyung na may halong pagku-kumbinsi na wag siyang maging alikabok sa isang sulok lang dahil dun napa-flashback siya sa initsimis sa kanya nina Namjoon at Jungkook kanina-kanina lang.

"Yoseongdom District. May seafood noodles house dun at doon sila magkikita ng ex niya." naka-heart shape ang mga mata ni Namjoon sa initsimis nito sa malamang nagde-dreaming na naman ng mga crabs.

"Siya lang yung babaing iniyakan ni Yoongi." dagdag info pa sa kanya ni Jungkook sabay pagdila nito sa kinakaing popsicle. "Sabi nila, love is sweetest at the second time around—totoo daw yun."

Alam niya ang ngiti sa kanya ni Jungkook, either may gagawin siya o wala.

"Ano na bespren?" siko sa kanya ni Tae.

"Set-up-an nyo ako ng ka-blind date. Gusto ko sa seafood noodles house sa Yoseongdom kami magkikita. Mamayang alas sais na."

Ito ang dire-diretso niyang sabi sa dalawang kaibigan saka naglagay ng earbud sa parehong tenga nagsasabing hindi na niya i-entertain pa ang magiging follow up questions.

"Ang gwapo mo pala. Mahilig pa naman ako sa gwapo at cute kagaya mo."

Hindi maconclude ni Jimin na compliment ang sinabi sa kanya ni Jongin dahil may pa-lip bite ito at ang tingin, sini-ct scan ang buo niyang puri. Dating ka-classmate ni Jin sa previous nitong inattendan na all boys school.

Napaismid siya. Inabot ang menu sa katabing waiter.

"Order na tayo."

Saka lamang siya napangiwi sa pagtabon niya sa mukha sa hawak na menu.

"Naman..." disappointed niyang lintaya nang maalala hindi pala siya mahilig sa seafood. Oo taga-Busan siya. Malapit sa dagat pero hindi trip ng kanyang panlasa ang seafood. "Sana may carbonara."

Nakahinga ng maluwag ng may carbonara siyang nakita sa menu. Nakahiwalay sa main courses ng seafood noodles house.

"One order of carbonara, juseyo?"

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon