Falling Down

95 9 1
                                    


"Anong porma yan?"

Ngumiti lang siya sa kanyang nanay nagtataka kung bakit may suot siyang shade ngayon.

Hindi siya nakatulog ng buong gabi dahil occupied ang kanyang isip sa white lady nagpapakita sa old science building.

Natatakot siyang matulog, baka mapanaginipan niya ang white lady.

Ngayon heto siya, puyat.

May eyebags.

"Jimin." nguso nito kay Yoongi nanghihintay sa labas ng kanilang gate.

"Mabuti nga siyang kaibigan, Ma. Okay? Kaya kulay pula ang buhok niya, idol niya si Sakuragi."

Napailing na lamang siya sa di parin nababago na tingin ng kanyang nanay sa lalaking pula ang buhok na ngayon ay kanyang kaibigan-boyfriend.

Nagkasalubong ang kilay ni Yoongi nang makita siyang lumabas sa gate na may suot na shade. Nilapitan niya ito at ito ang naunang bumati sa kanya.

"Good morning, Gaara!" 

"Same to you, Candy." tugon ngunit nawe-weirduhan sa naging porma ni Jimin ngayong umaga.

"Ano palang meron? Bakit..." turo sa shade. "Bakit nakashade ka? May sore eyes kaba?"

Humarap ito sa kanya, nagpa-pogi sign. "Wala akong sore eyes pero pogi na ba? In-love kana ba?"

Natawa siya. Ah, masyado ito nagiging cute sa kanyang mga mata. Hindi kaagad nakaimik si Jimin sa paghalik sa kanya ni Yoongi sa kanyang pisngi. Napatingin sa likuran, napa-relief ng nakasarado ang gate.

"Wag mo ako halikan kapag nasa tapat tayo ng bahay. Makikita tayo ni Mama. Mas ba-bad vibes yun sayo."

Napatingkayad patalikod nang inilapit ni Yoongi ang mukha sa kanya. "Noted..." kiniskis ang ilong nito sa tungki ng kanyang ilong. Nangangamba man sa posible na makita sila ng ina sa ganitong ayos ay napangiti na lamang siya sa maagang baon na sweetness ng living Gaara ng buhay niya.

"Without this thing, you'd still gets more beautiful as days passes by, cotton candy."

Napafrown nga lang siya sa "beautiful". Naaasiwa talaga siya sa salitang ito. Napangusong nagsalita.

"Hindi ako babae, okay?"

"Hmm?" pagtaas ng isang kilay sa kanya ni Yoongi. "Sa panahon ngayon, unisex na ang beautiful. Eh sa ano ang magagawa ko kung maganda ka talaga sa mga mata ko? Wala na akong magagawa sa bagay na yan caused I already Jim-in so there's no Jim-out."

Inilayo na nito ang mukha sa kanya saka kinuha sa kanya ang hawak niyang bike.

"Tara na baka matunaw kapa dyan. Ah. By the way hindi muna tayo sasabay uuwi mamaya. Yung manager ko nagrequest na magpaaga ako ngayon."

❣❣❣

"May pashade tayo ah. Pacheese burger naman dyan!" comment sa kanya ni Taehyung sa kanyang pashade.

"Duh. Nakashade ka lang pero ako parin ang worldwide handsome." tirang taray sa kanya ni Jin nang mapaupo ito sa kanilang desk. Inilabas ang pink pamaypay sa pink nitong backpack. Simulang paypayan ang sarili kahit hindi naman mainit.

Napangiwi na lamang siya nang nakita ang cut-out na computerized picture ni Namjoon nakadikit sa pamaypay ni Jin. Yung ulo lang at labas ang dalawang dimples.

"May shade din ako nyan. Taraaaaaaan!" pabida naman ni Taehyung ng kanyang customized guitar shape eyeglasses na may meme face ni Jungkook. "Pagtingin din ako sayo."

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon