Sasuke Uchiha

81 8 0
                                    

Si Jimin.
Busy siya ngayon sa pagbabasa ng komiks na hiniram niya sa library. Nakadapa sa kanyang kama. Nakaheadphone at may mga sliced ng mansanas sa nakalagay sa transparent na tupperware sa kanyang tabi. Imbis gamitin ang dalawang chopsticks, isa lang ang ginagamit niya para itusok.

Kakatapos niya lang gumawa ng mga assignments kaya heto siya ini-enjoy ang late snack niya na kalahating oras mula ngayon, maghahapunan na rin.

Napatigil siya sa pagbabasa. Humiga mula sa pagkadapa. Sinabit ang headphone sa leeg sunod inabot ang flipphone sa night stand.

"Bukas, agahan mo."

"Uy, hindi ito libre."

"Siya. Dalhan kita ng cookies bukas. Call na?"

Di siya marunong magluto pero marunong siyang mag-bake.

"Call!"

Pinindot niya ang end call button. Pinagmasdan ang number ni Seokjin. "Kung pipiliin ko siya, si Namjoon o pagkain. Partida, pagkain parin ang pipiliin nito."

Ibinalik ang headphone sa tenga. Humiga. Nilagay ang tupperware sa dibdib at nagpatuloy sa pagchillax sa binabasang komiks.

May sumaglit na naman sa kanyang isip para mapatigil siya ulit sa pagbabasa. Tumigil din ang pagkagat niya sa mansanas na ang honey syrup na inilagay niya dito ay tumulo na sa kanyang bibig.

Dinalaan niya ang bibig. Sayang ang honey. Pumako ang tingin sa kanyang flipphone.

"Nakakapagtaka. Hindi siya tumawag ngayon."

Binuklat ang komiks pero ang mata lumalampas sa pages ng komiks. "Pakialam ko sa creepy na yan." inilayo ang flipphone. Kinuha ang kanyang sausage roll na unan, ginawang pangharang.

"Di kaya nagkasakit siya? O di kaya namatay na siya?"

Napahawak siya sa dalawang braso. Inikot ang tingin sa buo niyang kwarto. Napatitig sa kalahating nakabukas na bintana. Tumayo siya para isara at i-lock.

"Mas iisipin ko na lang nagkasakit siya."

Dalawang minuto na ang nakalipas at hindi siya makapag-concentrate sa binabasa. Sumilip sa yakap na sausage niyang unan. Sinilip ang flipphone kung nagbi-blink ba ang ilaw nito. "Hindi ako concern sa kanya." pagsisinungaling niya sa sarili. Inilayo ang flipphone sa kanyang mata at hindi pa siya nakuntento, isinipa.

Ang kawawa niyang flipphone ay nahulog at bumagsak sa sahig. "Aaaahhhh!" sigaw niya saka nagmamadaling inirescue ang pinakamamahal niyang flipphone.

Itinaas niya ang flip nito, maayos pa naman ang lagay. Nagpunta sa contacts. Napatitig sa isang caller id.

Engot.

Dala ang kanyang sausage roll umupo siya sa upuan ng kanyang study table.

Tatlong ring.

Nakatatlong ring na hindi parin nito sinasagot.

Tatlong miscalls na.

Okay. Ito na ang last attempt niya. Kung hindi pa—

"Aaaaaahhhhhh!"

Inilayo niya ang flipphone sa tenga. Nakakabasag eardrum ang sigaw nito.

"This is really happening? Ikaw ang unang tumawag ngayon? May yokai bang sumanib sayo! Fuck. Fuck. Fuck! Maraming salamat kung sinumang yokai ka na sumanib sa supladong lalaki na ito!"

Napaangat ang dulo ng bibig niya. Ngiwing ekspresyon. Tumahimik ang linya. Narinig niya ang pagtikhim nito.

"Ayyyiiiehhh..." napakamot siya sa talukap ng mata nang simulang marinig niya ang pagmamayabang ulit nito. "Alam mo na hindi ako tumawag ngayon. Hindi mo ako natiis. Ikaw ah, sumangla kana, nagkakainterest kana sa akin."

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon