Gaara Hyung

74 11 0
                                    

"Kayo na? As in magboyfriend na kayo? Ah, Jjinja?!"

Sa paglaki palang ng mata ni Taehyung at may hanggang tenga na ngiti ay hindi nga nagkamali si Jimin na sabihin sa lalaki ang real score na nila ni Yoongi.

Umakyat pa ito sa desk at tumawa ng tumawa. Yung iba nilang kaklase ay napatingin sa tinuturi niyang soulmate, may ilan nainis dahil nakakaistorbo sa pagre-review para sa long exam ang malaking boses nito na animo'y nakalunok ng sampung speaker.

"Jin!"

Tumalon ito pababa ng desk para yakapin ang bagong dating na si Jin—mali para kumapit kay Jin. Nagtataka si Jin kung bakit may hanggang tenga na ngiti nakaplaster kay Taehyung. Inalis niya ang braso nito nakakapit sa kanyang leeg at ang dalawang hita nito nakapulupot sa kanyang baywang.

"Jin! Jin! Jinnie!" kahit madalas aso't-pusa sila ni Taehyung ay may puwang naman ang overload cuteness nito sa kanyang puso, minsan nga lang umaabuso na.

Wala na siyang nagawa kundi pumunta sa desk habang may Kim Taehyung nakakapit sa kanya. Pagkarating sa desk na pinagsi-share-an nila ni Jimin ay bumitaw na sa kanya si Taehyung at napaupo sa desk.

"May boyfriend na si Jimin. May lovelife na siya!"

Siya naman itong napayakap kay Taehyung at pwersahang pinatayo. Si Jimin nakangiti sa dalawang kaibigan na nagtatalon. Sa kanyang peripheral, nasulyapan niya si Yoongi sa gilid ng bintana nakatingin sa kanya. Kinawayan niya ito at kumaway naman sa kanya pabalik.

Itinaas nito ang wrist. Tinuro ang suot na wrist watch. Senyasan na magkita sila sa library sa lunchbreak at dalhin ang baon niyang lunchpack.

Tumango siya na may ngiti nang magpaalam ito na babalik ng classroom.

"Sila na ni Yoongi!"

"Yoongi?"

Itinulak ni Jin si Taehyung dahil naalala niya boto pala siya kay Mr. Write. Kumakaway parin si Jimin kahit nakaalis na si Yoongi, naputol lamang nang malakas na hinampas ni Jin ang kanilang desk. Sa pagharap, nakapamaywang ito sa kanya.

"Park Jimin!"

Napataken-back si Jimin nang bigla na lamang siya yakapin ni Jin. "Hindi ako pwede matalo sa pustahan... Magbreak na kayo ni Yoongi..."

"Hwag mo nyo kasi gawing big deal ang pusta—"

Humiwalay sa kanya si Jin."Shiro! Kapag nakita ako ni Namjoon nakacross dressing baka yayain niya ako magtanan! Paano na lang ang future ko? Kaya ibreak-an mo na si Yoongi!"

Pareho sila nagshare-an ng I'm done look ni Taehyung, minsan oa talaga itong si Jin ay advance pang mag-isip. Napasalubong nga lang ng kaunti ang kilay niya kay Taehyung nang may parang binubulong ito sa pwet. Ngumiti sa kanya nang mapansin nito ang nakapukol niyang tingin. Hinila nito ang uniform ni Jin para umayos na ng upo dahil dumating na ang kanilang first subject teacher.

"Sana nga lang, tabla na lang, ano?" bitaw nito saka napamulsahan na bumalik sa designated na desk. "Manalo o matalo, importante may Jeon Jungkook ako. Hahahaha!"

"May tinatago itong si Taehyung." sabi sa kanya ni Jin.

"Aalamin natin." pag-agree din niya sa hinala ni Jin. Binuklat ang journal para ipitin ang pastel orange na sticky note saka nilagyan ng date.

"Maraming-maraming na pala yan." comment ni Jin sa maramihan na niyang nakolekta na pick up lines. "Jimin, heto lang ah. Gusto mo rin ba malaman kung sino ang nasa likod ng mga pick-up lines na 'to? Kung sino talaga si Mr. Write? Hindi kaba naku-curious sa secret admirer mo? Todo ang effort eh."

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon