Flip phone

144 11 12
                                    

"Basta siguruhin mo sa oras na niligawan ka ni Namjoon, bastiden mo." tumango siya kay Jin. Naipaliwanag na rin niya na kahit bigyan siya nito ng isang milyon ay hindi siya magkaka-interest sa crush nito pero ang hindi niya mawari ay naalala niya ang mukha ng binata na may pulang buhok.

Ang malalamig at blangko nitong mga mata. Iniwaksi niya ang imahe sa isip. Bakit ba niya sinasayang ang imagination sa pulang buhok na iyun?

"Psst!" sitsit niya sa kaklase nakapalumbaba sa arm chair nito. "Nagkalagnat lang siya hindi siya namatay para magluksa ka dyan." pinalo siya nito sa braso bago bumalik sa naging ayos. Napatingin siya sa dalawang kaibigan. Ang isa nagmumukha ng tanga dahil nakangiti mag-isa at bigla na lang kikiligin samantala ang isa naman, pinaglalamayan na yung nahunting sa kabilang section kung todo naman ang pagsinghot-singhot nito at mahinang paghikbi. Eh nagkasakit lang naman ang tao.

Nakakabaliw ang pag-ibig.

At ayaw niya mabaliw.

Ngunit isa lang din siya sa mga tao na hindi makakaligtas sa pana ni kupido.

Napatayo siya sa upuan nang hindi makapa ang cellphone sa loob ng kanyang black sling bag.

"Pusang gala! Nawawala ang cellphone ko!" binuksan niya ang bag. Binuhos ang lahat ng laman ngunit wala talaga ang kanyang cellphone. Napasabunot siya ng buhok.

Tumingin siya sa dalawang kaklase. "Prank nyo ako no?"

Nang mapag-alaman na hindi dinalaw ni Satanas ang pag-iisip ng dalawa ay naiiyak na lamang siya.

"Tatawagan ko ulit." si Jin. Nakaupo ito sa teacher's table. Tinapat ang pink flip phone sa tenga. "Nagri-ring."

"San mo ba huling inilagay?" tanong sa kanya ng isa pang kaklase. "San kaba huli nagpunta?"

Saan nga ba siya huling nagpunta? Ang natatandaan niya ay nagpunta siya sa library. Sinauli ang comic book na hinihiram niya noong nakaraang araw. Nagbasa ulit siya ng second series nito at naka-idlip.

Walang katao-tao ang buong library sa kadilahang alas singko na. Halos pauwi na ang lahat ng mga estudyante at kahit class hours ay kakaunti lang talaga ang nagpupunta dito at isa lang siya sa mga kaunting estudyante sumasaglit para magbasa ng comic book.

Tahimik ang buong sulok kung hindi lang nababasag ng pamilyar na ringtone.

Kumpirmado naiwan nga niya dito ang cellphone.

Ngunit, wala doon sa mesa na kinauupuan niya kaninang umaga. Patuloy parin nagri-ring ang kanyang cellphone. Sinundan niya kung saan banda ito nanggagaling.

Ang kanyang white flip phone ay nakaipit sa dalawang libro sa shelf. Nagbi-blink ang lights nito. Hindi niya alam kung paano napunta ang cellphone doon at kung bakit ganito ang ayos.

Sinagot niya ang tawag. "Salamat, Jin."

Unti-unting nagkasalubong ang kanyang kilay. Hindi si Jin ang caller.

"I delete all your contacts. Ayoko kasing may tumatawag sayo na iba liban sa akin."

A raspy voice. Mukhang mapanganib ang datingan ng boses.

Sa pag-aakalang nagbibiro ito, tiningnan niya ang contacts. No any contacts found.

Nag-ring uli ang cellphone niya. Asar nagsalita.

"Siraulo kaba?!"

"Nakita mo na ang cell mo?" Si Jin. "Balik kana dito. Siraulo ka din."

Hindi na niya alam kung sino na ang kausap dahil pareho ng naka-number ang nakadisplay.

Nag-ring ulit sa pag-aalalang si Jin.

"Nagalit ba kita?"

Napasnort siya sa inis. "Obvious. Marami akong importanteng contacts dun."

Nadagdagan pa ang inis niya dito nang tawanan pero hindi niya maakila na masarap pakinggan ang tawa nito. Sa kabila pala ng raspy nito, mukhang mapanganib ay may tinatago palang soft and caring voice gayunpaman ay naiinis parin siya sa ginawa nitong papakialaman sa personal na gamit ng estranghero na ito.

"Hwag kang magalit. Sa susunod na mga araw magiging importante din ako sayo."

Isa lang ang masasabi niya. Mahangin.

"Nakadrugs kaba?"

Ewan ba niya. Bakit pa siya nakikipag-usap dito kung pwede niya namang patayin ang tawag o sadya lamang may dating ang magaspang na boses ito sa kabilang linya?

"Addict na nga ako sayo eh."

Napangiwi siya sa narinig. Hindi lang ata mahangin. May sayad pa pala at malakas magtrip.

"Alam ko naiinis kana sa akin—"

"Buti alam mo."

"Syempre ang sagot mo na lang kung pwede mo ba ako maging boyfriend ang hindi ko na lang nalalaman sayo."

Napatahimik siya. Wow. Hindi naman halatang masyadong straightforward ang lalaking 'to.

"Bago ko tapusin ang tawag, may idinikit ako diyan sa patungan, sa ilalim banda. Basahin mo. Para lang yan sayo."

Sinunod niya ang sinabi. May nakadikit doong red na sticky note.

"Para sa kaalaman mo, dinelete ko din ang lahat ng contacts ko liban sayo. Quits na tayo kaya wag kana magalit and please read it with your heart at maingat ka sa pag-uwi."

Namatay na ang tawag.

Napatitig siya sa sticky note.

I know several different languages, which do you want to tell you tomorrow?

-Your Mr. Write

Napasandal siya sa shelf. Infairness yung penmanship nito hindi kahig ng manok. Walang makita na pagkakamali sa bawat na stroke.

Bago niya binulsa ay sinagot niya ang pick up line nito na para sa kanya tanong ang naging dating.

Dumating na ang umaga. Bagong araw.  Maagang pasok naman. Blackboard naman ang kaharap at mapapagod naman ang tenga at utak niya sa discussion. Ngayon, nakatayo siya sa gilid ng highway kasabay ang ilang tao natatawid sa pedestrian lane.

Nang magpula na ang kulay ng traffic light ay tumawid na siya at nang sa kalagitnaan...

"Konnichiwa."

May nag-greet sa kanya. Napahinto siya sa gitna ng palitan ng direksyon ng mga tumatawid. Inilibot niya ang paningin.

Binuksan niya ang bag. Kinuha ang journal. Binasa ang papel nakaipit sa first page ng journal.

Mr. Write first pick up line and first sticky note he received.

Naalala niya ang sinagot kahapon.

"Niponggo."

Oo sinagot nga niya sa hindi interesadong sagot. Hindi niya ito tinawagan o tinitext sa halip sa kawalan siya sumagot dahil nga hindi siya interesado sa trip nito sa buhay at siya ang malas na piniling pagtripan nito.

Tinawagan niya ito sa recent call. Wala paring laman ang kanyang contacts.

Sa pangalawang ring, sinagot nito ang tawag.

"Ang bagal ng mata mo. Hindi mo ako nahagip. Nga pala ang cute ng reaksyon mo. Konnichiwa!" ito lang ang sinabi saka pinatay ang tawag.

Napanganga siya sa gitna ng busy na pedestrian lane at napasambit na lamang ng...

"Shit, Sherlock Holmes."

✏✏✏
-cheonsa-
why i feel my B7am vibes here?
I remember, February last ko pala yun ginawa.
One year na pala ang bus stop echos-echos ko. 😭😭😭

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon