Jelly Bean

90 10 10
                                    

"Dito ka natulog. Di ka umuwi."

Inaakala ni Jimin mag-isa siya pagkagising pero may half naked Min Yoongi parin nakayakap sa kanya at nakatitig sa kanya sa nakagilagid nitong ngiti.

Sinipat ni Yoongi ang kanyang noo at leeg. Nakahinga ito ng maluwag nang bumalik sa normal na ang kanyang body temperature bago siya mas kinulong ni Yoongi sa nakayakap nitong dalawang braso sa kanya.

"Gusto ko ganito lang tayo, hyung."

"Sige. Ganito na lang tayo."

Bago siya hinatak na pumatong sa nakahigang katawan nito na hindi lumuluwag ang pagkakayakap ng braso nito. Sa ganoong posisyon mas makaramdam si Jimin ng body heat.

"Hyung, naririnig ko ang heartbeat mo hyung." aniya nang sumentro ang tenga sa nag-iingay at di makapaling puso ng kanyang hyung.

"Anong sabi?"

"Jimin. Jimin. Jimin. Jimin. Jimin. Jimin. I love you Park Jimin."

Napagalaw ang upper naked body ni Yoongi sa naging tawa kay Jimin na ini-mimic nito ang kanyang heartbeat.

"You like me?" tanong niya sa binata na busy ang munting daliri nito na i-trace ang kanyang exposed shoulder blade.

"I like you a lot."

Umangat ito ng mukha. Sandaling napapikit ng marahan niyang halikan ito sa noo. "Me too."

Nasuklian sila ng ngiti. Muling dinikit ni Jimin ang tenga sa mumunting ingay na iyun. Gustung-gusto niya naririnig ang tibok ng puso ng kanyang hyung na paano na lang kaya di ito dumating sa buhay niya, sasaya parin ba siya katulad ng sandaling ito.

Naging ganun lamang sila sa sumunod pang mga segundo.

Mahinang nag-uusap.

Mahinang nagtatawanan.

Mahinang nagkukulitan.

Mahinang naglalambingan.

At ang malakas lang, ang heartbeat nila para sa isa't-isa. Sasabog kung di kaya nilang pigilan.

Napakakomportable ng kama na ito para kay Jimin mula pa nung bata pa siya pero hindi siya magdalawang-isip na ipalit ito ngayon sa naging personal comfort zone, sa mainit na yakap ng kanyang hyung at ang di nakakasawang pakinggan na heartbeat nito na buong batid niya ay tumitibok lamang para sa kanya.

Mas ligtas siya dito.

Pakiramdam niya hindi siya magkakaroon ng masamang panaginip at walang masamang tao na hahawak sa kanya as long as ang dalawang braso na ito ay patuloy nakayakap sa kanya, ngayon, mamaya, bukas at susunod pang mga bukas.

"Hyung, parang ayoko ng pumasok."

"Yan di ko kukunsintihin."

Napanguso siya ng bibig. Nagtaas ng mukha. Nagpa-puppy eyes sa umagang gising na mukha ng kanyang hyung. "Kasalanan mo 'to."

"Huh. Paano ko naging kasalanan?"

"Ang sweet sweet mo na pwedeng ikasira ng ngipin ko at ayaw mo na akong ipabangon."

"Aish..." nakikilig na mahinang tawa ni Yoongi. Sa sobrang cuteness nakikita niya ngayon kay Jimin ay di niya napigilan ang sarili na kurutin ito sa ilong. "Don't say foolishness."

Nagsuklian ulit sila ng ngiti hanggang sa parehong sila tumahimik. Nagsasabay ang kanilang paghinga at parehong ayaw bumitaw sa isa't-isa.

Reciprocal.

Ang ginagawa lamang nila ang hintayin na lamunin ng liwanag ang apat na sulok ng kwarto. Ang marahang pagtagos nito sa kurtina, pareho silang masilaw at pag-alarm ng alarm clock sa eksaktong oras ng alas-sais.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon