Kiss, Kisses, Real Kiss

98 11 0
                                    

"I love you. You love me. We're a happy family. With a great big hug. And a kiss from me to you. Won't you say you love me too~~"

Itinapos niya ang pagkanta nang maitukod ni Yoongi ang paa nito nang makarating na sila sa parking-an ng mga bike.

"Uhm... hyung?"

"Mhm?" kaswal na tipid na tugon sa kanya ni Yoongi na ito ang nagpaparking ng kanyang bike.

"Hingin ko sana ang cellphone number mo, hyung." nahihiya niyang pakiusap sabay kamot ng likod ng tenga.

May mali ba siyang sinabi? Dahil bumalik ang dating aura sa kanya ng kanyang Gaara hyung. Ang mga sandaling dumadaan ang may rebelde nitong mga mata kapag nagkakasalubong silang dalawa.

"Hyung—"

"Bakit hindi pa ba sapat na araw-araw tayo nagkikita?" pagputol nito sa kanyang sasabihin. Humigpit ang pagkahawak niya sa strap ng kanyang bag. "Hyung, just incase of emergency lang naman hyung at saka yung number mo na lang ang wala sa contacts ko."

Humigpit palapit sa kanya si Yoongi. Hinawakan ang magkabila niyang balikat. Nagpalitan ng tingin hanggang sa...

...hinila siya ni Yoongi at niyakap.

Eh, medyo naguluhan at nabigla siya sa yakap na iyon.

Idagdag pa nasa public place sila.

"Hyung, ang hilig mo talaga mag-PDA ano?" nasabi niya nang dumarami ng mga estudyante napapatingin sa kanila. "Hyung—"

Hindi na naman niya naituloy ang sasabihin nang humigpit pa lalo ang yakap sa kanya ni Yoongi na di rin nagtagal ay kumalas din sa kanya.

"Bakit kailangan pa natin ng connection, eh meron na tayo nun bukod pa sa chemistry." nakangiti nitong sabi.

"Ki aga-aga, naglalandian na. Hinay lang baka mapa-dispatch kayo nyan." pagsulpot ng boses ni Jungkook sa kanyang likuran. Pinapark nito ang bike. Palipat-lipat ang mata nito sa kanya at kay Yoongi.

"Kagabi nalooban kami kaya wala ng cellphone number si Yoongi at sira din yung landline namin."

Mabilis siya napatingin kay Yoongi. Hinila ang sleeve ng uniform nito. "Hyung, bakit hindi mo sinabi? Paano kung sinaktan ka?"

"Wow. Ako di mo ako tatanungin?" singit ni Jungkook na may nakadrawing na sarcastic sa mukha.

"Kamusta ka?"

"Siyempre okay. Humihinga pa naman ako sa harapan nyo diba? Hwag mo kasing iikot lang ang mundo mo kay Yoongi. Hindi siya axis. Padaan nga."

Oo, may pagkabastos talagang ang batang ito at dumaan talaga sa harapan ng magboyfriend para maghiwalay.

Si Jimin hindi siya makaimik, naguguluhan na naman.

Si Yoongi, gustong ibalibag si Jungkook sa malapit na basurahan o di kaya sa likurang compost pit kaya nga lang di niya magagawa nagkaroon na siya ng utang na loob sa naging white lies nito dahil si Jungkook iyun hindi iyun counted na utang loob kundi utang skewer.

Partida kasi magdedemand ang ilong nito ng limang sticks mamayang hapunan nila. Ine-expect na niya iyun. May kalahating Kim Seokjin rin ito eh.

Paglipat niya ng tingin, nakatingin ang magagandang mga mata ni Jimin sa kanya.

Ngumiti siya para tanggalin ang anumang namumuong negatibo sa isipan nito. Nakangiti niyang pinisil ang maumbok na pisngi ni Jimin.

"Nag-away kami. Nakalimutan ko kasi i-lock ang pinto. Wag ka ng mag-alala. Neh?"

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon