Annyeong, Mr. Red Hair

66 12 3
                                    

"Pagtataksil itong ginagawa natin Yoongi sa mga boyfriend natin."

"Magtigil ka nga dyan. May itatanong lang ako sayo."

Nang matiyempuhan ni Yoongi ang pagbalik ni Taehyung sa classroom ay hinatak niya ito pababa ng hagdanan saka lamang binitawan nang pareho na sila nasa mababang floor.

"Ikaw ang pinakamalapit kay Jimin paniguradong marami kang alam sa kanya. Ang weird niya nitong mga nakaraan. Iba siya kapag nasa telepono. Iba siya kapag kayo ang kasama niya at clingy at masyadong emosyonal sa mga bagay-bagay kapag ako ang kasama niya."

Napaalis ng kagat ng labi si Yoongi. Si Taehyung kasi nakatitig lamang sa kanya.

"I think Jimin has this multiple personality disorder."

Ngunit wala paring may nagbago sa hitsura ni Taehyung hanggang sa napatakip ng kamay sa bibig. Pinipigilan na hindi matawa. Napatalikod pa ito sa kanya at napahawak sa naroong pader sa pagpigil na hwag mag-ingay dahil may nagkaklase pa.

"Anong kagaguhan yun?" gulong tanong niya nang humarap na ito sa kaswal na nitong mukha.

"Walang multiple personality disorder si Jimin." panimula sagot sa kanya ni Taehyung. Napasandal ng likuran sa pader bago itukod ang isang paa para isang paa na lamang nito nakaapak sa sementadong sahig at napamulsahan.

"The way you treat him is the way Hoseok treats my soulmate. Hoseok protect Jimin at all cost. Bini-baby niya ito to make not surprisingly Jimin treat himself like a three years old kid. Iniisip niya kasi natutuwa si Hoseok kapag naging ganun ang personality niya in which naman wala kayong pinagkaiba ni Hoseok na hindi naasar sa pag-uurong ng edad niya ay naging ganun din siya sayo kung ano din siya kapag kaharap niya si Hoseok. Yung totoong Park Jimin, yung kausap mo sa telepono, yun yung kasama namin ni Jin- Yoongi, hindi siya inosente sa mga bagay-bagay. Marami siyang alam."

Napa-flashback kay Yoongi ang eksena nila sa library. Ang pagdemo niya kay Jimin ng real kiss.

"Umaarte lang siya?"

"Uh huh." walang alinlangang pagtango sa kanya ni Taehyung. "Ini-set niya ang sarili at utak niya na ganun siya. Having an innocent kid mentality."

Napahinto sa paglalakad si Yoongi nang mahagip niya di sa kalayuang field ang P.E. class ni Jimin. Dinala niya ang paa niya sa glass window ng third floor para maiwanan siya ng mga kaklase para sa kanyang next class upang tanawin ang binatang iyun suot ang P.E. uniform nito.

Naglalaro ang buong klase ng relay. Yung may hawak na tig-isang yellow na stick ang dalawang team, mag-uunahan magpasahan sa mga kasama hanggang makarating ng finish line. Si Jimin siya ang huling nakapwesto para tumakbo sa finish line.

Nakahiwalay siya ng team kila Taehyung at Jin. Ang dalawa ay magkateam-mate. Umingay ang buong klase sa paglamang ng team ni Jimin. Mas naunang tumakbo si Jimin kaysa kay Taehyung dahil hinihintay pa ni Taehyung ang yellow na stick na ipapasa sa kanya.

Napakilos siya ng paa nang madapa si Jimin para abutan siya ni Taehyung. Hindi kaagad ito nakakilos at napabitaw sa hawak na yellow stick.

Hinihintay niya na maiiyak ito dahil batid niya nagasgasan si Jimin sa pagdapa nito ngunit nawala din ang pag-alalang iyun nang makita niyang tumayo ito at mabilis hinablot ang nabitawan na yellow stick. May distansya man ang naging pagitan ng mata niya ay malinaw niyang nakikita pagkabuo ng loob ni Jimin at walang pagsuko at pagtatapos ng laban sa mukha nito. Hindi tumakas sa mata niya ang maliit na pagngiwi nito sa binti na hindi na rin niya nakikita nasaktan ito sa mabilis niyang paghabol kay Taehyung. Umingay ang dalawang team dahil naging dikit na ang labanan.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon