Guessing In Disguise

75 11 0
                                    

"Dali na... Jimin..."

"Jin, wag mong pilitin kung ayaw niya nga."

"Tumahimik ka dyan."

Naangat ang pwet ni Jimin sa upuan sa malakas na hatak sa kanya ni Jin palabas ng kanilang classroom. Of course, ano pa ba? Excited sa bagong pick-up line ni Mr. Write, si Jin lang yung EGGcited.

Rephrase.

100 % EGGcited si Jin.
Siya 50%. Dahil ang remaining 50% kay Gaara na idol si Sakuragi.
Si Taehyung? 0.0000015%.

Kaladkad siya ni Jin papasok sa kakabukas lang na library. Kalahating napipilitan siya na maglakad unlike kay Taehyung pilit na itapak ang paa sa sahig ng library.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" sigaw ni Jin nang may nakitang blue sticky note sa dating dinidkitan nito. "MARUPOK HETO NAAAA! ANG NAKAKAKILIG! ANG NAKAKAKESO AT NAKAKATUNAW NG ICEBERG NA PICK UP LINE NIYA SAYO!"

Sinaway sila ng librarian dahil sa pag-iingay ni Jin na akala mo siya itong may misteryosong Mr. Write.

Isang casual na ngiti ang puminta sa bibig ni Jimin nang mabasa. Si Taehyung naman ay ni hindi nadali ng pick up line instead para sa kanya pa-ninja moves iyun ng sinumang pa-mysterious-mysterious na Mr. Write na ito kay Jimin at napapangiwi kay Jin na kinikilig sa isang tabi.

Masasabi niya, oa talaga itong si Jin.

"Tingnan natin kung hindi kapa kikiligin dyan." Si Jin, hindi parin ma-contain ang kanyang kilig feelings.

"Pabasa nga ulit." hinablot ni Taehyung ang naturang sticky note sa pagkakahawak ni Jimin. "Kahit saang anggulo tingnan, pa-ninja moves talaga."

"Oo parang kagwapuhan ko lang. Kahit saang anggulo tingnan, photogenic. Hooooy, wala akong sinabing mali." ani ni Jin nang all the time done look ang nakita sa dalawang kaibigan sa naging maagang self-confidence niya.

"Meron." giit ni Taehyung. "Walang nakakakilig sa pick up line ng manok mo at mas lalong walang photogenic sa mukha mo, yabang ang nakikita ko."

Napailing na lamang ng kanyang ulo si Jimin nang mahabulan ang dalawa sa loob ng library.

Itong si Taehyung mahilig talaga mang-asar at hindi si Taehyung ang may pinakamalaking problema dito kundi si Jin, siya itong dapat matured mag-isip dahil mas matanda sa kanila pero ito pa ang mas isip bata kay Taehyung.

Napasandal siya sa noong shelf, hawak ang sticky note nang mapaalis siya sa pinagpwestuhan.

Kagabi, sinubukan niyang i-solve ang math equation na ito sa white board pero piga na ang utak niya sa magiging tamang formula at ginamit na rin niya ang sariling formula ay hindi parin niya ma-i-solved ng tama.

May sagot na siya iyun nga lang sa kutob hindi iyun ang correct answer.

"Jimin!" sulpot ni Taehyung sa kanyang tabi. Ito naman ang humila sa kanya this time palabas ng library. "Si Gaara mo nasa labas! Dali maglandi na kayo! Mag-indirect kiss ulit kayo para ako naman mangisay sa matamis na kiligan nyo!"

May sarili siyang paa pero itong si Taehyung at Jin, pinuputulan siya. Kinaladkad siya kung saan ng mga ito gustuhin siya ilagay.

Nakikita niya sa dulong hallway naglalakad papunta sa kanilang direksyon sina Namjoon, Jungkook syempre yung apple of the eye niya, ang kanyang real life living Gaara,

Min Yoongi with his stand out messy red hair, walking lazily pero nang makita siya ay aba, bumilis ang lakad ng pagong.

Gustong niyang matawa sa arrangement ng tatlo. Hindi niya matyansa kung sadya ba ito, si Yoongi pinagigitnaan lang naman ng dalawang tower at may built na pangangatawan tuloy, nagmumukhang maliit na kuting itong si Yoongi. Inilalaan ang siyam na buhay sa bored na existences nina Namjoon at Jungkook.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon