Gaara or Sakuragi

101 9 17
                                    

"Uhm, you know, di mo na ako dapat ihatid pa. Alam ko naman ang daan pauwi."

Sa pagtingin sa kanya ang rebelde pero may antukin na mata ng lalaking iyon ay iniwas niya ang tingin, ibinalik sa harap.

Side by side sila ngayon naglalakad pababa sa mataas na kalsada.

"Masama ba ang kagustuhan ko na maayos ka makakauwi?"

Sumungaw ang init sa kanyang pisngi at baka masusunog na siya sa sariling init nang bigla na lang siya akbayan ng lalaking pula ang buhok, hilahin palapit pa sa sarili nito. 

"Ah, a-anong ginagawa mo?" nauutal at naiilang niyang tanong.

Same of those days, the red one look at him in lazy and bored gaze. Raising one brow with obvious look.

"Inakbayan ka? Kasi magkaibigan na tayo? Bakit..."slowly creeping a mischievous smile. "...gusto mo ng kiss?"

Wal siya naging tugon. Naging tuod lamang siya sa kinatatayuan. Dina-digest ang narinig. Paulit-ulit iyun nagre-replay sa kanyang utak. gusto mo ng kiss? gusto mo ng kiss? gusto mo ng ki—

"Puta. Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Iisipin ko may crush ka sa akin."

Ibinalik niya ang tingin sa harap at kagaya ng kanina naiilang parin siya, mas lalo na ngayon dahil sa malapitan nilang contact.

"Yung buhok mo, bakit kulay pula?"

Wala sa sariling napahawak ito sa buhok. "Dahil idol ko si Sakuragi!"

Napapakurap siya ng mata. Hindi niya kasi matyansa kung seryoso ba ang sagot nito o nagbibiro lang.

"Dahil sa idol mo siya kaya nagpakulay ka ng buhok pero bawal yan diba sa school? Sisitahin ka ng guidance."

Ngumiti ito sa kanya na pwede na niyang ikatunaw. "Mahal ko kasi ang basketball. Pangarap ko kasi maging MVP player."

"Aish, tulala kana naman. Iisipin ko na talaga may crush kana sa akin." anito saka siya hinila pa ng kamay nito palapit. Siyang napagtanto niya nakatulala na naman siya, dumistansya siya kaunti sa lalaki.

"Kaya lang..." napayuko. Nilalaro ang daliri. "Si Gaara ang crush ko at hindi ko idol si Sakuragi. Mayabang siya."

Napahinto sila sa paglalakad o mas madaling sabihin, ang lalaki na idol si Sakuragi ang siyang nagpatigil sa kanilang lakaran. Napahinto lamang siya.

Hindi niya alam ang gagawin nang titigan lamang siya ng rebelde nitong mga mata. "Ah, ano... ano... kasi..." naputuro sa medyo magulo nitong kulay na pula na buhok.

"Mas kamukha mo pa talaga si Gaara kaysa kay Sakuragi!"

Napalunok siya at napakagat ng labi nang titig lamang ang nakikita niya.

Baka na-offend nito.

Hanggang sa di siya makapaniwala sa nakita niya. Ang unti-unting pagsungaw ng ngiti nito.

"Eh di kung ganun, crush mo nga ako. Tulala ka naman."

Nagpatuloy sila sa paglalakad na siyang unti-unti na rin nasasanay ang sarili niya sa braso nito nakaakbay sa kanyang balikat.

"Yun ba ang bahay nyo, ang kulay blue na gate?"

"Hindi. Yung katabing yellow."

"Hmm..." pagtango-tango nito. "Ngayon alam ko na kung saan ang bahay mo, mabibisita na kita. Masusundo na kita papuntang school."

Bago pa siya maulit-ulit mapatulala sa gwapuhang mukha ng self proclaimed Gaara na may pangarap na maging si Sakuragi ay tinawag siya ng kanyang nanay na noon ay kakabukas ng kanilang gate.

"Yung Mama ko."

Napaalis ang braso nito sa kanyang balikat nang tumakbo siya palapit sa ina.

"Good morning." bati nito sa kanyang nanay. Nakalimutan maging magalang... "po." 

"Ma, si—"

"Pasok sa loob."

"Ma—"

"Park Jimin, pasok sa loob ng bahay." matigas ng utos ng ina. Tumingin siya sa lalaki, may assurance sa ngiti nito.

"Kita tayo sa school bukas!"

"Susundin kita. Sabay tayo bukas."

Tango at ngiti ang isinagot niya bago pwersahang buksan ang gate para pumasok ng bahay. "Bye." kaway niya dito na kinawayan siya pabalik at iwan ang bagong kaibigan na hindi man lang na ipinakilala.

Ang nanay niya, taas-baba nito pinadaan ng tingin ang lalaki. Huminto sa kulay pula na buhok nito bago walang salita na tumalikod.

"Sino yun?" tanong ng nanay niya nang makita siya sa kusina, nagbubukas ng ref para uminom ng tubig.

"Bagong kaibigan."

"Ayaw ko sa kanya. Kulay palang ng buhok, di na matino. Baka magpa-bad influence pa siya sayo. Hwag ka dun makikipagkaibigan."

"Idol niya si Sakuragi at mabait si Yoo—"

"Mag-almusal kana." strikta nitong utos.

"Kumain na ako."

Pagkasara-pagkasara ng pinto ng kanyang kwarto ay napadungaw siya sa bintana. Nakaalis na ang lalaki.

Binagsak niya ng sarili sa kama. Nagpakawala ng malalim na buntunghininga hanggang umingay ang kanyang ringtone.

"Hey." greetings ng kanyang Mr. Write. "May problema ba?"

"Oo—teka paano mo nalaman?" mabilisan niyang pagbangon.

"One minute ka ng tahimik."

Tiningnan ang call duration. Napabagsak ng balikat sa nakitang lampas ng one minute. Napahiga ulit. Tumagilid ng higa. Inabot ang unan na sausage roll, niyakap at dinantayan.





"Di gusto ni Mama si Gaara." 

✏✏✏

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon