Reset

89 10 2
                                    

"Tayo na, please? Hin-Hindi kita sasaktan ka-kaya hindi mo na kailangan mag-move on."

"H-How d-dare you to lie in front of your hyu-hyung?" mahina niyang sagot bago muli itong halikan sunod ilayo ng kaunti ang nanginginig ng bibig sa lamig para makasagot ito ngunit naging tahimik ang side ni Jimin. "O-Okay."

Mapamulat siya nang mahimigan natatawa ito. "Sa-Sabi ko ga-graduate ako na hi-hindi ako magkabo-boyfriend. Na-Nakakatawa kasi nagpromise pa ako ny-nyan. Ika-Ikaw kasi... nilandi mo ako..."

Sa kanilang narinig ay humigpit pa ang yakap ng braso ni Jimin sa kanyang leeg. Walang naramdaman na takot si Yoongi kay Jimin sa halip nagpatuloy ito nagsalita na may ngiti. "At a-ako? Nagpalandi naman ako... Nga-Ngayon naglalandian tayo... Nakakatuwa talaga.."

Hindi na makagalaw si Yoongi nang sobrang higpit na ang pagyakap sa kanya ni Jimin. Ang lamesa kasi sa kanilang ibabaw, nawawala na sa balanse. Nakikita iyun ni Yoongi.

"Magiging MVP player ka at panonoorin ko ang bawat laban mo. Hin-Hindi yan pangako da-dahil gagawin ko yun, hyung."

"Jimin."

"Susuportahan kita dahil boyfriend kita."

"Jimin."

"Magdadala ako ng ma-malaking placard. Kung gus-gusto mo magdadala din ako ng pompoms. Isasama ko din sila Taehyung, Jin, Jungkook at Namjoon basta wag mo kami makalimutan kapag sikat kana ah? Lalo na ako."

Sunod-sunod ang pagbagsak ng luhang iyon kay Yoongi. In last minute, gusto niya paring magpalit sila ng posisyon pero napaudlot nang ito ang binitiwan ni Jimin.

"Kaya hindi kita iiwan."

Bumagsak ang natitirang luha sa mata nya nang paano niya kitang-kita ang siya ring pagbagsak ng lamesa na iyun sa kanila.

"Jimin."

Sinakop ng ingay ng tubig ang buo niyang pandinig. Oo, napalubog sila at alam niyang nahampasan ang likuran ni Jimin ng tabla lamesa nagsisilbing pasulatan. Alam na alam niya dahil marinig ang pagdaing ni Jimin bago ito tuluyang tumahimik.

Ang isang kamay niya kumakapa sa tubig dahil buong hawak na niya ngayon ang kabuuang bigat ni Jimin na hindi na kumakapit ni isang kamay nito sa kanya. Nakapa niya ang nahulog na lamesa siyang sunod na inihaon niya ang wala ng malay na si Jimin para isampa ito sunod nanigas na lamag siya ng may anumang mabigat na bagay na kumalabog sa kanilang itaas.

Oo ang cabinet na iyun ay tumabon sa butas, sa nag-iisang lusutan nila ng hangin sa ibaba.

"Jungkook, ano na? Matagal pa ba yan?" hindi makapaghintay na tanong ni Namjoon.

"Sandali na lang, nakukuha ko na."

Napatingin sila sa isa't-isa nang narinig nila ang ingay ng pamilyar na pagbukas ng lock. Gamit ang hairpin ay sinubukang buksan ni Jungkook ang kandado ng kanilang school gate.

"Tara na." yaya sa kanya ni Namjoon bago ito nagpedal na sinundan rin niya ang kaibigan papasok sa loob ng eskwelahan sakay din sa sariling bike. 

Basta na lang binagsak ng dalawa ang dala nilang bike nang makarating sa Old Science Building.

"Ginawan ng kwento tungkol sa white lady dito para matakot yung mga preschool na hwag pumasok sa loob kasi kusang nagla-lock ang pinto." paliwanag ni Jungkook na siyang sinubukang buksan ang doorknob gamit ang dalang hairpin. "Sigurado ako natrap sila sa loob."

"Sandali lang, kook." awat ni Namjoon nang may na-realize ang 148 IQ level niya.

"Kung iihi ka, umihi ka dyan."

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon