Little Do You Know

91 10 0
                                    

They back to old days.

Dinadaanan ulit ang kanya-kanyang presensya kapag nagkakasalubong sa corridor o saang parte man ng eskwelahan.

Kung may nagbago man, iyun ay nagsesenyasan ang mga kanya-kanyang nilang mga kaibigan para hindi ma-awkward ang sitwasyon.

Sina Jin at Taehyung hindi na rin nakikisabay mag-lunch kila Namjoon at Jungkook sa canteen, mas piniling samahan na lamang si Jimin sa kanilang classroom.

Hindi na rin sila nag-o-open up, ika-awkward pa ng sitwasyon o baka nga pareho pa silang masinghalan ni Jimin at magbabantang pareho sila papatayin habang tulog sila.

Aminin nila pareho nakakatakot kapag nagalit si Jimin.

"Hindi kaba naaawa sa akin? Broken hearted ako."

Nang mailabas ang hinanakit ay mabilis tumungga si Jimin. Napapahid pa ng likod ng kamay sa pagtagas ng likido sa kanyang bibig.

"Sabihin mo nga, kaawa-awa na ba ako?" medyo naiiyak nyang tanong sa kausap na kanina pa hindi ito sumasagot. Nakatitig lamang sa kanya ang bilugan nitong mga mata at nakababa ang parehong tenga.

"Bakit ba ako nagtatanong sa aso? Wala naman itong alam sa topic na brokenhearted. Kawawa naman ako, aso na lang ang kaya kong kausapin ngayon." pagmamakaawa niya sa sarili.

"Arf!!!"

Lumabas ang malaking brown na aso na iyon sa doghouse nito. Gumawayway ang buntot at muli siya tinahulan. Alagang aso ito ng owner ng convenience store na kanya tinambayan ngayon.

Napangiti si Jimin sa pagcomfort sa kanya ng aso. Ini-tap niya ang ulo nito at napaikot pa bago napaupo sa kanyang harapan.

"Pangalan mo pala, bro?"

Inikot ni Jimin ang band nakasabit sa leeg ng aso. "Yunki?" basa niya sa pangalan at maya't maya pa naiiyak ulit siya. Kasing tunog kasi ng pangalan ni Yoongi. "Min Yunki..."

Naiiyak na lamang siya humarap sa mesa. Tumungga ulit ng Coke in can. Hinablot ang chicken feet na niluto sa bbq sauce. Dahil wala pa siya sa legal age kaya di pa siya pwedeng magsoju kaya heto Coke muna. Kaya napakanta siya.

"Sabi ni lola, hwag kang uminom ng serbesa. Ito'y di inuming pang bata. Magsoftfrink kana lang muna~ Ay, wala pala akong lola. Sabi ni Mama hwag kang uminom ng serbesa—"

Nabitawan niya ang hawak na chicken feet nang makita ang kanyang Mama Park Bom nakapamaywang sa kanyang harapan. Mag-aalas siyete na ng gabi at heto pa siya sa labas na supposedly dapat alas sais nasa bahay na siya.

"Mama." medyo natatakot niyang tawag sa ina. Natakot siya sa walang emosyon nitong mukha kahit pa madalas sanay na siya sa nakikitang aura ng ginang.

Umalis ang kanyang mama sa kanyang harapan. Lumabas sa convenience store na may hawak ng bote ng soju.

Hindi nito linapag ang alcohol na iinumin sa mesa. Napanganga si Jimin na ilang lagok lang kalahati na kaagad ang nabawas.

"Chicken feet?" pag-offer niya sa kanyang Mama. Awkward siya napangiti nang mabali ang isang daliri. Pinatayo niya iyun, ibinalik sa dating ayos pero tuluyan ng ikinahulog sa mesa.

"Yung parte nahulog na iyun ay parang trust issue mo sa boyfriend mo na iniisip mo na niloko ka." panimula ng kanyang Mama Park Bom sabay kuha sa hawak niyang chicken feet.

"Hindi niya ako kinakausap." mahina niyang sambit habang nakayuko.

"Park Jimin. Tingnan mo sa mata ang maganda mong Mama." napaangat siya ng mukha. "Oh, di ba walang kang minana?"

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon