The Wiser Kim Taehyung

78 12 0
                                    

"C-cr ako sino ang sasama?"

"Ako. Kanina pa talaga ako naiihi. Ikaw Tae?"

"Hihintayin ko lang kayo dito."

Nang makahanap sila ng kapaniwalang rason ay dumispatya na sila ni Jin sa harapan ni Taehyung. "Bilis. Hindi nakatingin sa atin si Tae."

Itinulak siya ni Jin paakyat ng hagdan. Ito ang naglook-out sa pagliko nila sa hagdanan na supposedly lalabas dapat sila sa hallway dahil ang cr nahiwalay sa building.

Nagtatakbo silang dalawa papunta ng fourth floor kung saan ang library. Nagmamadali bago pa sarhan ng librarian dahil alas singko na.

"Hinayin mo ang paa mo." utos sa kanya ni Jin pagkadating nila sa pintuan na marahan nitong binubuksan.

"Yes?"

Sabay sila napaikot ng ulo sa nagbabantay na librarian nang mahuli sila pagtago sana sa mga malalaking shelves.

"Hihiram po sana ako ulit ng comics." ang pagsabi niya ng totoo sa may kasungitang librarian na may dalang benefits sa naisip nilang oplan ni Jin. Chasing Mr. Write. Hook by crock operation.

Sa pahintulot nito ay nagpatuloy sila sa paglalakad, sa nakatip-toe na ayos habang si Jin ang nauuna at hawak ang kanyang kamay.

Ang ayos nilang dalawa animo'y tumatakas sa mga kidnappers. With matching lagay pa kasi itong si Jin ng daliri sa bibig. "Shhh~~~"

"Doon sa bandang dun. Sa General Section." pagturo niya ng direksyon.

Maghawak kamay parin sila nagpunta sa naging usual spot ng mga sticky notes.

"Walang sticky notes. Hindi pa siya dumadating, Jimin." ani sa kanya ni Jin sa pagsilip sa ilalim ng patungan.

"Hihintayin natin siya?"

Napaikot ng mata sa kanya si Jin. "Ano paba? Syempre, waiting list tayo. Kapag may tiyaga, may samgyetang."

"Hindi ba dapat nilaga?"

"Bobo. Saan ba ng setting natin ah? Nasa Busan tayo hindi tayo sa Pinas. Hindi kasi alam ni author kung ano ang nilaga sa Korea kaya samgyetang na lang, tutal may sabaw rin naman yun."

"Paano yung bag natin kay Tae?"

"Kakainin niya. Jusko Jimin, syempre babantayan niya." gigil na sagot sa kanya ni Jin at inayos nito ang tumatabon na bangs.

"Si Taehyung iyun. Minsan na niyang sinabit ang bag natin sa school gate sa mag-iisang oras niyang paghihintay sa atin nung magka-LBM ka."

"Di ko ginusto magka-LBM ng araw na iyun. Pinoproblema mo lang kasi iyan dahil di mo abot ang bag mo."

Hindi na siya nakipag-argumento pa kay Jin nang may naririnig silang papalapit na yabag.

"This is it." excite sambit ni Jin saka siya hinila sa katabing shelf. Doon sila tatago.

Pareho sila pigil ang paghinga at pag-alisto ng mata sa pagsilip sa siwang ng mga libro.

Naghintay sila pero walang dumating. Ang yapak nito ay basta na lang huminto.

"Ay ano ba naman yan. Pinagsarhan na tayo ng library, di siya dumating. Yung akala natin na Mr. Write mo yung librarian pala kasi isasarado na ang lib." banas na usal ni Jin habang pababa sila sa inclined walkway.

Mas hindi kasi nakakapagod ang pagdaan sa inclined walkway kaysa sa usual na hagdan na maraming steps.

"Baka alam niya, nandoon tayo. Inaabangan natin siya."

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon