Stupid mistake

119 10 3
                                    

"Kinilig ka."

"Asa ka naman." tanggi niya sa lalaki sa kabilang linya habang nakatitig sa panibago namang natanggap na pick up line kahapon. Its already been one week na ganito ang kanilang set-up. Tatawagan siya kinaumagahan para itanong kung kinilig ba siya na siya namang tinatanggi niya salungat sa maliit na ngiti sa kanyang labi. 

Ang hindi niya lang maintindihan bakit patuloy niya parin ini-entertain ang lalaking ito na bilib na bilib sa mga pick up lines.

Minsan hindi rin niya maintindihan ang sarili.

"It's... cheesy..." aniya dito. Inipit ang flip phone sa pagitan ng balikat at tenga para ibalik ang journal sa loob ng sling bag. "Again..." tumingin sa traffic light. Hinihintay magpalit ng stop sign. 

"Kinilig ka." paulit sabi nito na hindi patanong ang dating kundi ini-insist siya na kinilig siya. Pinipigilan na hwag sabihin na kahit papaano ay kinilig siya. Ngayon palang nga mayabang na 'to paano pa kaya kung sasabihin niya eh lalaki pa lalo ang ulo nito, bibilib pa lalo sa sarili at papakain pa siya lalo ng makeso nitong pick up lines.

"Nandito ka ano? Nagsu-stalker ka na naman." giit niya habang lumilinga sa paligid. Pilit hinahanap ang kausap kahit pa wala siyang katiting na tansya na makilala niya ito.

Tinawanan siya. "Ikaw ah. Nagkaka-interest kana sa akin." napasnort siya.

Hindi pa niya masasabi nagkaka-interest na siya dito instead he find this Mr. Write creepy. Hindi siya sigurado kung ano na ang naiisip nito kapag nakikita siya o tinatanaw man siya sa malayuan o baka nga nasa tabi niya lang ito handa na siyang takpan ng panyo na may pampatulog.

Kikidnapin siya.

Hihingan ng malaking ransom.

Papatayin kapag hindi naibigay ang pera.

Ihuhulog sa ilog ang maganda niyang katawan.

Mamamatay siya na wala man lang magandang burol.

Boring na nga life niya according to Seokjin, saklap pa ang pagkamatay niya at mamatay na virgin.

Sa huling binanggit doon siya higit nahinayang.

Gumive-up na siya na mahanap ito sa paligid. Tumawid sa mga kasabayan sa pedestrian lane papunta sa kabilang kalsada habang hawak ng isang kamay ang dalang bike.

Na-ipark na ang bike. Dumiretso na siya sa pupuntahang building para sa first period habang kausap parin ang kabilang linya pero napahinto siya sa paglalakad nang matanaw ang lalaking may pula ang buhok mula sa limang metrong layo. Tanaw na tanaw niya ito sa busy na hallway sa rasong nakasampa ito sa mababang concrete wall. May kausap din sa cellphone. Pansin niya ang black flip phone nito na may cute na usong palawit base na rin sa dalawang tengang nakikita niya sa maliit na bagay.

"Natigilan ka ata."

"Ah? Nakita ko kasi yung kakilala ko."

Nagkatamaan ang kanilang mga mata at ewan ba niya kung bakit siya napatalikod bigla at napatago ang sarili sa nakaharang na pader.

"Ang bilis ng paghinga mo. Naririnig ko." sa naging sentimento ng kabilang linya ay pinakalma niya ang sarili. "Okay ka lang?"

"Thanks for the concern pero okay lang talaga ako." salungat ang sagot sa malakas na kabog ng dibdib.

Bakit ganun ang naging kilos niya sa saglit ng pagtama ng kanilang mga mata? Nilunok niya ang kabang nararamdaman. Lumabas sa pinagtataguang pader. Baka ano ang isipin nito sa naging kilos na para sa kanya na siya lang naman nag-iisip na may iisipin itong kakaiba tungkol sa kanya.

Lolokohin sana ang sarili na hindi niya nakikita ang lalaking iyun nang mapansin na wala na ito sa pinagpwestuhan.

Naglakad siya. "Ang cute mo." nagpapasalamat na lamang siya sa kausap at least doon nada-divert ang kanyang atensyon. Pasamantalang nakalimutan ang nangyayaring tensyon sa loob ng katawan. "Matagal na." tugon niya dito.

"Ang saya ko ngayon." out of nowhere nitong dagdag ngunit doon na lamang siya ulit natigilan nang mahagip ng tingin ang pulang buhok nagstand-out sa gitna ng may gitgitang hallway papunta sa kanyang direksyon. Humigpit ang kamay niya sa flip phone. Nagpatuloy sa paglalakad.

Tatlong metro.

"E-Eh ano naman ngayon?"

Dalawang metro.

Tumahimik ang kabilang linya. Hindi ito maganda. Wala siyang pagbabalingan ng atensyon.

"A-Are you still there?"

Isang metro.

Hanggang tumambad na sa kanya ang gwapuhang mukha ng lalaking iyun na katulad niya nakadikit din sa tenga ang cellphone.

Captivating cold eyes.

Loosen tie.

Unbutton white polo making white sando to be displayed and signature red cherry messy hair.

Same strong aura but,

each seconds passed by, the sex appeal getting hotter in his eyes, enough making him to tense right on his spot.

Sa kabila nun ay pinilit niya binale-wala ang lalaki. Keeping his flip phone pressed against his ear but not the cherry red hair's scent. A unisex perfume came into his nostril. Sweet and gorgeous floral. Sasapat na sana siya sa naaamoy despite the cherry red keeping him in eye kung hindi lang...

kung hindi lang...

a sudden touch happened.

Doon na siya tuluyang napatigil. Hindi siya kaagad nakakilos.

Sumayad ang kamay nito sa kanyang kamay.

He feel it.

He feel the electrifying feeling rans through his nerves.

Ang katawan niya may sariling utak para lingunin ito. He didn't know kung ano ba ang maitatawag dito, basta sa kanyang paglingon ay bigla na lamang tumiwasay ang hallway. Katulad niya nakahinto din ang lalaking iyun sa tatlong metro na layo sa kanya. Nakadikit ang flip phone sa tenga. Gumagalaw ang usong palawit.

Mga ilang segundo sila nagkatitigan. Hindi siya makapaniwala nakayanan niya ang pitong segundo na para sa kanya iyun na ang pinakamatagal na kanyang nagawa.

"You makes my heart beats, beating so fast." wala sarili niyang sambit and a sudden realization came.

Nasabi niya ito sa kabilang linya. Pinutol ang tingin. Mabilisang tumalikod.

"Hindi ikaw yun!" pagdefense saka bwisit na pinindot ang end call button. Nagmamadaling naglakad hanggang sa tumakbo paakyat ng second floor habang patuloy ang pagpaparangal sa sarili paakyat ng hagdan. "Stupid. Stupid. Stupid mistake!"

But his stupid mistake, ang unti-unting nagpangiti sa lalaking iyun matapos ang ilang beses pagkurap ng mata.

Napatingin sa kanya ang mga tao nang bigla na lamang ito tumawa.

"I never been laugh like this." lumawak pa ang ngiti. "and I never been blush like this. Aigoo~ this is embarrassing."

Napatingin sa flip phone. Pinatayan siya ng tawag na okay lang kung kapalit naman nito ay iniwanan siya ng napakagandang last message. "Ang paghintay ko pala sayo, may napuntahan din pala. "

Ibinaba ang flip part ng phone bago iniligay ang dalawang braso sa batok. "And cheesy huh?" saka mahinang sumipol-sipol. Babalik na sa classroom sa pinakadulong room ng building na buo na kaagad ang kanyang araw.

Binuo iyun ng stupid mistake sa kanya ng binata bilang Mr. Write nasa kabilang banda may mutuality siyang nakikita bilang schoolmate crush nito.

Summer is over because you are just about to fall for me.

-Your Mr. Write

✏✏✏

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon