First Date Pt.1

90 10 0
                                    

Ngayon ang kanilang first date ng kanyang Gaara Hyung.

Hindi na nakakapagtaka kung si Jimin naunahan pa sa pag-alarm ang kanyang alarm clock. Maaga siyang gumising. Maaga siyang lumigo. Di halatang excited. Maaga siyang mag-almusal pero ngayon magmumukha siya pa itong male-late.

Marami siyang damit panlabas sa kanyang closet kaya marami ding damit nakatumpok ngayon sa kanyang kama in short...

... marami siyang damit pero wala siyang maisusuot.

"Bakit walang damit na babagay ngayon sa akin?!" naiinis niyang tanong sa sarili saka binagsak ang sarili sa mga nakatumpok niyang damit.

May bombilya ang biglang nag-appear sa ibabaw ng kanyang ulo.

"Maaaaaaaaaaa!" sigaw niya habang pababa ng hagdan para puntahan ang kanyang Mama sa kusina. Naglalampaso ito ng counter top.

Maigi siyang tiningnan ng kanyang Mama dahil sa hindi parin siya bihis.

"Sabi ko sayo wag kang masyadong excited. Kita mo drawing ang first date mo."

"Ma, wala akong maisuot na damit. Di ko alam ang susuutin ko ngayon. Gusto ko yung hindi maalis ang tingin niya sa akin at isa pa ito ang first date namin. This is a big event and I'm a first timer."

"Maghubad kana lang panigurado hindi aalis ang tingin ng boyfriend mo sayo."

"You're the best mom. Indeed."

"I am."

Helpless na lamang siya umalis ng kanilang kusina. Pagdabog siyang umakyat ng hagdanan.

"Hindi ko pa nakikita na isinuot mo ang pinanregalo sayo ni Hoseok last year! Ibubulok mo lang ba iyun, ah Park Jimin?! Mas mabuting ibigay mo na lang sa charity kung ibubulok mo lang pala!"

That's it!

The moms know best!

Nagtatakbo siyang bumalik ng kanyang kwarto. Sumilip sa ilalim ng kanyang kama. May inilabas siyang maleta. Sa ayaw niyang maluma ang pinanregalo sa kanya ni Hoseok, tinago niya ito kaya naman nakalimutan niya.

Hindi sila magkikita ni Yoongi sa tapat ng kanilang bahay. This time, mauuna siyang sasakay ng bus at magsasalabungan sila sa susunod na bus stop.

Bago mag-alas otso dadaan ang blue na bus na may bus number 1013. Kapag ma-miss out mo, walang date.

Iyun nga at heto siya ngayon... "Ajjushi! Ajjushi! May sasakay paaaaa! Hindi pwedeng maiwanan ang isang pogi na katulad ko!"

Hinahabol ang bus. Hinahabol dahil papunta palang siya ng bus stop ay dumating na ito. "I need your fucking speed, now Flash! Dahi. Dashi run run~" sigaw niya at binilisan pa ang takbo sa higit sa bilis niya.

"Joseonghamnida! Sorry! Dadaan ang pogi! Give pathway to the prince of Busan!" pagmamayabang niyang pagpasenya sa mga commuters na maunang umabang na sa bus stop at siya heto, sinisingit ang kagwapuhan papaakyat ng bus.

Wala man lang siyang space para maupuan, okay na iyun at least nakasakay siya.

Napapunas siya ng noo sa kaunting pawis mula sa pagtakbo.

Napatayo si Yoongi sa pagkaupo sa bench ng bus stop nang dumating na ang bus na iyun na memorized na niya ang ruta. Nakisabay sa ilan pang commuters.

"Sikip na nga. Nagpadagdag pa." isa lamang ito sa naging reklamo ng mga commuters nakastanding-position.

Hinanap kaagad ng mata niya si Jimin at nang mapansin ang tingin sa kanya ng isang lalaki ay napatingin siya dito. Ulo lang nito ang nakikita niyang sumisilip at ang maliit nitong kamay na kumakaway.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon