Best Buddy

70 8 0
                                    

"Nag-reply ako. Ang sabi ko wala akong load."

Nag-reply pero walang load?

Hindi ma-distinguish ni Yoongi kung katalinuhan o kabobohan ba iyun ni Jungkook.

"At least hindi ko binigay ang number mo. Gusto lang kita takutin. Akin na ang lubid, hindi pa ngayon ang tamang oras para magbigti ka."

"Yah! This how you treat your hyung?"

Lumingon sa kanya si Jungkook sa walang pakialam nitong mukha. Disbelief nang nagkibit-balikat lang ito at lumabas ng kanyang kwarto. "Evil rabbit."

Hanggang ngayon na kinaumagahan ay naalala parin ni Yoongi ang eksenang iyun. Nakaupo siya sa pavement sa labas ng bahay nila ni Jimin, matiyagang naghihintay na iluwa ng yellow na gate ang kanyang boyfriend.

Umingay ang gate. Napataas siya ng mukha at ang walang emosyon na mukha ng ginang ang bumungad sa kanya.

Nung una, akala niya pinagloloko lang siya nito pero nang makita ang panlaki ng mata nito na hindi man lang siya gumalaw sa kinauupuan ay pinagpagpag niya ang slacks, tumawid at huminto sa tapat ng ginang.

Mas binukas pa nito ang yellow na gate para sa kanya. Napatigil ang tingin sa pula niya paring buhok. "This red hair.." Itinaas nito ang kamay, napapikit siya at napalayo, baka isa-isahing bubunutin ng ajjuhma na ito ang hibla ng kanyang buhok pero ganun na lamang ang pagmulat ng mata niya at pagbuwal niya ng hawakan nito ang kanyang bag, pwersahan siyang pinapasok.

"Ang aga mo ata ngayon, ah?" walang emosyon tanong nito habang pinabuksan siya ng pinto. "Pero hindi mo ako dadala dyan. Pasok."

Napatingin siya kaagad sa loob ng bahay pagkapasok. Naku-curious ang mga mata niya sa kadahilanang ito ang unang beses na pumasok siya sa bahay ni Jimin.

Naintindihan niya kung bakit ganun na lang di mapakali ni Jimin nang magpunta ito sa kanyang apartment, iyun ay nasanay ito sa malinis at maaliwalas na pamamahay.

Kung ang mga gamit nila ni Jungkook ay saan-saan lang nakalagay. Okay, siya lang naman itong di masyadong pala-ayos ng kanyang mga gamit dahil sa oras na magpunta sa kwarto ni Jungkook, malinis ang loob at ang mga damit nito ay natupi na kasing ayos ng nasa mall.

Dito sa bahay nila ni Jimin, lahat ng mga gamit ay may kanya-kanyang designated na pagpupwestuhan.

Katulad ng mga medals na iyun, nakaframe sa isang sulok, nakasort mula sa bronze, silver to gold.

Yung mga trophies sa isang shelf, nakasunod-sunod basi sa runner up up to champion spot.

Hindi na niya kailangan pang tanungin kung kanino ang mga iyon of course ang mga achievements ng kanyang boyfriend.

"Kumain kana ba?" tanong sa kanya ng ginang nang nakatayo lamang siya doon sa gitna ng may kalakihang sala.

"No but no thanks." tanggi niya. "Like what I said walang ipinagkaiba ang luto mo sa luto ko."

Ang totoo nyan, masarap magluto ang mama ni Jimin kaya nga naubos niya ang kimchi soup noodles nito. Siguro, masasabi niya di naman nalalayo ang lasa kung hindi madalian ang luto. Naalala niya tuloy ang inihanda niyang lunchpack, ang pinakain niya kay Jimin noong nasa hanging bridge sila. Ang overcooked niyang gulay at ang karne na kinulang sa oras ng paglaga.

"Dapat lang dahil lalasunin kita."

This ajjuhma really unbelievable.

Iniwan siya nito sa sala kaya mas gumala pa ang tingin niya sa mga naka-display na mga picture frames.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon