More Than Friends But Not Lovers

90 14 2
                                    

"Yung ginawa mo kanina, hindi iyon ginagawa ng magkaibigan."

"Eh ano ba dapat ang ginagawa ng magkaibigan?" inakbayan siya. "Ganito?"

Nasa gitna sila ng field ngayon. Kapwa nakaupo sa damuhan, kumakain ng frozen ice pop. Sa ganitong oras dapat nakauwi na sila pero heto napagkasunduan nila magpahapon.

"Walang magkaibigan na gumagawa nun."

Natawa sa kanya si Yoongi bago nito bawasan ang kanilang space. "Meron. Tayo."

Pinagmasdan siya nito na siyang pinagmasdan rin niya ang kulay ng buhok ni Yoongi. Lalo pa tumingkad ang kulay pula na buhok sa pagtama ng sikat ng papalubog na araw.

"Dahil ang pagkakaibigan natin Jimin ay kakaiba. Pwede natin gawin yung ginagawa ng mga couple pero magkaibigan tayo. Just simple of that."

Ngunit, mas lalo lamang naguluhan si Jimin. Magkaibigan pero pwedeng gawin nila ang mga bagay ng may relasyon, hindi ba parang ang hirap intindihin iyun?

Kumplikado.

Parang yung math equation lang, nahihirapan siya na makuha ang correct answer na walang pinagkaiba sa pagpaliwanag sa kanya ni Yoongi, mahirap i-analyze.

"Kaya ba hinalikan mo ako kasi ginagawa yun ng magcouple? Yung magkiss?"

"Oo." walang delay sagot sa kanya ni Yoongi. 

"Bakit?"

Ilang segundo ding tumitig sa kanya si Yoongi bago nito inalis ang braso sa pagkaakbay sa kanyang balikat.

Sunod, inalis nito ang sinusubong ice pop sa bibig. Nagpakawala ng malalim at pagod nabuntunghininga.

"Alam mo kasi... gusto kong gawin ang mga bagay na ginagawa ng magsyota kasi gusto ko iyun gawin na kasama ka pero walang label at least kapag nasaktan ako, masasabi ko... ahhh, okay lang saktan magkaibigan lang. Di kailangan magmove-on ng sobrang tagal. End of the day, walang nagbago. Magkaibigan parin tayo."

Si Jimin, napatulala na naman siya. Agad naman nakarecover.

"Sige."

Mabilis napalingon si Yoongi sa narinig sa kasama. "Kung yun ang gusto sige. Magkaibigan na kaya tayo." Inakbayan siya ni Jimin, first time ito nangyari. "Ang magkaibigan ay nagsusuportahan kaya susuportahan kita, okay?"

"Ayos lang sayo?" ayaw man maniwala ni Yoongi pero may ngiti sa bibig ni Jimin.

"Hwag kang mahulog sa akin kahit mahuhulog kana." may kung ano ang nagpakirot kay Yoongi sa narinig.

"Sa ating dalawa kasi baka ako ang maunang mahulog. Mas mabigat kaya ako sayo."

"Loko." nasabi na lang tinawanan siya ni Jimin pagkatapos. Napangiti na lang din siya. Sinubo niya pabalik ang ice pop sa bibig na medyo natutunaw na. Inalis ang braso ni Jimin sa pagkaakbay para hawakan ito at sakupin na hinayaan siya ni Jimin.

"Ang liit ng kamay ko." nahihiyang sabi ni Jimin nang buong masakop ni Yoongi ang kanyang kamay. 

"Pinagmatch tayo. Hindi kita mahahawakan ng buo kapag magkapareho tayo ng handsize. Kita mo na, ang malaki kong kamay kailangan ng kyut na kamay pareho sayo. Sandali, ide-demo nga ko sayo."

Binitawan ang kanyang kamay. "Pareho nating hawakan ang kamay natin at maghawakan ulit tayo."

Inangat ni Yoongi ng magkahawak nilang kamay sa ere para mapatingala siya habang may nakaipit ang ice pop sa kanyang bibig.

"See the difference? We're match. Parang lock and key, di pwedeng mawala ang isa kasi match nga sila."

Bumalik ang tingin niya kay Yoongi, nakangiti parin ito. "Tingin ka ulit."

Bakit parati na lang siya napatulala sa lalaking ito sa may gawin man o sa wala?

Ngayon, tulala siya sa maghawak kamay nila na tinakpan ang araw kaya naman ang sikat nito tumatagos sa gilid ng kanilang kamay, nagmumukhang may sariling sunset rays.

Kaya nga lang, ayaw niya ng sunset.

Pero mukhang mababago iyun ng living Gaara na ito na idol si Sakuragi na pangarap maging MVP player na ito.

Na hindi lang pala ang umaga ang may magandang araw.

Sa kabila nagpapaalam ang araw, lulubog ito ay mas maganda ang sinag ang iniiwan bago mawala.

"Nakikita mo?" parallel na tanong sa kanya ni Yoongi.

"Ang mundo ko, Jimin. Hawak ko siya ng buong-buo."

"Nakikita ko nga."

Humiga si Yoongi sa damuhan para ang kamay nila ay maibagsak na kasama siya.

Hinigpitan pa ni Yoongi ang magkahawak kamay nila na kanyang inilingon. Ang pares ng mga mata nito ay pinagmamasdan siya.

Sabay sila ngumiti. Sabay inalis sa ice pop sa bibig. Nagpalitan.

"Puta lang. Parang nag-french kiss na rin tayo neto ah." natatawang pagrealize ni Yoongi sa nangyari na namang indirect kiss.

"Basta wag tayo magpalitan kapag isa sa atin may ubo't sipon. Sa panahon na ito na mahirap magkasakit. Mahal ang gamot."

"Sus. Eh di aalagaan natin ang isa't-isa. Ginagawa naman yan ng mag-couple, diba?"

"Sickness and health." dagdag pa ni Jimin. "Okay, in sickness and health."

Tumagilid siya. Gamit ang free hand, sinuklay-suklay ang pulang buhok ni Yoongi. Sa maligamgam niyang mga mata, ina-appreciate niya ang bawat hair strands. "This remind me the Sunday days sa calendar namin sa bahay."

"Kasi kailangan mo magsimba?"

"Red days."

"Yah!"

"Para kasing inireregla. Tinawanan kaya si Sakuragi nang magpakulay siya ng buhok ng buong Shohoku team."

"Sira. Puro ka kasi Naruto. Tinawanan siya nung nagpasemi-kalbo siya. At hindi ko yun gagawin kahit idol ko siya. Eh di inireregla din si Gaara mo."

"Oo na. Oo na." pagsuko niya sa lalaki. "At least di tinatawag na gunggong si Gaara."

"Yah! Ganito ba ang tamang trato mo sa kaibigang-boyfriend mo?"

Nagkatitigan sila. Tinatantya kung sino ang unang magsasalita. "Ah, ano..." kamot ni Yoongi sa kanyang batok. "Magkaibigan tayo na ginagawa ang ginagawa ng magboyfriend."

"Naipaliwanag mo na yan." tugon sa kanya ni Jimin bago napabalik sa dating ayos ng higa.

Mga ilang sandali din sila naging tahimik nang mapacomment si Jimin sa mango ice pop flavor ni Yoongi na siyang nagsabay pa sila.

"Gaara/Cotton?"

"Yung ice pop mo, medyo matamis yung mango flavor para sa akin."

"Yung strawberry flavor mo din, medyo maasim sa lalamunan ko."

Sa huli, nagpalitan sila ng ice pop.

Sabay natawa na lang nang pareho nilang ma-realize, plastic na lang pala ang naiwan sa ginawang barter exchange. Indirect kiss.

✏✏✏

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon