Jelly Bean pt.1 : Fanboy

100 9 10
                                    

Two weeks ago.

*two days after Yoongi slept with Jimin*

Maingay ang crowd sa buong stadium. Kumpleto silang lima na enjoy na enjoy sa pagnonood sa baseball match. Okay, si Jimin lang yata ang hindi buong nakafocus. Ang mata kasi sumasaglit kay Yoongi na kanina pa nakafull energy. Avid fan pala ito ng baseball kaya naman exposed na exposed ang buong gilagid nito sa lahat. Wala naman siyang interest sa baseball kaya sa kanyang boyfriend hyung siya mas na-eenjoy.

Sa totoo nyan, ang tickets ay galing sa tatay ni Jin na binigay ng boss nito for employee performance reward. Kaya nga lang di linyahan ng tatay ni Jin ang baseball ang explanation kung bakit sila ngayon ang nakikinabang sa mga tickets na turned out napa-exposed ang pagiging avid baseball fan ni Yoongi sout nitong jersey. Timing din dahil wala silang pasok ngayong hapon.

"Tambakan na yan! Hooooooh!" sigaw ni Yoongi para mapatingin sa kanilang direksyon ang mga fans ng kalaban.

"Oo, puta tambakan na yan para umuwi na!" sigaw din ni Jin na may hawak pang pompoms. Hwag nyong tanungin ang kulay, halata naman. Sa tabi nito si Namjoon, inaayos ang nasirang shade. "Fuck myself." mura nito na imbis maayos ay mas nasira pa. Nalaglag ang lens.

"Go Jeon Jungkook! Go Jeon Jungkook! I love you to the max, bebe ko!" mala-mega phone na sigaw naman ni Taehyung. Hindi lang si Jungkook ang napatingin maging ang mga tao sa kanilang paligid kay Taehyung. Eh sa wala namang Jeon Jungkook na player sa dalawang kampunan.

Ang familiar na rectangular smile ni Taehyung ang nagpaheart sa mata ni Jungkook nang lumingon ito. "Di ko alam ang pangalan nun ng player number 21. Nakisama lang din ako sa panonood. Magkamukha kasi kayo. Go Jeon Jungkook!"

"Tae..."

"Fine. Number 21 crush na kita!"

Napakamot na lamang ng kilay si Jungkook at napatigilid ng ulo. Napangiwi ang ekspresyon. Sa angle na iyun nahagip ng tingin niya si Jimin na sobrang titig na titig kay Yoongi which is katabi niya lang si Yoongi na nilalabas parin nito ang nastock energy sa katawan.

Yung tingin kasi ni Jimin ay in-love na in-love kay Yoongi. Yung tipong ikatunaw ni Yoongi. Napailing na lamang siya.

Swag is dead na matapos mas lumamang pa ang team na all force support si Yoongi. Nagfa-fanboy na ito. Bilang supportive fanboy's boyfriend itong si Jimin, iningay ang baong dalawang soda plastic bottle. Naging baliw-baliwan ding sinuportahan ang team na iyun kahit pa wala siyang kakilala.

Sabay napataas ng tingin ang apat na lalaki nang tumayo ang you know, i know couple na ito. Nag-exert pa ng effort. Gumawa ng sariling cheer.

"As Yoonmin's vice president, I will support my ship." matatag na sabi ni Jin. Sinamahan ang dalawa sa pagcheer ng kanyang pink pompoms bago iyun, hinawi muna ang bangs in worldwide handsome way.

"As Yoonmin's president, I'll stay on my seat for everyone's safety." Namjoon. Napakrus ng dalawang braso. Sinuot ang sirang shade. Cool parin. Hindi kabawasan ang nasirang shade sa coolness.

"Ako ang original." pagreklamo ni Taehyung. Nathreaten sa destructive na tingin ni Namjoon.

"Sige ako na lang ang escort." bago rin tumayo at sinamahan si Jin.

Tapos na ang laban. Nanalo ang team na todo sinuportahan ni Yoongi mula umpisa hanggang dulo kaya ang wala na yatang mas sasaya pa sa ngiti nito ngayon.

"Hyungnim~~" pag-open arms ni Jimin kay Yoongi pero gago si Yoongi, si Taehyung ang hinatak para yakapin. Biglang may maitim na ulap ang tumuntong sa ulo ni Jimin. Nagkikidlatan. Ang mata sumingkit. Napabasa ng bibig.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon