Save Me From This Danger

101 11 7
                                    

"Mabuti pa nga umuwi kana. Mukha talagang di ka ayos."

Pinara kaagad ni Yoongi ang paparating palang na taxi matapos payagan siya ng kanyang manager sa pakiusap na mag-under time sa naging rason niya sumasakit ang kanyang tiyan.

Hindi naman literal sumasakit ang kanyang tiyan. Iyun ay hindi niya lang maipaliwanag sa nangyayari sa loob. Wala naman siyang nakain para ikasama ng kanyang tiyan ngayon.

Nawe-weirduhan siya.

At the same time, kinakabahan siya sa hindi niya matukoy na rason. Basta kinakabahan siya at di rin makapali. Di niya ito nagugustuhan.

Napasandal siya headrest. Napatingin sa nakasaradong bintana ng sinasakyang taxi.

"Ajusshi, paki daan muna sa pinakamapalit dyan na pharmacy. Thanks."

Dala ang biniling gamot at isang mineral watered bottle naibili sa katabing 24/7 open mart ng botika bumalik si Yoongi sa loob ng taxi na siyang agaran siya uminom ng gamot pagkapasok.

Imposible magkaroon siya ng problema sa kanyang sikmura dahil nagbaon siya kanina ng lunchpack at gago din siya kung bibigyan ang sarili ng sakit lalo sa katulad niya na may kaliwa't kanan na part time jobs ay bawal ang magkasakit.

Nahawak siya sa kanyang tiyan habang pinagmamasdan ang paggalaw ng windshield, malakas ang ulan ngayong gabi.

"Dyan lang sa unahan." utos niya sa taxi driver. Bumaba sa taxi matapos maisauli nito ang kanyang beep card.

Para sa buong ikatatahimik niya, hindi muna siya uuwi. Ngayon nasa gilid siya ng kalsada habang hawak ang payong at nakatingin sa bahay ni Jimin. Sa bintana ng kwarto ni Jimin.

Panay lang ang ring ng cellphone nito. Ito lamang ang paulit-ulit nangyayari sa mga pagkatatangka niyang tawagan si Jimin. Alam niyang naiinis ito sa kanya kapag nasa siya'y nasa kabilang linya maging gayunpaman, sinasagot din naman siya ni Jimin.

Hindi rin ito nagbukas ng ilaw sa kwarto.

Napalayo ang kanyang flip phone sa tenga nang bumukas ang gate. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo nang ang nanay nito ang lumabas. Huli na dahil namukhaan na siya nito sa kulay pulang buhok niya palang.

"Ikaw yung bagong kaibigan ni Jimin hindi ba? Yung idol nya si Sakuragi?"

Ayaw naman niya maging bastos, magalang siyang sumagot, magalang bumati at nagpakilala sa ginang.

"Neh. Min Yoongi."

Naiilang siya sa titig ng nanay ng lalaking gusto niya.

"Nandito kaba para ipaalam na doon ang unico iho ko tutulog ngayon sa bahay mo? Pauwiin mo siya."

"Neh?" naguguluhan niyang tanong pabalik.

"Ajusshi, wala na bang ikakabilis itong taxi nyo? Pakibilisan naman." hindi na talaga siya mapakali. Kompermado, hindi nakauwi si Jimin.

"Iho, taxi driver ako hindi ako piloto."

"Ajusshi, lovelife ko nakakasalalay ngayon sa takbo ng taxi nyo. Ayokong mawalan ng lovelife!"

Napabuntunghininga sa kanya ang ajjushi taxi driver saka siya tinunguan lamang.

Wala pa sa tatlong ring ay mabilis niya sinagot ang tawag ni Jungkook. Wala si Jimin kila Taehyung at Jin. Ang sabi cleaners daw nito ngayong araw.

May inutos ako sa kanya sa Old Science Building. Bakit Yoongi—

Hindi niya pinatapos ang tawag. Oo sa kasagsagan ng matinding pag-alala niya kay Jimin ay nagawa niyang ipakalma ang sarili at maghanap ng paraan iyun ay kontakin ang adviser ni Jimin.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon