Mianhe, Jeongmal Mianhe

64 8 0
                                    

"May sakit ka nga. Ang kulit nito."

Napabalik ng higa si Yoongi sa pwersahang pagtulak sa kanya ni Jungkook sa kanyang noo na may cooling gel.

Naulanan siya kahapon sa pagdedelivery. Dahil ngayon ang weather ay marunong na ring magjoke, hindi siya nakakapote kaya nabasa siya kaya naman heto siya sinisipon at nilalagnat at nagpupumilit na pumasok na pinagpipilitan siya ni Jungkook na hwag na baka makalala pa ng kanyang sakit at makapagpahinga.

"Alam ko naman matigas yang ulo mo pero palambutin mo naman ngayon. I-lemon square mo. Mas lalong mag-alala sayo si Jimin kapag nakita ka niya sa ganyang ayos na pumasok. Maging siya pagpipilitan niyang umabsent kana lang."

Mas diniin pa siya ni Jungkook sa unan nang magsubok ulit na bumangon. Matanda nga siya dito pero sa pamamahay na ito, mas dominante si Jungkook.

"Ako na ang magsasabi kay Jimin." sabi pa nito saka umalis sa pagkaupo sa gilid ng kanyang kama. Inilingon siya sa pintuan, may bibilin pa sa kanya.

"Uminom ka ng maraming tubig at wag mong subukan na pumasok sa mga part time jobs mo kundi isusumbong kita kay Jimin. Siya, alis na ako. Bantayan mo ang bahay, ah. Kung sakaling malooban na tayo, sinaksak kana wag kang pagdalawang isip na tumawag. Syempre hindi sa akin, sa 911. Sana buhay kapa sa pag-uwi ko."

Naiwang nakanganga si Yoongi sa kanyang higaan. "Matagal na akong nagtitimpi sa batang 'to eh."

Umingay ang pagsara ng pinto at wala na siyang ingay na sunod narinig.

"Ang sabi niya lang wag ako pumasok sa eskwelahan at sa part time jobs pero hindi yung sundan ko si Jimin para matiyak na ayos siya makapasok at makauwi."

Ayun, dali-dali siya bumangon. Hinanap ang kanyang hood, facemask at itim na sumbrero. Tiniyak niya muna na hindi na makakabalik si Jungkook bago siya lumabas sa tinutuluyan nilang maliit na apartment na may nakadikit paring cooling gel sa kanyang noo.

Saka lamang siya umuwi ng maayos nakapasok si Jimin sa kanilang eskwelahan at nang dumating ang hapon ay naghintay siya sa labas ng gate. Hindi siya nagpakita kay Jungkook panigurado, ituturo siya kay Jimin at ang binata ay mas mag-alala sa kanya.

Inayos niya ang sout na cap, mas ibinaba pa niya ito sa kanyang mata. Nakikita niya si Jimin sa tawiran. Mag-isa ito ngayon uuwi. Sout nito ang black na sling bag at nakahawak ang parehong kamay sa bike nito. Naghihintay na magpula ang traffic light.

Nasa kabila siyang kalye kaya naman kitang-kita niya ang buong ayos ni Jimin. Gumigilid siya sa mga tao din naghihintay na tumawid sa kabilang kalye.

Nagpula na ang traffic light. Nag-umpisa nang magkasalubungan ng tawid ang mga pedestrian sa magkasalungat na direksyon.

Ang harapan ni Jimin ay male college student na busy ito sa kanyang ipod para hindi mapansin ang noon na tumatawid na si Jimin, bitbit ang bike. Inunahan niya ito. Nagkabanggaan sila. Dumiretso lang ito ng lakad at hindi nagsorry man lang kay Jimin.

Sa pangyayari na iyun, may narealize si Jimin. Hindi na niya nahagip ang bumangga sa kanya. Ang male college student ay mabilis naglakad paalis. Humalo sa mga tumatawid na pedestrian.

Sa puntong iyon, ay nahagip siya ni Yoongi na huminto siya saglit sa pagtawid para buksan ang sling bag. Hahanapin ang journal kung saan nakaipit ang yellow na sticky note natanggap niya kaninang umaga which is as usual si Namjoon na naman ang nakatoka na idikit ito sa usual na bookshelf.

Ang suot ni Yoongi na hood ngayon ay di niya ugali na suotin kaya di siya kaagad makilala ni Jimin unless lang kung kulay pula parin ang buhok niya ngayon at iayos ang pagsuot ng kanyang black cap.

My Mr. Write✿y•minTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon