Kabanata 1

577 7 0
                                        

Nag-iimpake naman ako ng dadalhin kong damit, para sa trip naming magkaka-ibigan.

" Ano naba yang ginagawa mo sa buhay, Alejandro!" narinig ko naman sila ni Mama at Papa na nag-aaway na naman.

Ganyan naman sila palagi, nasasanay narin ako sa parating away nila. Napatakip naman ako sa tenga ko, dahil narinig ko na parang may nabasag.

" Wag mo akong pakikialaman! ano paba ang kailangan mo? binibigay ko lahat, pera at mamahaling gamit. Tapos papakialaman mo pa ako sa gusto kong gawin?" rinig ko namang sabi ni papa, pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ng gamit ko.

" Wala akong pakialam! sana mamatay nalang ako! ayaw ko nang makasama ka!" napatigil naman ako ng sabihin iyon ni Mama.

Inaakala ng iba na masaya at swerte ako, dahil mayaman ang pamilya ko. Pero hindi naman sukatan ang pera, o yaman para sabihin masaya na ang buhay mo.

Tulad ko? anong silbi ng pera kung palaging nag-aaway ang pamilya ko? Mas gugustuhin ko pang mamuhay ng simple kaysa sa ganito.

" Anong pinagsasabi mo, Lorna? Nahihibang kana ba? hah!" sambit naman ni Papa, pagkatapos kong mag-impake ay inayos ko narin ang sarili ko, saka sinuklayan ang mahaba at maalon kong buhok na kulay brunette.

" Patayin muna ako! para wala ng mangialam sayo. Patayin muna ako! " hindi ko naman mapigilang mapaluha, habang sinasabi iyon ni Mama.

Hindi ba nila inisip na nandito lang ako? nakikinig sa mga away nila. Napasinghap naman ako nang makarinig na naman akong may nabasag.

Bigla naman silang tumahimik matapos ang ingay na yun. Hindi ba sila napapagod na laging nag-aaway?

Kinuha ko naman ang maleta at cellphone ko, nagdala narin ako ng pera para panggastos ko. Saka ako lumabas sa 'king silid, napaatras naman ako ng maapakan ko ang bubug na nagkalat sa sahig.

Dahilan para dumugo ang paa ko, dali-dali naman akong kumuha ng tela para pigilan ang pagdudurugo ng paa ko.

" Saan ka pupunta?" tanong naman ni papa sa 'kin, nakita ko naman si mama na naka-upo sa sahig at nakatulala lang.

" May pupuntahan po kami ng friends ko, pa. Babalik din naman ako, pagkatapos ng apat na buwan." sabi ko naman sa kanya, saka umupo sa may malapit na upuan at tinali ang paa kong may sugat.

" Siguraduhin mo lang, Alice." sabi naman ni papa, saka lumabas sa bahay, narinig ko pa ang tunog ng sasakyan na papaalis.

" Mama? tumayo na po kayo diyan." sabi ko naman kay mama, at paika-ikang nilapitan siya.

Binitiwan ko muna ang maleta para matulungan siyang tumayo." Bitawan mo 'ko! wag mo 'kong hahawakan." hindi naman ako nakalapit ng tuluyan sa kanya, at tulungan siyang tumayo.

" Aalis po ako, mama." sabi ko naman sa kanya, pero hindi naman ako nito binalingan ng tingin o sagutin manlang.

Hindi ko nalang siya kina-usap ulit, at kinuha ko nalang ang maleta ko saka lumabas na ng bahay.

Napakaganda ng bahay, pero wala namang buhay. Tinawagan ko naman si Sherly na kaibigan ko, para sabihing sunduin na nila ako.

" Hi! Al, handa kana ba?" sabi naman niya, ng sagutin niya ang tawag ko.

" Yes, I'm done. Sunduin niyo na ako." sabi ko naman sa kanya, rinig ko naman ang ingay sa kabilang linya.

Mukhang nasa loob siya ngayon ng sasakyan." Okay! pupunta na kami diyan, just wai- ano ba kayo! ang ingay niyo." rinig ko namang suway ni Sherly, pinatay ko nalang ang tawag.

Naghintay naman ako sa labas ng gate namin, ilang minuto ang lumipas ay dumating na nga sila, at sakay silang lahat sa Van ni Ivan.

" Al! hali kana, dali!" tawag naman sa 'kin, ni Sherly ngumiti naman ako sa kanya.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now