Kabanata 24

114 2 0
                                        

Ilang araw ang lumipas hindi pa rin nagpapa-ramdam si Mateo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin na magpapakita siya sa 'kin. Dahil madami akong tanong na siya lang ang makakasagot.

" Al? Kamusta ka na pala?" napatingin ako sa lalaking bigla nalang sumulpot sa tabing upuan.

" Ivan? Naguguluhan na ako, kung sino ba ang paniniwalaan ko." sabi ko sa kaniya.

Palagi na nila akong binibisita dito, puwera nalang kay Jane na hanggang ngayon galit pa rin sa 'kin. Si Sherly naman may inaayos, dahil babalik na siya sa Amerika. Nawala na ang dati naming samahan.

"  Bakit mo nasabi iyan? May iba pa ba na gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa 'kin.

" Hindi ko alam, kung bakit." nasabi ko nalang sa kaniya.

Wala na akong masabi, dahil gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Malinaw na ang ilan sa 'kin, pero lahat nba ng iyon ay katotohanan talaga? Gusto ko paniwalaan ang mga magulang ko, pero paano siya?

Napatingin ako kay Ivan nang makita ko itong may hawak na bulaklak." Ilang taon din tayong hindi nagkita, akala ko talaga na hindi na kita muling masilayan pa." sabi niya sa 'kin.

Natawa nalang ako sa sinabi niya, " Tumigil ka nga, " suway ko sa kaniya.

Alam kong mabait si Ivan, pero minsan napaka-misteryoso niya. Nakilala ko na siya no'ng camping, i heard na ampon lang siya sa pamilyang mero'n siya ngayon. Wala kang masasabi para sa kaniya, bukod sa mabait may mukha naman itong maipagmamalaki.

" Alice? Gusto ko malaman mo na nandito lang ako, kung nahihirapan ka lumapit ka sa 'kin. Handa akong tumulong." malumanay na sabi niya sa 'kin.

Napangiti na lamang ako, " Okay lang naman ako, h'wag mo na akong alalahanin." sabi ko sa kaniya.

" But that's not what i see." sambit ni Ivan.

" Ivan, hindi mo kailangan makisali sa problema ko. Ako ang aayos sa lahat." sabi ko sa kaniya, saka nginitian ito.

Pinaglalaruan niya ang bulaklak na hawak niya kanina pa, pinapa-ikot lang niya ito. " I respect that, but i want you to know that i'm willing to help you."

Tumango na lamang ako sa kaniya, " Pwede ko ba mahiram sandali ang pinsan ko?" bigla nalang lumapit sa 'min si Alicia at sinabi iyon.

" Yes, pwede naman." sagot ni Ivan kay Alicia.

Umalis na si Ivan at naiwan kaming dalawa ni Alicia." May gusto kang sabihin sa 'kin?" tanong ko sa kaniya.

" Masama pa rin ba ang loob mo sa 'kin?" tanong niya sa 'kin.

" Hindi ako nagtatanim ng galit, pero nakakaramdam ako ng sakit," tinignan ko siya sa mata.

" Alam ko, pero hindi ko alam ang gagawin ko noon. "

" Hindi na natin kailangan pag-usapan iyan."

"  Sana dumating ang araw na mawala ang sakit na naidulot ko sa 'yo." sabi niya saka, ako tinalikuran.

" Sabihin mo sa 'kin, minahal mo ba si Mat?" napatigil nalang ito bigla nang itanong ko iyon.

Lumingin siya sa 'kin, ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya." Nagsisisi ako na iniwanan ko siya, pero hindi ko inakala na gagawin niya iyon. Nalaman ko kasi ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya." sabi niya sa 'kin.

"  Buti buhay ka pa hanggang ngayon." diretsang sabi ko sa kaniya.

" Wala akong dapat ikatakot, dahil hindi ko ginusto ang nangyari sa kaniya." nangingiligid ang luha sa kaniyang mga mata, na ilang sandali nalang ay tutulo na." nalaman niya kasi na hindi lang sila ang pamilya na minahal ng kaniyang Ama. They are all slaves of lie."

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now