Kabanata 2

235 5 0
                                    


" Apat lang ang silid sa mansyon, kaya kayo na ang bahala kung sino ang makakasama niyo sa iisang silid." rinig ko namang sabi ni Manang, habang papaakyat na kami sa hagdan.

Pinagmasdan ko naman ang loob ng mansyon, halos lahat ng gamit ay antique. Mga nagkakalakihang painting at portrait na sobrang luma na tignan.

" Magkasama kami ni Jane sa iisang kwarto." sabi naman ni Jake, saka hinila papalapit sa kanya si Jane.

Malamang hindi yan papayag na maghihiwalay sila. " Kami nalang din ni Lance sa isang kwarto." sabi naman ni Ivan, nagkatinginan naman kami ni Sherly.

" So! ibig sabihin, kaming dalawa ni Al, mag-isa lang sa dalawang silid?" sabi naman niya, tumango naman sila maliban lang sa 'kin.

" Bakit? ayaw mo bang walang kasama?" sabi naman ni Lance sa kanya.

" Ahh… hindi okay lang. Ikaw rin naman diba Al?" pilit na ngiti naman ang ipinukol nito sa 'kin, kahit alam kong gusto niya akong makasama sa iisang silid, dahil matatakutin siya.

" Oo, walang problema sa 'kin ang mag-isa lang sa iisang silid." sabi ko naman sa kanya, muntik pa akong mawalan ng balanse, buti nalang malapit lang sa gawi ko si Ivan kaya agad ako nitong sinalo.

" Sorry…" sabi ko naman sa kanya, saka bumalik sa pagkakatayo.

Hanggang ngayon masakit parin ang sugat ko sa paa. Kaya hindi ako masyadong naitatapak ang isa kong paa.

" Okay ka lang?" sambit naman sa 'kin ni Ivan tumango naman ako saka ngumiti sa kanya.

Inalalayan naman ako nitong maglakad, sinabi ko lang sa kanya na nangangalay na ang paa ko. 
" Kayo na ang bahala diyan, dahil magluluto muna ako para sa hapunan ninyo." sabi naman ni Manang matapos niyang ituro ang silid kung saan kami matutulog.

" Manang, tulungan ko na po kayong magluto, magbibihis lang ako." sabi ko naman sa kanya, napatingin naman sa 'kin si Ivan.

" Akala ko ba nangangalay ang paa mo? " sambit naman niya.

" Kaya ko naman, mamaya mawawala rin ito." nakangiting sabi ko naman sa kanya, tumango lang ito sa 'kin saka iniwan na ako para pumunta sa kanya-kanyang silid nila.

" Sigurado ka, Iha?" sambit naman ni Manang sa 'kin, tumango naman ako sa kanya.

" Oo po manang, sigurado akong marami ang lulutin niyo ngayon dahil nandito na kami. Kaya gusto kong makatulong man lang." sabi ko naman sa kanya.

" Hala sige… doon lang ako sa kusina maghihintay sayo." sabi naman niya, saka naglakad narin paalis sa gawi ko.

Napabuntong hininga nalang ako, saka pumasok narin sa silid ko. Pagka-bukas ko palang sa pinto ay tumunog na para bang ngayon lang ito nabuksan ulit.

Humakbang naman ako papasok, saka marahan itong pinagmasdan. May mga alikabok pa sa bawat sulok ng pader, at ang mga bahay ng gagamba.

Kailan pa ba ito huling nilinis, napa-ubo naman ako ng masinhok ko ang alikabok, ng pagpagin ko ang kama na king sized bed.

Napatakip naman ako sa aking bibig at ilong, para hindi ko masinhok ang alikabok. Sobrang dark ng kulay sa silid na ito, mukhang lalaki ang may ari nito dati.

Binuksan ko naman ang cabinet at wala itong laman, kaya matapos ko itong nilinis ay inilagay ko narin ang mga damit ko at ang iba ko pang gamit na dinala.

Pagkatapos ko namang magligpit at nilinis ang kwarto ay nagbihis narin ako ng damit. Isang manipis na blusa, saka pajama.

Pagka-rating ko naman sa kusina ay nag hihiwa na si Manang ng gulay at mga lamas na gagamitin sa lulutuin niya.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now