Kabanata 9

148 6 0
                                    

Nakatulala lang akong naka-upo sa kama, habang nakatingin sa labas ng binta at patuloy pa ring umuulan nang sobrang lakas.

May kumatok naman sa pintuan, umalis naman ako sa kama saka pinag-buksan ito ng pinto." Dinalhan kita ng mainit na noodles, sigurado akong nilalamig kana." nakangiting sabi naman ni Sherly.

" Pumasok ka muna dito sa loob." sabi ko naman sa kanya.

Humakbang naman ito papasok, saka naglakad papunta sa gilid ng kama ko saka inilagay sa side table ang dala niyang noodles.

" Ang dilim naman dito, napaka-dark ng kulay ng silid na ito." sabi naman niya saka umupo sa kama.

" Oo nga, mukhang lalaki ang may-ari nito noon." sabi ko naman sa kanya, saka lumapit nito.

Naging okay narin ako simula nung nangyari kanina. Sa ngayon kailangan muna naming manatili dito. Dahil maaaring kami ang pagbintangan na pumatay kay manang.

" Siguro,  kainin muna itong dinala kong noodles para sa 'yo." sabi naman niya saka ibinigay sa 'kin ang cup noodles.

" Maraming salamat." nakangiting sabi ko naman sa kanya.

Sinimulan ko namang hipan ang mainit na sabaw, totoo namang napaka-lamig ng panahon ngayon." Tungkol nga pala ni Manang, inilibing muna nila ito sa likod ng mansyon, ako ang nagsabi sa kanila. Nag-aalala na ako, sa maaaring mangyari sa 'tin dito." nag-aalalang sabi naman niya.

Nilibing nila si Manang sa likod ng mansyon? pakiramdam ko, parang may kasalanan kami sa pagkamatay ni Manang. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

" Kamusta ang iba?" tanong ko naman sa kanya.

" Mabuti naman sila, ang kailangan nalang nating gawin ay kalimutan ang nangyari at nakita natin." sabi naman niya, habang nakatingin sa labas ng bintana.

Mukhang tama siya, dahil wala din naman kaming magagawa. Kailangan naming magka-isa, para hindi na maulit ang nangyari kay manang.

" Sherly maniniwala kaba, sa sasabihin ko sayo ngayon?" sambit ko naman, saka ibinaba muna ang dala kong cup noodles.

" Ano iyon? pakikinggan kita kahit ano pa yan." sabi naman niya.

Tumikhim muna ako, saka hinawakan ang kamay niya." May iba pang narito bukod sa 'tin, maaaring may kinalaman siya tungkol sa nangyari kay Manang." namilog naman ang mata nito sa sinabi ko, at gulat na gulat siya sa sinabi ko.

" Sino? pa'no mo nalaman?" sunod-sunod na tanong naman nito sa 'kin.

Tumingin muna ako sa paligid." Pero hindi isang tao ang may gawa sa kanya, pero alam ko kung sino siya…" sabi ko naman.

Kinuha ko naman ang kwentas sa may drawer saka ito ipinakita sa kanya ang pangalang nakalagay sa likod ng kwentas.

" Anong meron sa pangalang Mateo?" nagtatakang sabi niya.

" Siya ang may gawa kay Manang, maaaring isusunod na niya tayo. May nakapag-sabi sa 'kin na kapag humawak ka sa mga patay na rosas, ay may sumpang kamatayan." napaatras naman ito sa sinabi ko.

" Alice! wag ka ngang magbiro ng ganyan." sabi naman niya.

" Hindi ako nagbibiro, minsan kona siyang nakita at naka-usap, pero hindi siya taona inaakala natin." sambit ko naman.

" Nakita muna ya--yang Mateo? anong ibig mong sabihin na hindi siya tao?"

" Oo, naalala mo no'ng muntik akong malunod? nagpakita siya sa 'kin no'n at siya rin ang dahilan kung bakit ako nahimatay sa loob ng stockroom. Hindi ko alam kung bakit ako ang ginugulo niya." mahabang paliwanag ko naman sa kanya.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now