Kabanata 16

153 5 1
                                    

Madaling araw nga kaming gumising apat, nasa maliit na rentahan lang kami nanuluyan malapit sa pantalan para sugatin ang pumped boat na maghahatid sa 'min doon sa Isla.

Nakita ko naman si Zyra na inaantok pa, nakulangan yata sa tulog. Ako nga inaantok at gusto pang matulog ng mata ko pero pinipigilan ko lang.

" Wala pa ba?" tanong naman ni Zyra at halatang nababagot na siya sa sobrang tagal.

" Ilang minuto nalang makakarating na sila." sabi naman sa kanya ni Dutch.

Nabuhayan naman ito, dahil sinagot ni Dutch ang tanong niya. Naku! napatingin naman ako ni Alex na may kausap sa phone at sobrang seryoso ng mukha niya.

Napahikab naman ako, at tinignan ang oras sa relo ko. Alas-kuwatro na ng umaga, at kanina lang kaming three o'clock dito.

" They're coming now to Fetch us." sabi naman ni Alex, saka umupo na rin sa upuan na nakalinya sa 'min.

" Sa wakas!" bulalas naman ni Zyra, saka sinuot ang pack-bag niya.

Ako naman ay inihanda ang dadalhin kong gamot na nakalagay sa iisang lagayan. At lahat na kinakailanganin namin, isla ang pupuntahan namin kaya grabe ang paghahandang ginawa namin.

" Ayan na pala sila." sabi naman ni Zyra saka nasisiyang lumapit doon sa dalawang pumped boat na nakahinto sa baybay ng pantalan.

Tinulungan naman siya ni Dutch na dalhin ang ibang gamit nito. 

" You need help?" 

" No, kaya ko naman."

" Okay." maikling sabi naman nito at hindi na ako pinilit.

Nauna naman ito sa 'kin at mukhang nag-iba ang timpla niya ngayon. Hindi na ako nito kinukulit, bakit ba! mas mabuti na nga 'yon para walang isturbo.

Isa-isa ko namang dinala sa pumped boat ang mga gamit ko pati na rin ang mga medisina.

" Donna? bakit hindi ka nagatulong kay Alex?" tanong naman sa 'kin ni Zyra nang siya nalang ang tumulong sa 'kin.

" Ayaw ko magpatulong, kung kaya ko naman." sabi ko naman sa kanya at huling hatid ko na ito.

" Ang tigas mo naman, can't you see he's so handsome and perfect for you." I rolled my eyes when she said that to me.

" Zyra, i don't care if he's handsome or almost perfect. Hindi ako nagpunta dito para maghanap ng lalaki, nandito ako para tumulong at gawin ang trabaho ko."

" Seryoso mo naman, i'm just want to say it to you. Mahirap talaga maging Maria Clara habang buhay." pabulong pa na sabi nito saka nauna na sa 'kin sumakay.

Napabuga nalang ako ng hangin, sumakay na rin ako sa isang pumped boat at kasama ko si Alex dito sa isa naman ay nando'n ang dalawa mukhang enjoy pa nga si Zyra dahil kasama niya doon si Dutch.

" Alis na po tayo, Maam at Sir?" sabi naman ni manong.

" Yes, umalis na po tayo." si Alex na ang sumagot.

Mabilis naman nito'ng binuhay ang makina nang sinasakyan namin. Tahimik naman itong nakatanaw sa dagat, habang nakatayo at nakahawak sa may kawayan.

Nakasuot lang ito sa military suit niya kaya siguro hindi siya nakakaramdam ng ginaw sa hangin na sumasalubong sa 'min.

Ako naman ay nakasuot lang ng jacket at jogging pants. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog ako habang nag ba-biyahe kami.

Nagising nalang ako dahil naramdaman ko ang pagpatay ng makina galing sa pumped boat. Napatabon pa ako sa 'king mukha dahil sumilay na ang liwanag galing sa araw.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now