Kabanata 26

128 5 0
                                        

Naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko at ang kirot ng ulo ko dahil sa matigas na bagay na tumama sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, at nasa madilim na kuwarto.

" Ma, pa?" sambit ko, hindi ako makagalaw dahil nakatali ang kamay at paa ko sa isang upuan.

Sino ang may gawa sa 'kin nito? Pinilit kong kumawala, at tanggalin ang tali pero hindi ko magawa dahil sa sobrang higpit nito. Ginagalaw ko ang upuan, hanggang sa matumba ako.

" Tulong!" sigaw ko, napa-ubo pa ako sa sobrang alikabok ng paligid kung saan ako ngayon.

Unang bumagsak ang balikat ko kaya para akong binalian ng buto. Bigla namang bumukas ang pinto, at narinig ko ang yapak nito papasok. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa sobrang dilim.

Tumigil ito sa tapat ko, saka hinila ang upuan patayo." Hindi kaba iiyak?" tanong niya sa 'kin, panandalian akong tumigil dahil pamilyar sa 'kin ang boses niya.

" Bakit mo ito ginagawa! Hayop ka!" sigaw ko sa kaniya, isang malakas at malutong nasampal ang natanggap ko sa kaniya na siyang ikinatagilid ng mukha ko.

" Hayop? Siguro nga tama ka. Pareho lang kayo mga walang kwenta! Sana noon pinatay na rin kita, para masaya di ba? Kaso may dumating, sinira niya ang plano ko! At ikaw!" nabingi ako sa sigaw nito, at talagang gusto niyang idiin ang pagkaka-kapit niya sa balikat ko na siyang ikinangiwi ko.

" Baliw ka ba! Pinagkatiwalaan kita, pero kung ano ang nakikita ko sayo noon ay baliktad sa nakikitang Ivan ko ngayon." nahihirapang sabi ko sa kaniya.

Hindi ko aakalaing gagawin niya ito, mabait at matulungin ang Ivan na nakilala ko noon. Pero ang Ivan na nasa harapan ko ngayon ay parang demonyo.

Narinig ko itong tumawa, saka pumalakpak pa. Natutuwa pa talaga siya sa ginagawa niya ngayon, " Nadala ka ba sa kabaitan ko? Mga bobo kasi kayo, isang bait-baitan lang bumibigay agad kayo." sabi niya sa 'kin.

Minsan talaga ang inaakala mong mabuting tao ay siya rin itong may tinatagong kasamaan. Pinagkatiwalaan ko siya, tinuring ko siyang kaibigan pero sinira niya ang tiwalang mayroon ako sa kaniya.

" Ivan? sabihin mo sa 'kin bakit kailangan mo itong gawin? Anong ibig mong sabihin na plano noon na sinira?" tanong ko sa kaniya.

" Hindi na sana kayo idadamay, pero ngayon ko lang nalaman na nakikipagkita ka pala sa kapatid ko, i mean my half brother pala. Maninira kasi kayo ehh… Plano ko sanang angkinin ang Mansyong ito dahil sa Ama ko ito. Pero ang daming sagabal, ikaw at ang kapatid ko. Kaya ayun… napilitan akong pumatay dahil nalaman nila ang plano ko na ubusin kayo." natatawang paliwanag niya, aakalain mo talagang nahihibang na siy,"  Si Manang, si Jake… madali lang sila alisin sa mundo, dahil naging makulit sila. Ikaw naman… hindi ko alam ehh… kung bakit ikaw ang nilalapitan niya. Natatawang isipin na inaakala mong multo ay halimaw na tao pala. Hindi ko siya mahanap-hanap, pero sa'yo laging nagpapakita. Gusto ko lang siyang kamustahin kung masaya ba siya dati na kasama ang Ama ko na inagaw nila. Sinira nila ang pamilyang mayroon ako!" napatili nalang ako sa takot nang hinahampas niya ang isang upuan sa sahig dahilan para magkapiraso-piraso ito.

" Nahihibang kana ,Ivan. Sinira mo lang iyang sarili mo." sabi ko sa kaniya.

" Hindi ako ang sumisira sa sarili ko, kundi kayo! Mga putanginang tulad niyo! ay hindi na dapat mabuhay pa." sabi niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

" Na-nabubulag ka sa g-galit sa puso mo." pinilit kong sabihin iyon kahit nasasaktan ako sa ginagawa niya sa 'kin.

" Dati na ako galit, dinagdagan niyo lang. Hahayaan ko ba na maging masaya nalang sila, samantalang kami ay nangungulila? Sila nagkakasawa sa yaman, pero ako nagpapakahirap sa buhay. Tapos nalaman ko nalang na wala na ang Ama ko, dahil sa pamilya mo!" nanggigil na sambit nito sa 'kin.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now