Inayos ko naman ang sarili ko, saka lumabas ng silid ko para maghapunan. Pagkababa ko sa hagdan nakita ko naman sila ni mama at papa, na may pinag-uusapan, seryoso naman ang mukha nila.
" Ma, pa? may problema po ba?" sabi ko naman nang makalapit na ako sa kanila.
Mabilis naman tumayo si mama, at nagtinginan pa sila ni papa. Hindi ba nila inaasahan na pumanaog ako?
" Anak? nagugutom ka na ba?" tanong naman ni mama sa 'kin at nilapitan ako.
" Hindi naman po, ma," nakangiting sabi ko naman sa kanya," ano po yung pinag-uusapan ni'yo ni papa?" tanong ko naman.
Hindi naman ako magawang tignan ni mama." Ahh..tungkol sa kompanya na'tin anak." nag-aalanganing na sabi niya sa 'kin.
" Gano'n po ba? wag po kayong mag-aalala, maaayos din po ang lahat." sabi ko naman at ngumiti sa kanila.
Tumango naman si mama." Sana nga anak," pilit naman ang ngiti ni mama sa 'kin." kumain ka muna." sabi naman niya at ginayak ako papalapit sa dining area.
Hindi pa ako satisfied sa naging sagot ni mama sa 'kin, pakiramdam ko may nililihim sila sa 'kin.
Pero ano naman kaya 'yon?
" Ako ang nagluto niyan para sayo, dahil 'yan ang paborito mo simula bata ka pa lang." nakangiting sabi naman ni mama.
Inilapag naman niya sa mesa ang ulam namin na adobong manok.
" Talaga po mama? maraming salamat po." sabi ko naman sa kanya.
Sumandok agad ako ng kanin, saka kumuha ng paa ng manok at mabilis na kinagat 'yon.
" Masarap ba?" tanong naman sa 'kin ni mama.
Tumango naman ako." Sobrang sarap, mama. Kumain na po ba kayo?" tanong ko naman sa kanya.
" Tapos na anak, may inihanda pala akong midnight snack mo. At may binili rin akong prutas para sa 'yo." sabi naman niya.
" Salamat ulit, sobra na po ang pag-aalaga niyo sa 'kin. Baka hindi na kayo nagpapahinga? mama" nag-aalalang sabi ko naman sa kanya.
" Okay lang ako, bumabawi lang si mama. May pinagawa pala akong swimming pool, dahil dati wala tayo no'n." sabi naman niya.
" Pinagawa niyo 'yon para sa 'kin?" tanong ko naman sa kanya.
She nodded at me." Yes, sweetie. I'm willing to give everything you want." sabi naman niya at nginitian ako.
" Sana maibalik na ang memory ko, para maalala ko ang mga pagkakataon na kasama ko kayo ni papa. Kung gaano ako kasaya noon." sabi ko naman.
" 'Wag mong madaliin, dahil kusang babalik ang alaala mo anak." sabi naman niya sa 'kin.
Tumango na lang ako, saka ipinagpatuloy ang kinakain ko. Pagkatapos kong kumain ay naglipit ako sa pinag-kainan ko.
Umakyat naman ako sa hagdan, papunta sa silid ko. Pagkapasok ko sa loob, ay namili ako ng masusuot ko para mag night-swimming.
Kumuha naman ako ng bathrobe, saka tinignan sa bintana ang nang-aakit na swimming pool lalo't natatamaan ito ng ilaw galing sa buwan.
" Maliligo ka sa pool, anak?" tanong naman sa 'kin ni mama nang makababa na ako.
" Opo mama." nakangiting sagot ko naman sa kanya.
" Sige, pagkatapos mong mag-swimming matulog ka na rin wag kang mag-puyat." paalala naman niya sa 'kin.
" Opo mama don't worry." sagot ko naman.
