Sinilip muna sila mama at papa sa may bintana kung nakaalis na sila. At nakita ko nga silang tumakbo na papaalis. Mahigpit kong hinawakan ang baril na hawak ko.
" Al! Hindi mo ito bubuksan!" narinig ko ulit ang sigaw ni Ivan, gusto n'ya nang sirain ang pinto.
Napatakip ako sa 'king tenga, dahil sa malakas na putok ng baril galing sa kanya, " H'wag mong hintayin na ikaw na ang isusunod kong papatayin, pasalamat ka nga dahil hinayaan kitang mabuhay. Niloko kami ng pamilya mo na patay kana pero hanggang ngayon humihinga ka pa rin pala." rinig kong sabi niya.
Humanap ako ng paraan kung saan ako magtatago. Pumunta ako sa banyo, at humanap nang puwedeng daanan pa. Dahil kung sa bintana masusundan niya ako at pati ang magulang ko.
Napatingala ako, nang makita ko ang ilaw sa kisame na puwedeng tanggalin. Tumuntong pa ako para matanggal ito. Muli ko na namang narinig ang malakas na putok ng baril niya, dahilan upang matigil ako.
" Alice!" gali na galit na sigaw nito sa pangalan ko.
Ginamit ko ang baril para masira ang kisame, upang madaanan ko. Hanggang sa nakagawa ako ng daan papunta sa itaas, bago pa niya mabuksan ang pinto ay nakaakyat na ako sa itaas.
" Alice! Hindi ka makakatakas hanggat nabubuhay ako. Isasabay ko kayo sa magaling kong kapatid." parang demonyong sabi nito, at tumatawa pa siya.
Para siyang sinapian na kung anong kaluluwa. Dahil hindi ko ma-imagined kung gaano siya ka sama ngayon. Ibang Ivan ang nandidito, ibang-iba.
Nahihirapan akong dumaan sa masikip na daanan ng kisame. Kung saan madalas dito namamalagi ang mga daga sa kisame ng bahay. Maingat ang bawat paggapang ko.
Hindi ko ininda ang nakakasulasok na amoy at alikabok." Alice! HIndi ka talaga lalabas?" narinig ko ulit ang boses nito mukhang nasa banyo na siya ngayon.
Kaya mas binilisan ko pa ang paggapang ko. Hanggang sa mapasinghap ako dahil sa muling pagputok niya ng baril.
" Akala mo makakatakas ka? Nagkakamali ka."
Habang bumibilis ang paggapang ko, lalo kong nararamdaman ang pagod. Pinagpapawisan na ako at nahihirapan akong humingi dahil sa sobrang sikip.Nakarinig ako nang sunod-sunod na putok na baril galing sa kaniya. " Alice, gusto mong maglaro tayo ng tagu-taguan? Ako taya, at hahanapin kita." kinakilabutan ako sa sinasabi niya.
" Tagu-taguan maliwanag ang buwan tayo'y maglaro ng tagu-taguan, pagbilang ko ng tatlo nakatago kana." Kumanta pa talaga siya, baliw na yata ito.
" Isa…" narinig ko ang pagbilang nito.
Kaya mas binilisan ko pa ang paggalaw ko. Hindi ako puwedeng mamatay, hindi puwede.
" Dalawa… isa nalang. Asan ka ba Alice? H'wag muna akong pahirapan."
Huminga ako nang malalim, hindi na ako makahinga. Hindi puwede, lumaban ka Alice!
" Tatlo!" narinig kong nagpa-putok ulit ito ng baril.
Dahil sa sobrang kalmaan at sira-sirang kisame. Nasira ang tinukuhan ng siko ko dahilan para mahulog ako sa kabilang kuwarto mabuti nalang hindi ako nakagawa ng ingay dahil sa kama ako nahulog.
Napatakip ako sa 'kin bibig nang makita kung an mayro'n dito sa kuwartong ito. Halos hindi na ako makahinga, dahil hindi ko kayang tignan sila.
Si Sherlyn, Jane at si Lance. Wala ng buhay habang nakalambitin sa kisame. Pinigilan ko ang bibig kong hindi gumawa ng ingay.
Nakalabas ang dila nila at nakamulat ang mata nilang tatlo. Hindi tao ang may gawa sa kanila nito, hindi tao! Halatang sobra silang pinahirapan dahil sa natamo nilang galos sa katawan.