Pagkatapos ko malaman ang kondisyon ko dahil sa pagpatingin namin sa doktor kanina ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto.
Maaaring lumala pa daw ito kapag masyadong marami akong iniisip o inaalala. He said maybe noon pa lang no'ng bata ako, lagi akong stress at maaaring trauma ang dahilan.
" Anak? gusto mo ba na bumaba muna at kumain?" tanong naman ni mama nang kumatok ito sa pinto at pumasok para sabihin iyon sa 'kin.
" Susunod lang po ako," matamlay na sagot ko naman at pilit itong nginitian.
Tumango naman ito," Sige, maghihintay kami ng papa mo sa baba." sabi naman niya saka umalis na rin.
Tumayo naman ako sa pagkaka-upo ko sa kama at pumunta sa tapat ng salamin saka sinuklayan ang buhok ko.
Habang nakatingin ako sa salamin nagulat nalang ako nang makita ko siya ang lalaking dumukot sa 'kin nakatutok naman ang baril nito sa 'kin para mapasigaw ako dahil sa takot na barilin niya ako.
" No! please..." napa-upo naman ako habang pilit na sinisiksik ang sarili ko sa likuran ng drawer.
" Alice! ano'ng nangyari sa'yo?" tanong naman ni mama sa 'kin, napatingin naman ako kung saan ko nakita ang lalaking 'yon.
Pero bigla nalang itong nawala," Ma? nandito siya? babarilin niya ako," nanginginig naman ang tuhod at kamay ko pati na rin ang boses ko dahil sa sobrang takot ko.
" Walang iba'ng nandito, makinig ka sa 'kin 'wag kang matakot nandito ako nandito kami ng papa mo." pagpapatahan naman niya sa 'kin saka ako niyakap.
Hindi ko naman mapigilang mapa-hagulgol, hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa 'kin.
" Ma? ayaw ko na, natatakot na ako." humihikbing sabi ko naman sa kanya, habang yakap niya pa rin ako.
" Alam ko, kaya labanan mo ang takot na nararamdaman mo." sabi naman niya, saka hinihimas ang likod ko para tumigil na ako sa pag-iyak.
" Bakit ako pa? nawalan na nga ako ng ala-ala, ganito pa ang nangyari sa 'kin?" sumbat ko naman sa 'king sarili, bakit pa ako naging ganito?
Bakit kailangan ganito pa?" Shhh... it's okay, it's not your fault." sabi naman niya at lumipat na naman ang kamay nito sa buhok ko para patahanin ako.
Pagkatapos niya akong mapatahan ay isinama niya ako sa baba, si papa naman ay nakita kong abala pa rin sa kakahalungkat ng mga files para siguro sa kompanya.
" Uminom ka muna ng tubig." sabi naman ni mama saka ako pinaupo at binigyan ng tubig.
" Anong nangyari?" tanong naman ni papa habang nakakunot noo.
" Wala, pinaalam ko na sayo ang kondisyon niya kaya 'wag muna akong tanungin." sabi naman ni mama.
" Ma, pa? okay lang po ako, 'wag niyo na po ako alalahanin." sabi ko naman sa kanila.
" Hindi namin maiwasang mag-alala, kaya ayaw naming nakikita kang ganyan." sabi naman ni mama.
" Sorry po talaga, dahil nagiging pabigat na ako sa inyo."
" 'wag mo sabihin 'yan," umiiling na sabi naman ni mama," hindi ka pabigat, gagaling ka rin at maayos natin ang ang lahat" nakangiting sabi naman ni mama.
Tumango naman ako," Hindi ko lang talaga lubos maintindihan bakit ganito?" mahinang sambit ko naman," hindi naman siguro ako nagka-trauma, tama ba ako mama?" tanong ko naman sa kanya.
" Hi-hindi, lagi ka namin inaalagaan ng papa mo, mahal na mahal ka namin."
" Mahal ko din po kayo," nakangiting sabi ko naman saka tinignan si papa na abala pa rin sa ginagawa nito.
