Kabanata 5

182 5 0
                                    

Maaga naman akong gumising, habang ang iba ay tulog pa. Mabuti naman walang masamang nangyari sa 'min, habang nanatili kami dito kagabi.

But, that weird noise I will never forget. I can hear it, all over in my head. Mas natatakot pa ako nung narinig ko sila ni Jake at Jane, kaysa sa yapak na narinig ko kagabi.

Gosh! my mind, can't erase it! They shouldn't do it, while we're here. Ininat ko naman ang katawan ko, saka lumanghap ng sariwang hangin.

Napangiti naman ako dahil sa napaka-kalmang tunog, ng mga dahon na sinasayaw ng hangin. Even birds is singing, all over the place there tiny voice are echoing.

Napaka-sarap maligo gayong maaga, at tulog pa ang iba. Kaya masosolo ko ang pagliligo ko ngayon, para narin mahimasmasan ako sa mga naririnig ko kagabi.

Hinubad ko naman ang damit ko, at tinira ang sports bra ko at cycling. Tinanggal ko naman ang tali sa buhok ko, saka binuhaghay ito.

Napatingin naman ako sa tubig na nanggagaling sa rumaragasang tubig sa taas. Para akong inaakit nito na maligo, dahil sa ganda at malinaw na tubig.

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit doon. Muntik pa akong matumba dahil sa mga batong naka-kalat sa may tubig.

Nakaramdam naman ako ng ginaw ng simulan ko nang ibabad ang buo kong katawan sa tubig. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang pakiramdaman ang malamig na tubig.

Napatingin naman ako sa may damuhan dahil sa kaluskos na narinig ko. Tinignan ko naman yung mga kasama ko, wala pa namang gising sa kanila.

Binaliwa ko nalang iyon, at pinagpatuloy ang pagliligo. Hindi mo talaga masasabing umaga na dahil, sa mga nagtataasang puno na tumatabon sa liwanag galing sa araw.

Natigil naman ako ulit, dahil may narinig na naman akong kaluskos, malapit sa gawi ko. " May tao ba diyan?" sambit ko naman, at saka inilibot ang tingin ko sa paligid.

I feel that I am only here in this forest. I feel that there's someone looking at me, but I don't know who. Napayakap nalang ako sa 'king sarili, saka napag-desisyonang umahon nalang.

Akmang babalik na sana ako, nang biglang may kung anong kamay na humawak sa paa ko, saka ako hinila sa ilalim ng tubig.

Nahihirapan naman akong huminga, at pinipilit kong lumangoy paitaas pero may humihila sa 'kin pailalim. Nanghihina narin ako dahil nawawalan na ako ng hangin at nakaka-inom na ako ng tubig.

Tumigil naman ako sa paglalangoy dahil wala na akong lakas pa, unti-unti namang pumipikit ang mata ko at dumidilim narin ang paningin ko.

Naramdaman ko namang may humawak sa mukha ko, pero hindi ko maaninagan kung sino ito. Nandito na naman yung pakiramdam ko na takot, kahit gusto kong imulat ang mata ko hindi ko magawa.

Ilan sandali lang ay naramdaman ko naman ang malambot na labing lumapat sa labi ko. Ramdam ko naman ang naka-pulupot niyang braso sa bewang ko.

At ang kakaibang pakiramdam, simula nung ilapat niya ang labi sa 'kin. Naramdam ko naman ang paggalaw ng labi nito, hanggang sa paghiwalayin na niya ang labi namin.

" I want you to remember my kiss, until you die." rinig ko namang bulong niya sa 'kin, his voice is colder than this water.

-

" Al! shit! " nakarinig naman ako ng iyak, at ang pagtawag sa pangalan ko.

Ramdam ko rin na parang may dumidiin sa may bandang puso ko. " Al! wake up! shit! shit!"

Napabuga naman ako ng tubig, hanggang sa imulat ko na ang mata ko. Una kong nakita ang mukha ni Ivan na sobrang nag-aalala.

" Al! you scared us to death!" agad naman akong nilapitan ni Sherly at niyakap ako.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now