Kabanata 11

138 5 0
                                        

Kumatok naman ako sa pinto ni Ivan, para tulungan akong dalhin si Lance sa kanyang silid.

" Ano nga pala ang ginawa ni Lance sayo?" tanong naman niya sa 'kin, habang kinukusot ang mata niya dahil nagising lang ito dahil sa 'kin.

" Wala naman, lasing lang ito. Ikaw na ang bahala sa kanya, babalik na ako sa kwarto." sabi ko naman sa kanya, at pilit na hindi sabihin ang nangyari.

Ayaw kong palalain ang lahat, kaya hanggat kaya kong maglihim at wala namang nagawa si Lance... sa ngayon. But I feel worried about Sherly, I don't want her to avoid and hate me.

" Sigurado ka? okay ka lang?" nag-aalalang sabi naman nito, tumango naman ako sa kanya saka ngumiti.

" Okay lang ako, ikaw din matulog kana." sabi ko naman sa kanya.

Akmang aalis na sana ako nang hawakan nito ang siko ko sa maingat na paraan." Napano ka? bakit may pasa ka?" tanong naman niya.

Akala ko hindi na niya mapapansin ang pasa ko, dahil gabi na at medyo madilim. " Ahhh... wala 'to may nasagi lang akong bagay kaya tumama sa braso ko. " pilit na ngiti naman ang ipinukol ko sa kanya.

Binitawan naman nito ang kamay ko, saka tinignan ako sa mata." I don't believe you, Al. Gusto mo ba na gamutin ko yan?" umiling naman ako.

Alam kong nag-aalala siya, kaya ayaw ko talaga sabihin ang lahat hanggat kaya ko pa ang nangyayari sa 'kin ngayon.

" Ivan, hindi muna ako kailangang alalahanin, malayo sa bituka to." nakangiting sabi ko naman sa kanya.

Narinig ko naman itong bumuntong hininga." Okay, basta kapag may kailangan ka, sabihin mo langsa 'kin, Al. I can be your protector,and your listener. Alam kong may nililihim ka, dahil ayaw mong may madamay o masaktan sa isa man sa 'min. I know you already Al, diyan kita nakilala." I feel a slight warmed voice touching inside me, to make me feel okay.

" Thank you, Ivan. Pero hindi muna ako kailangan protektahan, kaya ko naman." sabi ko naman sa kanya.

" Let me, Al." mahinang boses na sabi nito, hindi ko naman maiwasang mapangiti.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya, nagulat pa siya sa ginawa ko." I don't deserved it, but i hope. Pag dumating ang panahon, kung malalagay ako sa alanganing sitwasyon, please... don't waste your life, for me. " sabi ko naman sa kanya, at kumalas sa pagkakayakap nito.

"Matutulog na ako, pasensya kana kung nagising kita." sabi ko naman saka tumalikod na sa kanya at nagsimulang mag lakad, papalayo sa kanya.

" You can't stop me, from doing that Al." rinig ko namang sabi niya, sinulyapan ko naman ito sa may likuran at nakita ko itong pumasok na sa silid niya.

Napabuga nalang ako ng hangin. Tumigil naman ako sa tapat ng pintuan ng silid, at pinihit ang hawakan ng pinto. Pero hindi ko mabuksan, hindi ko naman ito ni-lock.

Pinilit ko naman itong buksan pero hindi talaga mabuksan. Napabuga nalang ako ng hangin, dahil napagod na ako sa kakapihit.

Napa-upo nalang ako sa tapat ng pinto, saka tumingin sa paligid. Inaantok na ako, saan na ako matutulog ngayon?

Hindi pwede kay Sherly dahil hindi pa kami naging maayos, galit pa yun sa 'kin. Kung kay Ivan naman, nahihiya na ako dahil kanina ko pa iyon ini-isturbo.

Tumayo naman ako at naglakad papunta sa stock room. Hindi na ako takot na pumunta doon, alangan naman sa labas ng silid ako matutulog ang ginaw kaya.

Nakabukas naman ang pinto, at humakbang na ako papasok. Hinarangan ko naman ang pinto ng bagay na pwedeng pumigil na sumara ang pinto. Ayaw ko nang makulong ulit dito, napatingin naman ako sa piano na walang tabon.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now