Kabanata 19

107 3 0
                                        


Naiilang naman ako habang nagsusubo ako ng pagkain at nakatingin lang siya sa 'kin. Bakit ngayon nawala ang takot ko sa kanya? Parang kailan lang kinatatakutan ko siya.

" What are you looking at?" kunot noo na tanong naman nito sa 'kin.

Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko, kanina pa ako nguya ng nguya.

" Aalis na ako." sabi ko naman sa kanya matapos ko inumin ang juice.

Nandito pa rin kami sa pinagdarausan ng masquerade ball. Busog na ako kaya pwede na akong umuwi, bago pa magbago ang timpla ng lalaking 'to.

" Where are you going?" tanong naman nito.

Kahit nakasuot siya ng maskara alam ko na ang paraan nang pagtitig at expression ng mukha niya.

" Babalik na ako, tapos na ako dito." sabi ko naman sa kanya saka tumayo.

Akmang aalis na sana ako nang hilahin na naman ako nito papaupo. May ilang tao namang napapatingin sa gawi namin.

" You can't leave me here," kinuha pa nito ang isang baso na may lamang wine at tinungga iyon." can't you see? the party is not over." nakangising sabi naman nito.

"Hahanapin na ako ng magulang ko,  i really need to go-." napasinghap nalang ako nang marahas niyang ibinaba ang hawak nitong baso dahilan para magkaroon ito ng crack.

" I said, stay here. Did you hear me right?" madiing sabi naman nito.

Napahigpit naman ang kapit ko sa 'king damit. At mahinang napakagat labi, ano ba ang magagawa ko?

Kahit ang ibang tao walang magawa kundi ang titigan kami." What do you need? anong gagawin ko para layuan mo na ako?" sambit ko naman sa kanya.

Ngumisi naman ito, saka pinaglaruan ang baso sa mga daliri niya." Easy, i want you to kill your family. Using this…" sabi naman niya saka may inilagay na bagay sa mesa na nakabalot sa itim na tela.

Napaatras naman ako sa inuupuan ko nang makita ko ang isang baril." Do you want me to kill my own, family? I'm not a criminal like you." sabi ko naman sa kanya, katamtaman lang ang lakas ko para marinig niya.

Dahil siguro ang iba hindi napapasin o naririnig ang pinag-uusapan namin dahil sa ingat na nanggaling sa speaker dito sa bulwagan.

Ang mga tao ay abala sa kanya-kanyang gawain.

Tumawa naman ito nang mahina." Then i'll be the one to kill your family. I kill or you kill?" sabi naman nito.

Ganyan na ba siya kasama para sabihin iyan sa 'kin? Kahit sinong anak na gusto niyang ipapagawa nito hindi iyon papayag.

" Don't you ever do that to my family. Bakit mo ito ginagawa sa pamilya ko? ano ba ang naging kasalanan nila?" nakita ko naman na pinaikot nito ang isang coin na hawak niya at nilalaro niya kanina pa.

" Do you wanna know, why?"

" Yes." maikling sagot ko naman sa kanya.

" They killed my mother, and also my father." sabi naman niya at inisa-isa niya pa talaga ito.

" Hindi iyon magagawa ng mama at papa ko. Aksidente ang nangyari, bakit sa kanila mo sinisisi ang lahat?"

" Saan ko ba isisi? to you? Should i shot your head here? that would be so interesting…" natahimik naman ako nang sabihin niya iyon.

Mabilis ko namang kinuha ang baril na inilagay niya sa mesa. Gusto niya akong patayin?

Mabilis ko naman itinutok sa kanya ang baril. Kahit gusto ko na itong bitawan, nakabalot pa rin sa tela ang baril kaya walang mag-aakala na baril iyon.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now