Kabanata 10

150 3 0
                                        

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. May nakalagay namang tray na may lamang pagkain sa side table ng kama, kinusot ko naman yung mata ko.

Napahawak naman ako sa 'kin panga, dahil hanggang ngayon ramdam ko parin ang pamamanhid doon. Umalis naman ako sa kama saka humarap sa salamin, may sugat pa pala ako sa labi.

Napa-daing naman ako nang mahina, dahil may pasa pala ako sa may braso. Bakat-bakat talaga ang kamay niya sa braso ko, gaano ba siya kagalit sa 'kin?

Nilagyan ko naman ng ointment ang sugat ko sa labi. At pumunta sa banyo para basain nang kaunti ang bempo na itatapal ko sa aking pasa.

Tumigil narin ang ulan, at mukhang tuloy-tuloy na ito. Umupo naman ako sa tapat ng salamin saka pinunasan ang pasa ko sa braso. Dinadampi ko lang ito, dahil kumikirot parin ito.

Nahulog ko naman ang bempo ko sa sahig, kaya pinulot ko muna ito sa sahig. May nakita naman akong picture sa ilalim nito at sumilay lang ito nang kaunti.

Kinuha ko naman ito saka tinignan, sa isang picture ay may babaeng may katandaan na at isang lalaki mukha silang mag-asawa. Sa gitna naman nila ay isang lalaking naka tuxedo, bakit pamilyar sa 'kin ang mukha niya? parang nakita kona  siya noon.

O magkahawig lang sila? Binasa ko naman ang nakasulat sa likod ng larawan.

"Beautiful scenery." yan ang basa ko sa nakasulat.

Pilit ko namang inaalala kung saan ko ito nakita o nakilala. Something strange about it. Natigil naman ako sa kaka-isip dahil biglang nag-ring ang phone ko.

Nakalagay naman sa screen kung sino ang tumatawag, si Papa. Mabilis ko naman itong sinagot.

" Pa? kamusta na po kayo?" pilit na ngiting sabi ko.

" Kailangan kaba uuwi? samahan mo itong Mama mo dito sa bahay. Hindi ako papayag na matagal ka pa makaka-uwi dito, e-text mo sa 'kin kung nasaan ka." sabi naman niya, sa galit na boses.

" Pa? uuwi din naman ako, pero... hindi ko pwedeng iwan sila dito." sabi ko naman.

" Wala akong pakialam sa mga kaibigan mong yan, pagsinabi kong umuwi ka, umuwi ka! Naiintindihan mo?" lumakas naman ang boses nito, kaya inilayo ko muna nang bahagya ang tenga ko.

" Pa-" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang tawag.

Napabuga nalang ako ng hangin, at saka ginulo ang buhok ko. Hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Tinext ko nalang kung nasaan kami ngayon.

Naisipan ko namang kumain muna, at inilagay sa may drawer ang larawan na napulot ko kanina. Wala sa sarili habang kumakain ako, lutang ang utak ko ngayon.

Pagkatapos ko namang kumain ay naisipan ko namang lumabas muna sa silid. Sobrang tahimik naman yata nila? Naisipan ko namang puntahan si Sherly sa kwarto nito, pero wala siya doon.

Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ni Ivan at Lance, pero naka-lock siguro na loob sila natutulog.

Narinig ko naman sa di-kalayuan ang ingay na nanggagaling sa silid nila ni Jane. Kahit ba naman sa ganitong pagkakataon? nagawa pa nilang gawin ang mga bagay na yan.

Bumaba nalang ako ng hagdan, at doon ko nakita si Sherly na nagluluto sa may kusina." Sherly?" tawag ko naman sa pangalan nito.

" Al, gising kana pala. Kamusta kana? okay ka na ba?" nag-aalalang sabi naman nito sa 'kin.

" Maayos na ako" nakangiting sabi ko naman sa kanya, saka tinignan ang ginagawa niya.

" Kinain mo ba yung dinala kong pagkain si silid mo"

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now