Kabanata 13

162 4 1
                                    

Narinig ko na may nagsasalita, pilit ko namang iminulat ang mata ko. Agad na bumungad sa 'kin ang puting kisame.

Parang nasa ilalim ako ng tubig, dahil ang boses nila ay hindi ko masyadong naririnig. Hindi ko naman maigalaw ang katawan ko, dahil hindi ko kaya, dahil nanghihina pa ito.

" Doc? gising na ang anak ko." rinig kong sabi naman ng babaeng may katandaan na.

Agad na may itinapat na maliit na flashlight hindi ko alam kung para saan iyon. Mukhang tsinek niya yung mata ko.

" Naririnig mo ba ako? kapag, oo pumikit ka ng dalawang beses." sabi naman nito sa 'kin, hindi naman ako makapag-salita kaya ginawa ko ang sinabi nito.

Pumikit ako nang dalawang beses." Naririnig niya ako, Nurse! i-check mo yung heartbeat niya."

Bakit ako nandito, saan ako? may matandang babae naman na may kasama rin itong matandang lalaki na nakatingin lang sa gawi ko.

Gusto kong magsalita, pero hindi ko maibuka ang bibig ko, kunti lang ang nagiging siwang ng bibig ko. Sobrang tuyo na ng lalamunan ko, nauuhaw ako. Parang ilang taon akong hindi nakakainom ng tubig.

" Doc? kamusta ang anak ko?" sabi naman ng babae na may pag-aalala sa boses nito pati na sa ekspresyon ng mukha niya.

" Sa nangyaring aksidente at matagal din siyang hindi nagising. Almost 2 years, hindi malabong may epekto ito sa kanya, nagkaroon kasi ng damage ang brain niya dahil sa malakas na pagkakatama nito." sabi naman niya." But your daughter is so lucky, because she survived. May gagawin pa kaming test sa kanya, kaya maghihintay muna tayo nang ilang weeks."

" Bakit hindi pa siya nagsasalita Doc?" tanong naman ng lalaki kasama ng babae.

" Dahil na-comatose siya, for almost 2 years hindi niya naigalaw ang katawan nito, kaya ganoon nalang ang epekto nito. Pero habang tumatagal maibabalik din ang dati niyang lakas." nakangiting sabi naman nito sa dalawa.

Ano bang pinagsasabi nila, may nurse namang may kung anong ginagawa sa 'kin. Pinipilit niyang igalaw ang kamay ko at pati na ang paa ko.

" Anak? patawarin mo kami." umiiyak na sabi naman ng babae, nang lumapit ito sa 'kin.

Pilit naman siyang pinapakalma ng lalaking kasama nito, mukha silang mag-asawa. Pero bakit hindi ko sila kilala? narinig kong tinawag niya akong anak.

" Alice anak? patawarin mo kami ni daddy mo." sabi naman nito habang nagsi-bagsakan ang luha nito galing sa mata niya.

Hindi naman maiwasang mapaluha sa nakikita ko ngayon, bakit hindi ko sila kilala? sino si Alice? ako ba?

Dumausdos naman ang luha ko sa 'king pisng, sa 'di malamang dahilan. Nasasaktan akong nakikita itong umiiyak. Pinunasan naman nito ang luha ko sa mata gamit ang hinlalaki niya.

" Alice? magpalakas ka, nandito lang kami." sabi naman nito, at hinahalik-halikan ang likod ng palad ko.

Nakatingin lang ako sa kanila, habang patuloy na dumadausdos ang luha ko sa 'king pisngi. Nasasaktan ako, kumikirot ang dibdib ko.

" Maam? may gagawin lang kaming test sa anak ninyo." sabi naman ng nurse.

" Alice? babalik kami, magpakalakas ka anak." sabi naman nito saka binitawan ang kamay ko.

Umalis muna sila, at hinayaan ang mga nurse at doctor ang mag-asikaso sa 'kin. Marami silang ginagawang test sa 'kin, kung maigagalaw ko ba ang kamay ko.

" Alam mo ba kung ano ang pangalan mo, Iha?" sabi naman ng doctor sa 'kin.

Pilit ko namang iginalaw ang ulo ko, at umiling nang kunti. Pilit ko namang binubuka ang bibig ko, para makapag-salita.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now