Matapos sabihin ng Secretary ng Ama ko, hindi na ako nagtanong pa. Nakatitig sa 'kin si Ivan nagtataka siguro ito kung bakit hindi agad ako nakapag-salita.
" Al? Okay ka lang?" tanong niya sa 'kin.
Ngumiti lang ako ," Oo naman." sagot ko sa kaniya.
" Sigurado ka? You look tense and bothered?"
" I'm okay, may naka-schedule na meeting sa 'kin mamayang hapon. Kaya kung gusto mo nang umuwi, okay lang sa 'kin na iwan mo ako dito." sabi ko sa kaniya.
" Pwede kitang tulungan sa meeting mo. Sino ba iyan?" nakakunot noo na tanong niya sa 'kin.
" Isa sa - Kliyente ni papa, kaya wala ka dapat ipag-aalala. I can handle this, sapat na ang naitulong mo sa 'kin." sagot ko sa kaniya, saka kinuha ang bag ko.
" Then i can drived you a car, para maihatid kita kung saan man ang meeting place ninyo." pagpupumilit niya talaga sa 'kin.
Wala ko siya pwedeng tanggihan, " Sige ikaw ang bahala, hihintayin ko muna kung saan ang meeting place namin." nakangiting sagot ko sa kaniya.
Matapos ng ilang oras, tinawagan ulit ako ng secretary ni papa para sabihin kung saan gaganapin ang meeting namin kay Mr. Parker. Inihatid lang ako ni Ivan sa isang coffee shop, dahil doon niya gustong magkita kami.
Wala si Papa kaya ako ang tatayong CEO ng kompanya, nagpaalam na rin si Ivan sa 'kin na aalis na. Dahil sinabi ko sa kaniyang hindi na niya ako hihintayin pa.
Pagkapasok ko sa coffee shop, marami na akong nakikitang tao na nagka-kape kahit mainit ang panahon. May babaeng lumapit sa 'kin, " Welcome po Maam, ikaw po ba si Miss Alice Sanz?" magalang na tanong nito sa 'kin.
" Ako nga." sagot ko sa kaniya.
Ibig sabihin alam na niya na ako ang pupunta? Ano na naman kaya ang gusto niyang gawin?" Dito po Maam, naghihintay na po si Mr. Parker sa loob." sabi nito sa 'kin saka itinuro sa 'kin ang daan papasok sa loob.
Akala ko dito lang kami sa maraming tao mag-uusap hindi pala. Kaya ko ba siyang harapin ngayon? Matapos may mangyari sa 'min? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
" Pumasok na po kayo sa loob, Maam Alice." pinagbuksan ako nito ng pinto, tumago lang ako sa kaniya saka humakbang na papasok.
Mukha namang private room ito, pagkapasok ko palang naaamoy ko agad ang usok ng sigarilyo. Nakita ko itong naka-upo may swivel chair habang nakatalikod sa gawi ko.
" Ano na naman ang gusto mo?" sambit ko sa kaniya, habang nanatiling nakatayo nang isang hakbang kung saan siya naka-upo.
Bigla ito humarap sa 'kin saka inilagay ang upos niya sigarilyo sa ashtray. Agad na nagtama ang paningin naming dalawa." Good to see you again." nakangising sabi niya sa 'kin.
" It is not good to see you again" madiing sabi ko sa kaniya.
" You don't miss me?"
" Hindi ako nagpunta dito para makipag-kamustahan sa 'yo. Now tell me what you want, para tigilan mo ang mga magulang ko." sabi ko sa kaniya, saka nakipag-titigan sa kaniya.
" I told you already i don't stop, if there's something i want to end." tumayo ito sa inuupuan niya, habang pinaglalaruan ang lighter sa kamay niya.
" Hindi ka nakikinig sa mga paliwanag ko na walang kasalanan ang mga magulang ko sa nangyari sa pamilya mo. Your mind keep, pushing what you need to -" napa-singhap nalang ako ng hampasin niya ang mesa malapit sa kaniya.
" My mind keep pushing all those lies!" bulyaw niya sa 'kin, dahilan para mapaatras ako ng isang hakbang papalayo sa kaniya.
Mahigpit ko namang hinawakan ang bag na dala ko." Iyan lang ba ang rason mo para isumbat sa 'kin ang kasalanan ng magulang ko?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya, " mas mabuting h'wag na tayong magkita, kung kaaway ang tingin mo sa mga magulang ko." sabi ko saka nagsimulang talikuran siya.