Nasa sasakyan lang kami ngayon si Mama at Papa naman ay nag-aaway. Kanina nung nawala ako sa gubat ay talagang umalis sila, dahil nag-aaway na naman sila.Hindi manlang nila ako hinanap, buti nalang ligtas akong nakabali kanina kung saan nila ako iniwan at nadatnan ko lang sila na nag-aaway.
" Ayusin mo yang pagmamaneho mo Alejandro! napaka-laking pera ang sinayang mo, para sa walang kwentang project na 'yon." rinig ko namang sabi ni Mama.
Habang ako ay palihim lang na nakikinig sa kanila. Kahit kailan hindi ko pa sila narinig na nag-uusap ng mahinahon at hindi nagsisigawan, hawak ko pa ang aking teddy bear.
" Hindi muna problema iyon, dahil ako na ang tumatakbo sa sarili kong kompanya, gagawin ko kung ano ang gusto ko. Ang problema ko sa kompanya sa Parker Interprises ay nasa akin lang yun, at wag kanang makialam." sabi naman ni Papa.
Nag-aapoy naman sa galit si Mama, at hindi niiya nagustuhan ang sinabi ni Papa sa kanya." So! hindi na ako mangingialam? hah! wala na pala akong silbi." sabi naman ni Mama.
Niyakap ko nalang nang mahigpit ang teddy bear ko. Si papa naman ay palipat-lipat ang tingin sa daan at kay mama.
" Hindi muna kailangang mabahala pa, dahil pera ko naman ang nawala hindi sayo." sabi naman ni papa, na lalong ikinainis ni mama.
Gusto ko nang umiyak, dahil ayaw ko silang nakikitang nag-aaway. Nandito lang ako sa likuran nila, hindi ba sila nakakaramdam? na may anak silang naririnig ang sigawa at pag-aaway nila?
Nagsimula lahat dahil sa pera, kaya nawawala na sila ng time sa 'kin. Lagi nalang nakatuon ang atensyon nila sa kompanya, at mga problemang kinakaharap nila.
" May pakialam ako! dahil mag-asawa tayo. Hindi mo kailangang sabihin na hindi ako mag-aalala, dahil nakasalalay ang buhay natin d'yan sa kompanya mo." sabi naman ni Mama.
" Pwede bang tumahimik ka! nakapag-desisyon na ako. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan kona." sabi naman ni Papa.
" Walang hiya ka! bawal naba akong magdesisyon? hah! lagi ka nalang nagsusulo! hindi mo manlang iniisip ang magiging desisyon ko!" sigaw naman ni Mama at pinagpapalo si papa.
" Tumigil ka! mababangga tayo sa ginagawa mong yan." sabi naman ni Papa.
" Edi! bumangga, mamamatay tayo dito ng sabay." hindi ko naman mapigilang mapaluha dahil sa ginagawa nila.
Ganyan naba sila lagi? ganun ganun na lang yun? napaka dali nilang sabihin na kunin na ang buhay nila, pero naisip ba nila ako?
Gusto ko pang mabuhay ng masaya, malayo sa gulo. Gusto ko nang tahimik na buhay, kahit man lang iyon magawa nilang matupad.
Napatingin naman ako sa unahan at may sasakyang kulay itim na makakasalubong namin." Mama! Papa!" sigaw ko naman.
Nabitawa naman ni Papa ang manubela, dahilan para hindi na niya makontrol kung saan pupunta ang sasakyan.
Nakita ko naman na babangga kami sa isang sasakyan, pero lumiko ito dumiritso sa may bangin, ang sasakyan naman namin ay bumangga sa kahoy.
Dahil sa sobrang lakas ng pagkaka-bunggo ay nauntog ang ulo ko sa bintana ng sasakyan namin.
Nasira naman ang pinto ng sasakyan dahilan para mahulog ako. Ramdam ko naman ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.
" Mama? Papa?" mahinang bulong ko.
May tumulo namang dugo galing sa ulo ko, pero huli kong nakita ay ang sasakyan na malapit ng mahuhulog sa bangin.
Nakita ko naman ang isang batang lalaki na nahihirapang lumabas. Pero hanggang dun nalang at nawalan na ako ng malay.