Kabanata 12

133 5 1
                                        

Mabilis namang pinaandar ni Ivan ang sasakyan, nang makasakay na kami. Nasa unahan naman umupo si Sherly, kaming tatlo naman ni Lance at Jane ay nasa likuran.

" Anong gagawin natin pag-uwi? paano natin ito i-explain sa kanila?" sabi naman ni Jane.

" I don't even know, Jane. Kahit ako naguguluhan na ako sa nangyayari." sabi naman ni Ivan sa kanya, habang nagmamaneho.

Nasa gitna naman sa 'min ni Jane si Lance na nakikinig rin sa pinag-uusapan nila." Bakit si Jake?" sambit naman ni Jane, at nagsisimula na namang umiyak ito.

" Kailangan muna nating mag-isip nang paraan kung paano natin ito malulusutan." sabi naman ni Lance.

" Paano nga!" sambit naman ni Jane, kaming dalawa ni Sherly ay tahimik lang.

" Pwede ba Jane? tulungan mo nalang kaming mag-isip kaysa pairalin yang galit mo." sabi naman ni Ivan sa kanya, natahimik naman ito.

Ako naman ay palihim lang na tumanaw sa labas, nadadaanan pa namin ang mga mataas na kahoy, para bumalik na.

Hindi pa namin narating ang bayan, kaya walang tao kaming nakikita. Wala kasing masyadong bahay na nakatayo sa lugar na ito.

Natigil naman ako dahil nadaanan namin yung babae, na madalas kong nakikita sa labas ng mansyon.

" Ihinto mo ang sasakyan!" mabilis na sabi ko naman kay Ivan, mabilis naman nitong inihinto ang sasakyan dahilan para muntik na silang masubsob.

" Ano ba!" reklamo naman ni Jane.

" Al? may problema ba?" hindi ko naman pinakinggan si Lance.

Agad kong binuksan ang pinto saka lumabas, tumakbo naman ako pabalik sa dinaanan namin.

" Al! bumalik ka dito!" rinig ko namang sigaw ni Ivan sa 'kin.

Hindi ko naman iyon pinansin, at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Binalikan ko kung saan ko ito nakita, may pakiramdam akong may alam siya sa nangyayari.

" Al! ano'ng ginagawa mo?" hindi ko namalayan na bumaba na pala ng sasakyan si Ivan at Lance, pati narin si Sherly.

Pilit naman nila akong hinahabol, pero takbo lang ang ginagawa ko, kahit sobrang sakit na ng paa ko.

May naapakan naman akong bato dahilan para madapa ako. Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid, hindi ko parin ito makita.

" Al?" mabilis naman nila akong nilapitan ni Ivan at inalalayang makatayo.

" Al? ano bang nangyari?"

" Ang babae." sambit ko nalang sa kanila.

" Sinong babae?" nagtatakang sabi naman sa 'kin ni Ivan.

" Mas mabuti pang bumalik na tayo sa sasakyan, baka maabutan tayo dito ng gabi." sabi naman ni Lance.

Inalalayan naman ako ni Ivan maglakad, dahil hindi ako makatayo nang maayos. Sumulyap naman ako sa likurang bahagi namin, at ni anino niya hindi ko nakita.

" Ano bang problema mo? bakit basta ka nalang nagpapahinto, kung gusto mong bumalik wag ka nang mandamay." sabi naman sa 'kin ni Jane nang makabalik na kami.

" Jane? tama na sabi." suway naman sa kanya ni Ivan.

Padabog naman itong bumalik sa loob ng sasakyan, ako naman ay tumahimik lang. Inalalayan naman ako ni Lance na pumasok sa loob.

" Salamat." sabi ko naman sa kanya, tumango lang ito sa 'kin saka umupo narin.

Tinignan ko naman ang tuhod ko, na mukhang tumama sa malaking bato sa daan. Sigurado talaga akong nakita ko siya kanina, hindi ako namamalikmata.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now