Kabanata 20

130 3 0
                                    

" Alice! nand'yan ka ba sa loob?" narinig ko ulit ang tawag ni mama sa 'kin.

" Nandito po ako sa loob, lalabas lang po ako kapag tapos na ako maligo." sabi ko naman kay mama.

" Sige, doon lang kami sa kuwarto namin maghihintay." sabi naman ni mama sa 'kin.

" Sige po." sagot ko naman.

Nakahinga na rin ako nang maluwag dahil tinanggal na rin nito ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko. Ikiniskis naman nito ang dulo ng baril sa ulo n'ya.

" You must decide now, whether i kill or you kill them. Their death is in your hand right now." sabi naman nito at ibinalik sa pagkakalagay sa side table ng kama.

" I wouldn't do that, hindi ako mamatay tao tulad mo." madiing sabi ko naman sa kanya.

Nabaling naman ang atensyon nito sa 'kin, gamit ang matatalim niyang tingin.

" What did you say? Who's killer, me?" sabi naman nito saka itinuro ang sarili niya.

" Who else? ikaw lang naman ang kayang pumatay." sabi ko naman sa kanya.

Tumawa naman ito, 'yong mapaglarong tawa, lumapit naman ito sa 'kin." Am i? Do you want me to kill you next?" pananakot naman nito sa 'kin.

" Kill me then?" panghahamon ko naman sa kanya.

Kaya ko pa magsalita pero ilang sandali nalang bibigay na ako. Sinubukan ko lang na tatagan ang loob ko, mas gustuhin ko pa ang mamatay kaysa patayin ang sarili kong pamilya.

" Next time." sabi naman niya, saka naglakad na papalabas.

Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalabas na s'ya. Doon na ako napa-upo sa kama, parang bigla akong nabunutan ng tinik. Napatingin naman ako sa table dahil nandoon ang baril pati na rin ang itim na rosas.

Hindi ko kayang pumatay,  at sariling pamilya ko pa? Kahit anong mangyari, hindi ko ipapalit ang buhay nila sa ibang bagay. Inilagay ko naman ang baril sa loob ng drawer, at ang itim na rosas naman ay isinali ko na rin.

Bigla ko naman naalala ang sinabi nito kanina, minsan napabago ng galit ang puso ng isang tao. Bago ako lumabas nagbihis muna ako saka pinuntahan sila mama at papa sa kuwarto nila.

Nasa labas pa lang ako may narinig akong nag-uusap sa loob. Mukhang tatlo sila ang nandoon.

" Nasabi ko na po sa lahat ng kaibigan niya, na wala na siya. Matinding bangungot rin kasi ang nangyari noon sa kanila." narinig ko naman ang boses  ng babae.

Pakiramdam ko narinig ko na ang boses na 'yon," Mabuti naman kung gano'n, na ayos ko na rin ang tungkol doon. Sana sa susunod hindi na madamay ang iba." sabi naman ni mama.

" Oo po,mauuna na ako." sabi naman nito, narinig ko naman ang yapak nito papalaba kaya dali-dali akong humanap nang mapagtataguan.

Napasilip naman ako sa maliit na siwang, at nakita ko ang babaeng nakatalukbong na may suot na sarong. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid bago umalis.

Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko, saka sinilip kung nakalayo na ba ito. Sino naman kaya ang babaeng 'yon? Sino naman kaya ang pinag-uusapan nila?

" Alice? nandito ka na pala, pumasok kana." bigla namang bumukas ang pinto sa kuwarto nila mama at papa.

" Sige po." maikling sagot ko naman kay mama.

Sana hindi nalang ako nakinig dahil bumabagabag na naman ito sa isip ko. Ipinaghila naman ako ni mama ng upuan, para mag-almusal.

" Saan ka nga pala kagabi? Nakasarado ang kuwarto mo kagabi." sabi  naman ni mama sa 'kin.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now