Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame, maraming bagay na naglalaro sa isipan ko. Napabalikwas naman ako ng bangon, saka napabuga ng hangin. Kinuha ko naman ang scarf na gagamitin ko, dahil kinakailangan ko sigurong magahangin mo na sa labas.
Hindi ako makakatulog sa ganitong sitwasyon, daming gumugulo sa isipan ko. Pagkalabas ko sa cabin na tinutuluyan ko, malamig na hangin agad galing sa dalampasigan ang bumungad sa 'kin.
Nagtaka naman ako dahil sobrang ingay sa labas, at ang iba ay nagkakasiyahan. Anong mero'n? Naglakad-lakad naman ako para tignan kung anong mero'n bakit ang dami nilang nagsasayawan at nag-iinuman.
" Miss? Gusto mo sumali?" may babae namang lumapit sa 'kin saka hinila ako papunta sa mga nagkukumpulang mga tao.
Iba-iba naman ang lights na nakikita ko, kaya mas lalong nakakasilaw tignan." Anong mero'n dito?" tanong ko naman sa kanya.
" Tradisyon na sa Islang ito na gagawa ng kasiyahan na tulad na ito. Bago pa lang nag-declare ang may-ari ng Isla na ngayon gaganapin ang kasiyahan." sabi naman niya sa 'kin saka hinila ako papunta sa mga kasamahan niya.
" Tradisyon? Para saan?" naguguluhang tanong ko naman sa kanya, binitawan naman ako nito nang matapos niya akong hilahin papunta sa mga kasama niyang nag-iinuman.
" Dahil ngayon ang unang anniversary sa Islang ito, dahil dito dati nakatira ang pamilyang Parker na siyang may-ari nito." sabi naman niya.
Talagang kilala ang pamilyang iyon, dahil hanggang ngayon pina-aalahanan pa rin nila. Napatango nalang ako sa kanya, dahil wala na akong ibang maitanong pa.
" Umiinom ka ba?" tanong naman niya sa 'kin.
Umiling naman ako, " Hindi ako umiinom, napagawi lang ako dito. Dahil na cu-curious ako sa nangyayari." nakangiting pagtanggi ko naman sa kanya.
" Gano'n ba? Kung hindi ka umiinom, juice nalang." inabot naman nito sa 'kin ang isang baso ng juice agad ko naman itong tinanggap.
" Maraming salamat." sabi ko naman saka uminom.
" Iwan mo na kita, dahil magsasayawan muna kami." sabi naman niya, saka nakisali na rin sa mga kaibigan niya na nagsasayawan.
Naiilang naman akong nakatingin sa ibang babae dahil naka two-piece lang sila at ang mga lalaki naman ay naka top-less. Ako naman ay out of place sa damit nila.
" Miss? Gusto mo sumayaw?" may lalaki namang nagyaya sa 'kin na sumayaw.
" Hindi ako marunong sumayaw, salamat nalang." sabi ko naman sa kanya.
" Hali kana!" pagpupumilit naman nito sa 'kin, tinangka pa niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko rin itong hinila.
" Hindi talaga ako sumasayaw, babalik na rin ako sa Cabin ko." sabi ko naman sa kanya, mukhang lasing ito dahil amoy na amoy ko ang alak.
" Kunting oras lang, tuturuan kita magsayaw." nang muli na naman itong hawakan ang kamay ko ay may humila na agad sa 'kin papalayo sa lalaking iyon.
" Are you deaf, she said. She don't dance, so why are you keep forcing her?" narinig ko naman ang malalim na boses galing sa lalaking humila sa 'kin kanina.
" I'm trying to be nice to her, is she your fvcking girlfriend?" nagulat naman ako nang sabihin iyon ng lalaki.
Fvcking girlfriend? " Fvck you!" agad ko namang pinigilan ito nang tangkain niyang sugurin ang lalaki na kumausap sa 'kin kanina.
" Tama na 'yan! hayaan mo na siya." mahinang sabi ko naman sa kanya.
Napatingin naman ito sa 'kin habang nasa harap lang niya ako, " That's not in my vocabulary." madiing sabi naman nito sa kanya.
