Kabanata 21

136 5 0
                                    

Napatingin naman ako sa sirang pader kung saan niya pinatamaan ang bala ng baril na dapat sana sa'kin tatama. Pakiramdam ko tuloy hindi na ako natatakot mamatay pa, dahil sa kaguluhan ng isip ko.

Kung balak nilang ikulong ako dito sa Isla, hindi na sana sila nagsinungaling pa. Kahit alam kong may lihim sila sa 'kin pinipilit ko pa rin intindihan kung bakit nila ito ginagawa sa 'kin.

Dumagdag pa ang kahit ni-isang ala-ala man lang na pwede makapag-bigay sa 'kin ng kaalaman sa nangyari noon sa 'kin. Napahawak naman ako sa 'king tenga dahil pakiramdam ko kasi doon dumaan ang bala bago ito bumulusok sa pader.

Napatingin naman ako sa labas, dahil sa ingay na nanggagaling sa pumped boat. Nakita ko naman may mangilan-ngilang tao na ang dumadating. Akala ko talaga walang sino man ang makakapunta dito.

Kaninong Isla kaya ito? Kung balak nila akong dito ikulong bakit madaming tao ang nagpupuntahan dito? Napatingin naman ako sa lalaking may hawak na cellphone, halatang may kausap siya sa phone.

Napabalik naman ako sa loob dahil biglang nabaling ang atensyon nito sa 'kin. Mabilis ko namang sinara ang pinto at ini-lock iyon. Bigla namang kumalam ang sikmura ko, nagugutom na naman ako.

Naisipan ko namang magluto para pang-hapunan ko. Kinuha ko naman sa maliit ang Ham at hot dog.  Habang nagpi-prito ako may bigla namang kumatok sa pintuan. Dali-dali ko namang nilapitan ito, saka binuksan habang hawak ang kutsara.

" Hi! miss pw-" natigil naman ito nang may itatanong sana siya sa 'kin.

Kumunot naman ang noo ko, dahil nakatulala lang ito na nakatingin sa 'kin," May kailangan ka ba?" kunot noo na tanong ko naman sa kanya.

Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya," Ahh…Al-"nahihirapan naman itong banggitin kung ano ang gusto niyang sabihin.

" Lance! Kailangan nating magmadali!" napatingin naman ako sa babaeng tumawag sa kanya.

Kumunot naman ang noo ko, dahil pamilyar sa 'kin ang itsura ng babae. Parang nakita ko na siya, saan nga ba? 

" Sorry Miss sa abala." hinging paumanhin naman nito sa 'kin saka umalis na.

Agad naman akong tumalikod saka sinara ang pinto, napasilip naman ako sa bintana para tignan kung sino ang mga kasama niya.

Dalawang lalaki at dalawang babae, pakiramdam ko talaga kilala ko sila ehh… Mas lalong lumukot ang noo ko, dahil sa babaeng tumatakbong papalapit sa kanila.

Parang minamadali niya ang mga iyon na sumakay ulit sa pumped boat. Siya ang babaeng nakita ko kanina na nakasarong, nakita ko pa na nagpalinga-linga ito sa paligid.

Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Napasinghap nalang ako dahil naaamoy ko na ang niluto kong hot dog at Ham na nasusunog. Dali-dali ko namang pinatay ang apoy, saka kinuha ang niluto ko at inilagay sa maliit na lagayan.

Inilagay ko muna ang ulam sa mesa, para kunin ang kawale sa lutuan. Nakalimutan ko namang magsuot ng gloves dahilan mabitawan ko ito sa sobrang init.

" Aray!" napadaing nalang ako sa sobrang sakit, nagkalat na ang mga mantika sa sahig.

" What did you do!" isang malakas na sigaw ang narinig ko dahilan para mapatingin ako kung saan ito nanggaling.

Hindi naman ako nakapag-salita, mabilis naman ito lumapit sa gawi ko at kinuha ang kawale sa sahig saka inilagay sa hugasan.

" Sir Mateo? Kailangan niyo ng tulong?" napatingin naman ako sa lalaking nasa labas ng pinto.

" No, you don't need. Just leave us here." sabi naman nito sa lalaki saka nagmamadaling umalis papalayo.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now