Pagkatapos ng nangyari kanina, ay tinapon narin ni Lance ang patay 'ng daga, si Manang naman ay pinunasan ang nagkalat na dugo sa sahig.
" Ayaw ko na dito, umuwi na tayo." sabi naman ni Jane, saka pilit na pinapapayag si Jake na aalis na sila.
" Ano kaba, Jane? It's just a dead rat, hindi pwedeng uuwi lang tayo dahil dun." sabi naman ni Jake.
" Yeah! tama si Jake, nandito tayo para mag-saya e-enjoy ang sarili. Kalimutan mo nalang yun." sabi naman ni Sherly kay Jane.
" Maghanda na kayo, may pupuntahan tayo mamaya." sabi naman ni Ivan sa aming lahat.
" Saan naman?" tanong ko naman sa kanya.
" Nagtanong ako kay Manang kanina, kung may maganda ba ditong pagpasyalan, at sinabi niyang meron may malapit daw ditong talon, pero kailangan pa nating dumaan sa masukal na gubat, sobrang liblib kasi nito." sabi naman ni Ivan.
Nagsitanguan naman kaming dalawa ni Sherly, mukhang maganda ngang pumunta doon dahil may talon. Gusto ko ring i-try maligo sa ganoong lugar.
" Sige, kumain na muna tayo." sabi ko naman sa kanila, habang si Jake naman ay pilit niyang sinasabi na kalimutan na ni Jane ang nakita niya kanina.
Pagkarating namin sa kusina, ay hindi na naging normal ang galaw ni Manang para bang balisa ito." Manang? may problema ba?" tanong ko naman sa kanya, tinignan naman ako nito.
" Wala, Iha. Kamusta na yung kaibigan mo?" tanong naman niya at tinignan si Jane na naka-upo na sa may mahabang mesa.
" Magiging maayos din siya Manang, hindi lang siya sanay na makakita ng ganoon." nakangiting sabi ko naman sa kanya, tumango naman ito sa 'kin.
" Napansin ko nga yun, sige ipaghahain ko na kayo ng pagkain." sabi naman ni Manang, saka kinuha ang pagkain na niluto niya para sa 'min.
" Tulungan ko na po kayo diyan." sabi ko naman at tinulungan siyang magdala ng pagkain, saka inilapag ito sa hapagkainan.
Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang tignan si Jane. " Alam niyo ba ang daan papunta doon, Ivan?" tanong naman ni Lance kay Ivan, habang kumakain.
Siguro ang ibig niyang itanong kung saan ang daan papunta sa talon na sinasabi ni Ivan." Oo, sinabi sa 'kin ni Manang, malapit lang naman dito yun." sagot naman ni Ivan.
" Pupunta talaga kayo doon, mga iha at iho?" sambit naman ni Manang, habang nagmamasid lang sa 'min.
" Oo po Manang, yun naman talaga ang sadya namin dito. We want to try some adventure, kahit saang lugar." sabi naman ni Lance.
" Kung ganun, mag-ingat kayo doon. Napaka-liblib ng lugar na iyon, madalas lang na may pumupuntang tao dun. Siguraduhin niyo ring hindi kayo aabot sa gabi doon." sabi naman ni Manang.
" You don't care, kahit gabihan pa kami doon." rinig ko namang sabi ni Jane, buti nalang hindi iyon narinig ni Manang, dahil may ginagawa ito.
" Jane? can you just watch your words?" sambit naman ni Sherly, baka narinig din niya ang sinabi ni Jane kanina.
" Gosh! this is our trip, hindi naman niya kailangang pagsabihan tayo kung anong gagawin natin." sabi naman ni Jane.
Hindi ko talaga gusto yang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Mas masahol pa siya sa daga, na pinandidirihan niya kanina.
" Can you just show a respect, Jane?" sabi ko naman sa kanya, binalingan naman ako nito at pinataasan ng kilay.
Padabog naman nitong binitawan ang kutsara at tinidor niya." Nawalan na ako ng gana." sabi naman niya saka, umalis sa hapagkainan.